Chapter 2

4 0 0
                                    

Pasukan na ang hinihintay ni Jen bagong school , bagong classmate at bagong buhay para sa di mabago bagong buhay niya

"ok room 105" sabi ni Jen habang naglalakad at hinahanap ang Room nya

"ok room 10-" BUUG!! Nabunggo ni Jen ang isang estudyante sa hallway nagbagsakan ang mga papel lapis, baon, unan, kumut , MRE,IED ng estudtante

"naku naku sorry ah" sabi ni Jen

"ok lang ako ikaw ba miss ok ka lang" sabi ng lalake

"parang eksena sa pelikula .. ang pangalan ko ay Mark" sabi ng lalaki

"ako naman si Jen" pangiti na sabi ni Jen sa lalaki

"naririnig kita na sinasabi mo room 105?.." sabi ni Mark

"oo doon kasi ang room ko"

"im also heading on that room .. I guess were classmates?" pangiti na sabi ni mark

"wow English ahahah ..pero tama ka papunta nga ako doon sa room na yun" sabi ni Jen

"tara sabay na tayo" sabi ni mark

"aray" napaupo si Jen sa sakit hindi niya namalayan nasugatan pala siya sa kanyang binti

"may sugat ka ... wait " dinukot ni Mark ang bandaid sa kanyang wallet at binuksan itinapal sa tuhod ni Jen

"Salamat.." Sabi ni Jen nagbublush pa ng kaunti napaka rupok

"Wala yun kung tutuusin ako din naman ang may kasalanan" napatawa nalang silang dalawa, ang hindi nila alam pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante.

Nakadating nadin sila Jen at Mark sa room 105 sa third floor magkatabi silang umupo sa likod at ibinaba ni Mark ang napakalaking Bag niya sa harapan napansin ni Jen tatlo lang silang magkakaklase sa room at ang teacher nila ay natutulog sa harapan.

"bat parang ang onti yata natin sa section na ito ?" tanong ni Jen sa sarili

"Good Morning Class ! sa wakas kumpleto na tayo!" Sabi ng Teacher sa Harap na mukang Political animal na may mahabang balbas pero dahil sa tuxedo niya makikita ang professionalism niya sa pagiging teacher

"Kumpleto na tayo nyan!" sigaw ni Jen sa sarili

"well kayo ang nabibilang sa section ng mga late mag pasa ng requirements... sana magreflect sainyo yan sa susunod na pasahan" sabi ng Techer na may kalmadong boses

"Nga pala sino dito si Geneses Mariama ? " sabi ng Teacher

"sir present po!" sagot ni Jen

"ikaw nga ! ... ako ang iyong teacher Ang pangalan ko ay Reynold.. Sir Reynold Homes"

"ah sir paano po kami sino ang teacher namin?" sagot ng estudyante sa harap na mukang confused

"ako" sabi ni Sir Reynold

"ah akala ko po kasi-"

"ako ang teacher nyo dito kaya nga ako nasa harapan nakaupo umiinom ng coffee!.. ahahahahaha sino pa ba kundi ako?" sabi ni Sir Reynold na parang siya ang bida sa pelikula na umuikot lang sa buhay nya

"ok so lets move on to our next topic.. introduce my self" sigaw ni Sir Reynolds habang nakataas ang kamay

Umabot ang introduce himself ng isang oras at nagbreak na

"RING RING RING !"

Lumapit si Jen sa harapan upang magpakilala sa ikatlo nyang kaklase sa room na tatlo lang ang estudyante

"hi ako si Je-"

"oo kilala kita.. ako si Da-"

"IKAW!"

IT strand Senior HighWhere stories live. Discover now