Chapter 1

8 0 0
                                    


Sa enrollment ng Senior high marami ang nakapila at nagpapasa ng mga requirement isa doon ay ang babae na maikli ang buhok nagpapahid ng panyo sa pawis na kasing alat ng dagat na kumukulo

"yung makeup kooooooo" pabulong na sabi ni Jen habang may suot na sumblerong pula at nakakunot na muka na parang sa commercial ng asim kilig , maganda sana si Jen kung hindi lang sa make up nya na parang white lady sa umaga , naka maikling short at maputi na binti , yung tipong mapapatingin ka nalang.

At sa matagal na pila na inabot na ng hapon nakarating na din si jen sa counter upang magpasa ng requirements nya , binigay nya ang brown envelope, "hayss sa wakas makakauwi na din!" sigaw ni Jen sa isip nya "ay mali po kayo ng pinasahan doon po ang pila ng senior high sa it strand po kayo?"sabi ng assistant "opo" sabi ni jen "ay doon nga po " napatingin na lamang si Jen sa pila ng mga it senior high "ah doon" (sabay tugtog ng Directed by Robert downey) umalis si Jen sa pila at lumipat sa kabila gusto nya sanang sigawan yung counter na "ANG HABA NG PINILA KO TAS PAALISIN MO LANG AKO!" pero hindi dahil para kay Jen mahalaga ang dignidad.

"Miss dito ka na!" sigaw ng isang lalake na matangkad mukang indiano pero Pilipino si Dan "singit ka" sabay simangot ng nasa likod nya , agad namang lumapit si Jen at napaisip "kilala ko ba to? Ah hehe dumadamoves ito saakin sige I take the first move" "salamat" "wala yun" sabi ni Dan na parang bubble head ang ulo "nga pala bakit ka nag IT?" tanong ni Dan "ah ..... ahahah.. may computer kami mahilig ako mag computer" "ah gaya ng ..?" tanong ni Dan na nag eexpect ng sagot na ma hypothesis sa research "gayang ng ano?" sagot ni Jen "gaya ng kung anong hilig mo gawin sa computers!?....diba we the geeks ! ahaha" "huh anong geeks ang gina gawa ko lang ay Peysbuk" "Peys.. ano?" "... by the way ako si Genses you can call me Jen" "ako naman si Daniel tawagin mo akong Dan" ( nga pala sa hindi nakaka alam wala naman talagang tumatawag na Dan kay Daniel ginawa nya lang iyon dahil kay Geneses na Jen parang ginaya nya)

Di gaanong mahaba ang pila sa It Senior high gaya ng sa college kaya naman naka pag pasa agad si Jen ng kanyang requirements "Dan!" "oh?" "dahil sayo nakapag pasa ako... Salamat ah" "walang ano man .. nakita kasi kita parang pagod na pagod ka na ... I mean what would the gentleman do?" "ikaw talaga" sabay suntok ni Jen sa braso ni Dan na hindi naman kailangan bat kaya ang mga babe ganun "alam mo kaunti nalang sa mundo ang mga lalake na katulad mo Dan" sabi ni Jen na parang nalibot na nya ang buong mundo "marami na ang nanligaw saakin na lalake pero ikaw lang ang ganyan" sabi ni Jen sabay ngiti kay Dan "hindi ako nanliligaw Jen" sabi ni Dan confused face "huh wala ako sinasabi!" "sabi mo marami na ang nanligaw sayo na lalake pero ako lang ang kakaiba" "ano ka ba Dan" sabi ni Jen nakasimangot "pero yun yun-" "-tama na! hindi ako ganun ka assuming ano!" "Alam mo Jen madami na din ang nanligaw saakin na babae pero ikaw lang din ang ganyan" sabi naman ni Dan "Wha?!....ngayon naman ang sinasabi mo MARAMI ANG NANLILIGAW SAYO AT ISA AKO DON!?...WHAT A NARCISSIST!" sagot ni Jen "ahahah nag bibiro lang... pero kalahati doon ay totoo" "anong kalahati?" tanong ni Jen "basta ahahaha" napaisip si Jen pero kahit sa kanyang pag iisip wala siyang maisip dahil siya ay nahihirapan mag isip.

"pero Jen .. lets be friends" sabi ni Dan "hindi wag nalang .. alis na ako ah" sabi naman ni Jen sabay alis ng school.

IT strand Senior HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon