Kabanata 13

1K 53 18
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

NAIINTINDIHAN KO NA ANG LUNGKOT SA MGA MATA NILA, at ang katahimikan na umaapaw sa selebrasyon na dapat ay masaya. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit sila pinapaalis ni Don Lacsamana, isa s’yang personalidad na kilalang-kilala ng halos lahat ng tao rito sa Idiyanale. 

Sa buong buhay ko ay hindi ko pa nakita iyon ng personal, ang alam ko lang ay marami s’yang lupain na pagmamay-ari at totoong maingay ang pangalan n’ya. Walang sinabi ang laki ng plantasyon namin sa lawak ng mayroon ito, isa lang din kaming butil para sa kan’ya. 

Kalaunan ay nabasag din ang katahimikan na namamagitan sa mga kapit-bahay nila Rafael. Kinailangan naming lumabas ng kubo para makisali sa usapan—sa mga kapwa magsasaka na may hinaing na sinasabi. 

Tumungo ang mga mata ko sa manong na hindi katangkaran, katamtaman lang ang pangangatawan, at puti na ang bigote dala ng katandaan. Si Mang Tupe, isa s’ya sa mga magsasaka na nandito na bago pa kami lumipat ng pamilya ko galing Maynila. Katulad ko, sa kan’ya rin nakatuon ang tingin ng ibang dumalo sa dapat masaya na salo-salo.

“Sa atin ‘tong lupa! Ipinangako ng lokal na gobyerno na ibibigay ang lupang ito na pinagtrabahuan pa ng mga ninuno natin hanggang sa huling hininga nila!” bulalas nito, sa bawat salita n’ya ay ramdam ang tono na may iponaglalaban. 

Dahil sang-ayon ang lahat ng tao rito sa kan’ya, ay sunod-sunod na tumugon ang mga ito.

“Hindi n’ya pwede ‘tong bilhin nang gano’n-gano’n na lang! Atin 'to!”

“Isang gahaman, ilang ektarya pa ba ng lupa ang gusto n’yang mapa sa kan’ya?”

“Ipaglalaban natin ‘to! Walang aalis!”

Pero kaming dalawa ni Ian, nanatili kaming walang imik. Walang maibuka ang bibig namin, dahil kahit naiintindihan ko sila, iba ang kinalalagyan namin sa kanila. 

Gusto kong ipaglaban ang ipinaglalaban nila, dahil kagaya ng mga salitang binitawan ni Mang Tupe, ipinangako ng gobyerno na ibibigay sa kanila ang titulo ng lupa. Pero sa banda ni Rafael, nang nagtama ang mga mata namin, nakita ko na ramdam n’yang naguguluhan kami ng kapatid ko sa mga pangyayari. Hindi namin alam kung saan kami lulugar. Makikisigaw ba kami, o tatahimik na lang? 

Naglabas ng malalim na buntong-hininga si Rafael, naglaho ang masiglang mga mata n’ya na nakikipag kulitan pa kanina lang sa'kin. 

“Dayang… mas maganda siguro kung uuwi muna kayo,” pahayag nito sa nanghihinayang na boses. Bukod sa lungkot ay ramdam ko rin ang pangamba sa kan’ya. 

Mabilis akong tumango, hindi kasiyahan ang kailangan nila ngayon, kailangan nilang mag usap-usap patungkol sa biglaang pangyayari. 

“Sige, Paeng…” tuliro kong sagot. “Uuwi muna kami. Sana okay lang ang lahat.” 

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon