“Go Magic 5! We love you!”

Grabe ang mga hiyawan ngayon ng mga tagahanga, yung mga babae kung makasigaw todong-todo talaga, tingnan lang natin kung sino ang mawawalan ng boses. Haha. Pero marami rin silang mga lalakeng tagahanga ah.

“Dito tayo Bes.” Sabi ko kay Ann tsaka umupo. Nasa sulok na bahagi na kami ngayon ng bleachers, wala na kasing bakaenteng upuan sa gitna at iba pang magandang bahagi kung saan kitang-kita ang mga manlalaro kaya dito nalang kami.

Nag-wa-warm-up na ngayon ang mga manlalaro at mukhang magsisimula na yata ang laro. Matapos ang warm-up ay lumapit na ang mga manlalaro sa kani-kanilang coach at nakinig sa mga sinasabi nito.

Nagpito na ang referee at hinagis ang bola sa ere ang West High ang unang nakakuha sa bola.

“D to the I to the A to the M-O-N-D, DIAMOND!

“Go Go Go Diamond! Shine bright and soar high!”

Nagsimula nang maghiyawan ang mga estudyante ng Diamond High. Yung cheerleading team naman ng dalawang paaralan ay nagsimula na sa kanilang chant.

“Who will win this game?! West High! W-E-S-T, WEST HIGH!! FROM THE NORTH, TO THE SOUTH, OR TO THE EAST, WEST HIGH WILL ONLY BE THE BEST! GOOOOOO WEST HIGH!”

Grabe yung energy ng taga-kabilang cheeringleading team ah. Hindi napigilan ng Diamond Cheerleading Team ang sumagot sa chant ng kabila.

“WHO WILL SHINE TONIGHT?! DIAMOND! D TO THE I, TO THE A, TO THE M-O-N-D, WE WILL BE THE BEST AND WE WILL SOAR HIGH! GOOOOOO DIAMOND!”

At naghiyawan naman yung mga estudyante ng Diamond University. Mas lumala na ang hiyawan ngayon na nagsimula na ang laban.

Unang nakapuntos ang West High ngunit agad naman din itong tinapatan ng Diamond University, matapos ang labinlimang minuto nag-time-out ang West High kasi lamang na ang paaralan namin ng limang puntos.

Matapos ang time-out nagsimula uli ang laban at tabla na ang puntos ng dalawang paaralan ngayon. Natapos ang first quarter na lamang ang West High. Lamang sila ng sampung puntos. Naku, baka matalo ang paaralan namin pero sana hindi.

May ilang minuto ang lumipas bago nagsimula ang second quarter.

“Prrrrrrtttt!!!!!”

Nagsisimula na ang second quarter ngayon at sana makahabol na yung team namin.

Pero natapos nalang ang second quarter, lamang pa rin ang kalaban. Lamang na sila ng labinlimang puntos ngayon. Pa’no na’to?..

“Bes, sana manalo ang team natin noh?” Biglang nagsalita si Ann, na halatang-halata ang kaba sa kanyang mukha.

“Oo Bes, sana manalo yung team natin.”

Nagpahinga muna ang mga manlalar bago sisimulan ang third quarter. Tinitingnan ko ngayon ang aming team at napansin kong may kinuha si Xav sa isang batang lalake na siya ring nagbibigay ng mga tubig sa mga manlalaro.

“Bakit n’ya kinuha ang telepono n’ya?”

“Ano Bes?” Tanong ni Ann sa’kin.

“Ah, ano kasi bes, tingnan mo si Xav ngayon abalang-abala sa pag-gamit ng kanyang telepono. Di ba dapat nakiking s’ya sa  sinasabi kanilang coach at hindi puro telepono.”

“Oo nga noh Bes? Ano kaya ang problema?”

Biglang tumunog at nag-vibrate ang telepono ko.

Nasaan na ang Prince Charming ko?Where stories live. Discover now