My Prince 4

165 27 24
                                    

Chapter 4

The Towel

ANGEL

Naiwan ni Xav ang tuwalya n'ya sa akin.

"Xav ang tuwalya mo." Sagot ko pero huli na ang lahat kasi nakarating na ito sa baba.

Napansin kong hawak-hawak ko pa pala ang tuwalya ni Xav. Basang-basa ito ng pawis nya at hindi ko alam kung bakit napakabango pa rin nito, naaamoy ko ang bango kahit hindi ko ito nilalapit sa ilong ko. Mabango talaga, hindi ko alam kung bakit hindi ito amoy pawis. Baka sadyang mamahalin lang talaga ang pabago ni Xav kung kaya't naaamoy pa rin ang bango nito kahit puno na ang tuwalya ng pawis. Hindi naman nakapagtataka kung mamahaliin ang pabango ni Xav kasi mayaman naman sila.
(author's note: akala nyo kung ano noh? Haha)

"Ah di bale na, isasauli ko nalang tong tuwalya niya mamaya." Bulong ko sa sarilo ko habang tinitingnan pa rin ang tuwalya.

Napansin kong mas naging intense pa yung practice nila at napakaseryoso na ng mga mukha nila. Para na silang mga tigre. Hahaha. 

Natapos na ang third and fourth quarter at ang nanalo sa kanilang ensayo ay ang Magic 5. Wow! Ngayon ko lang nalaman at napatunayan na magaling pala talaga tong Magic 5 na ito. Kaya pala hindi nakapagtataka na napakaraming babae ang nagkaka-undagaga sa mga lalakeng ito. Bukod kasi sa gwapo na sila magagaling pa itong mag-basketball.

"Prrrrt! Okay na! Magaling yung performance na ipinakita nyo ngayon kaya dapat magpatuloy na ito hanggang next week para sa laban nyo with West High. Naiintindihan nyo ba?" Gamit ang malakas na boses ito ang naging  instruction ng coach ng Diamond Basketball Team sa mga players.

"Okay Coach!" Malakas na sagot ng mga players at nag salute move pa.

"Sige pwede na kayong umuwi." Maikling sagot ng coach at nagsialisan na ang mga players.

Napansin kong tumingin si Anthony sa akin saka kinausap si Xav.

XAVIER

"May date pala kayo ni Angel ngayon? Bakit hindi mo sinabi? Ikaw ha, naglilihim ka na sa akin ngayon Xavier."  Mapanuksong tanong ni Anthony sa akin ngayon. Napaka-pakialamero talaga nitong lalake na ito sarap sapakin.

Bestfriend ko nga pala si Anthony. We've been friends since 8 years old palang kami. Sa hinaba-haba na ng panahon naming magkakilala, alam na alam na niya yung mga gusto at ayaw ko. Kung napipikon na ba ako o hindi pa, at iba pang mga bagay.

"Wala kaming date noh. Gusto ko lang sabay na kaming umuwi para may kasama naman ako. Boring kaya kung ako lang mag-isang umuuwi, mas maganda yung may kasama at makausap." Seryoso kong sagot kay Anthony. At isa pa, wala pa naman talaga sa isipan ko ang makipag-date kasi nga nasasaktan pa rin ako tuwing naaalala ko yung last relationship ko.

"Ah ganon ba, oh chill lang pare! Hahaha." Pabirong sagot ni Anthony sa akin.

"Oh Xavier una na kami ng Three Musketeers ah, may naghihintay pa kasing mga chika babes sa amin eh." Paalam ni Geoff sa akin. Yung three musketeers na sinasabi nya ay siya, si Denver at Mike. Grabe kasi tong mga lalakeng ito, iba-iba ang mga babae kada isang linggo minsan hindi nga umaabot ng isang linggo.

"Oh ano Ant sama ka?" Tanong ni Denver kay Anthony ngayon.

"Pass muna ako pare, magiging good boy muna ako ngayon." Nakangising sagot ni Anthony.

Nasaan na ang Prince Charming ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon