"Masyado ka bang na gandahan sa emerald garden? Gusto mo pagawan kita ng ganito sa kastilong makukuha mo malapit sa border?" Pabulong na tanong ng crown prince na kinagulat ko at umiling naman ako.

"Hindi na your highness, pero pano niyo naman na laman ang tungkol sa paglipat ko malapit sa border?" Tanong ko sa kaniya at tinaasan niya lang ako ng isa niyang kilay sabay suklay sa gigintuan niyang buhok.

"Malamang, kailangan kong malaman lahat ng tungkol sa magiging empress ko," sagot niya na kinalaki ng mata ko at kinaangil naman ni Viggo, napatingin ako kay Diana dahil sa sinabi ng crown prince bilang pagiging empress ko at umiling sa kaniya para sabihin hindi ako payag dito pero halata naman na hindi siya na aapektuhan sa sinasabi ng crown prince.

"Sino naman nagsabi sayo na gusto ka ni lady Kiera? Tingin mo ba papayag siyang ikasal sayo?" Bilang sagot ni Diana at na windang naman ko, ito pa ba ang ikakagalit niya hindi 'yung ideya na baka palitan siya ng crown prince sa trono niya?

"Hu? May sinasabi ka ba? Wala akong marinig," sagot sa kaniya ng crown prince at nagtinginan sila nang masama, my gad parang ako pa ang magiging dahilan ng pag-aaway nila hindi ang trono.

"Ma-maupo na tayo at pag-usapan ang dapat pag-usapan," sagot ko sa kanila at inaya na sa lamesa na may nakahandang mga pagkain.

Kinuha ko ang isang tasang tsaa at akmang iinumin ito ngunit agad akong pinigilan ni Viggo kaya na baba ko naman ito sa lamesa.

"Hayaan niyong tikman ko muna ang tsaa," sagot ni Viggo sa 'kin at napakunot naman ang noo ko, noon hindi niya naman ito ginagawa bago ako kumain ngunit mukhang nag-iingat siya dahil wala ako sa loob ng Romulus at hindi namin alam kung anong inihanda samin ng mga tao sa paligid.

"Mabuti pa nga sir Viggo," sagot naman ni Diana at napataas ang kilay ko habang ang crown prince naman ay tinitignan ang ginagawa ni Viggo.

"Matagal ka na bang butler niya?" Tanong ng crown prince pagtapos ibaba ni Viggo ang hiwalay na tea cup na kinuha niya.

"Mahigit isang buwan na po your highness," magalang niyang sagot at inalok na ko ng maiinum nang malaman niyang ayos na 'to para inumin.

"Hmmm... saan ka galing? Galing ka ba sa ibang ducal family?" Tanong ng crown prince at mukhang natuon ang atensyon nila kay Viggo.

"Yes, your highness," maikli niyang sagot at sumalumbaba ang crown prince sa lamesa habang nakatingin pa rin kay Viggo na kaniyang sinusuri bawat galaw.

"Mukhang alam na alam mo ang gawain mo na parang matagal ka nang naglilingkod sa buong buhay mo," sagot niya at napalagok na lang ako ng tsaa at kuha ng matamis na dessert na nakahanda.

"Bata pa lang po ako ay hinasa na nila ako maging butler para sa pamilyang pinagtatrabahuhan ko," sagot ni Viggo at miske si Diana ay napupunta na ang atensyon sa kaniya.

Ayos na sana dahil wala na sa 'kin ang atensyon nila kaso ang problema kabado naman ako sa maaaring malaman nila sa mga isasagot ni Viggo, sana wag sila maghinala o magtanong pa ng mga personal na bagay tungkol sa kaniya.

"Mabuti na't may katiwatiwalang tao sa tabi mo lady Kiera, hindi katulad ng mga katulong at personal guard mong kasama noon na walang ginawa kung hindi maliitin ka pagtalikod mo," sagot ng crown prince na hindi ko inaasahan na sasabihin niya.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now