"Aah, eh, rinig ko lang naman na usapan nila hahaha alam mo naman sa high society tsimis ang libangan, hahaha sige mauna na ko," sabi niya at parang asong bahag ang buntot na lumayas sa harapan ko.

"Hays, mas nakakapagod pala humarap sa mga tsimosa," bulong ko sa sarili ko at pakiramdam ko na ubos na agad ng forty percent ang energy ko ngayon umaga.

"Nagsisimula pa lang ang araw mukhang pagod ka na," bulong ni Viggo habang nakatingin sa mga aristocrats na nagsisilabasan na rin sa kani-kanilang mga silid para maglakad at maglibot sa hardin.

"Hindi pa nga tayo nakakagala sa bayan ay ubos na ang enerhiya ko, parang mas gusto ko na lang mahiga buong maghapon sa loob ng kwarto ko," sagot ko sa kaniya at umiling naman siya.

"Iisipin nilang bastos ka sa inauguration ng mismong kaibigan mo kung hindi ka makikipag-participate sa okasyon," sagot niya at biglang pumasok sa utak ko si Diana.

"Oo nga pala, hindi ko pa siya nadadalaw! Tara puntahan na 'tin siya sa silid niya," aya ko sa kaniya pero umiling naman siya.

"Kasama ng emperor at crown prince si princess Diana ngayon sa isang meeting bago kumain ng pananghalian sa banquet hall," sagot niya at humanga naman ako sa kung pano niya nakukuha ang mga impormasyon na 'yun.

"Nasa meeting siya? Hindi ba't dapat nagpapahinga siya ngayon dahil sa nangyari kagabi?" Tanong ko naman at tinaasan niya ko ng kilay.

"Magiging empress na siya sa mga susunod na taon, at hindi siya pwede magpahinga habang suot niya ang titulong iyon, gano'n kabigat ang gampanin niya," sagot naman ni Viggo at hindi ko maiwasan na mag-alala at maawa kay Diana.

Nagbuntong hininga na lang ako at nagsimula na rin maglakad at mag-ikot-ikot sa hardin, malapit lang din ang central plaza sa imperial palace kaya pwede namin itong lakarin palabas kaso masyadong nakakapagod lalo na't ganito kakapal at kabigat ang damit na suot mo.

Naglakad ako ng parang zombie sa daan at napukaw naman ang tingin ko ng mga karwaheng palabas ng palasyo.

"Lahat ba sila pupunta sa Central?" Tanong ko at tumango siya.

"Baka uuwi na rin 'yung iba," sagot niya at tumango naman ako, nakita ko kung gano karami ang mga royal knights na nasa palibot ng buong palasyo.

Bawat sulok ay makakakita ka ng isa o tatlong magkakasama, lahat sila ay nakasuot ng puting yuniporme na may pula at gintong detalye.

"Ano pupunta ka ba ng plaza? Magpahatid ka na lang sa karwahe," sabi naman ni Viggo pero iniisip ko na kung gagamitin ko ang karwahe ay paniguradong sasabihin ng Duke na isama ko na si Keisha sa paggala ko na pinaka ayokong mangyari sa lahat.

"Wag na, dito na lang tayo sa hardin at masyadong nakakapagod," sagot ko sa kaniya at hindi naman siya umimik.

Nasa first garden kami ng imperial palace na malapit sa main gate ng palasyo, mula rito ay tanaw na tanaw ko ang mga pumapasok at lumalabas ng palasyo, masusi ang bawat inspeksyon sa bawat karwahe na pumapasok at ganoon na rin sa lumalabas para masigurado ang kapakanan ng royal family.

Sa paglalakad-lakad namin sa hardin ni Viggo ay bigla kong nakita si sir Grimm mula sa malayo, mukhang abala siya sa pag-iikot at pagbabantay sa palasyo kaya nakalimutan niya na atang escort ko siya at bilang escort ko ay dapat siya ang kasama ko buong araw hanggang matapos ang pagtitipon.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now