"Bantay kami sa border ng emperyo pero na pag-alaman ko na ang pinuno ng mga pirata ay nagtatago sa dagat ng Moonvault kaya doon na 'min siya sinalubog at nakipagera sa gitna ng karagahan," kwento niya pa na talaga namang hinahangaan ko.

Hindi ko mapigilan mamangha sa kung pano nila tinalo ang mga pirata gamit ang malalaking barko na may kanyon sa loob. Hindi ko rin naman maiwasan na humanga sa lalaking ito na naglano lahat ng matatalinong galaw sa loob ng labanan, hindi naman siya ituturing na Tactician Prince ng history kung hindi niya napapanalo lahat ng mga gera na sumunod pa rito.

Iyon ang hindi nakita ng emperor matapos niyang ipatapon ang crown prince sa bawat digmaan na pinupuntahan ninto, lagi niya pinapasabak ang prinsepe at nagbabakasakaling doon na makuha ang kawakasan ninto para makuha ni Diana ang trono kaso doon na talo ang emperor dahil talagang matalino si Ean Hendrix Eckheart dahilan para silang dalawa ni Diana ang pinakakinatatakutan ko sa mga history books na nabasa ko.

Hindi ko maisip na itong lalaking ito ang magiging malaking kalaban ni Diana at magdudulot sa kaniya ng paghihirapa, pinapakinggan ko lang siya habang panay lang siya kwento sa 'kin at hindi namin na mamalayan ang oras na lumilipas sa 'ming dalawa.

"Your highness!" Na gulat na lang kaming dalawa nung biglang pumasok ang aking ama sa loob ng silid at galit na galit na lumapit sa aming dalawa.

Nakita niyang may hawak na kong kwaderno at ang crown prince naman ay nag do-drawing pa ng mapa at taktiks nila nung nasa labanan.

"Hindi ba kayo tinuruan na kumatok Duke Ramon?" Seryosong tanong ng crown prince na medyo kinaurong ng aking ama kaya tinanggaka kong pakalmahin silang dalawa.

"Patawad your highness, pero na pag-alaman ko po kasi nasa loob kayo ng silid ng aking panganay at alam niyo naman siguro na mali ito dahil hindi pa kayo kasal na dalawa," sermon ng aking ama sa aming dalawa at napatingin sa lamesa ko na puno ng mga papel at drawing ng crown prince.

Halata sa mukha niya ang kaba at tumingin sa 'kin nang may nangungusap na mata, tila ba nagtatanong kung anong ibig sabihin ng mga papel at planong nasa aming harapan.

"Na-nag ba-balak ba kayo ng kudeta?" Nangangatog na tanong ng aking ama kaya na tawa ako at mabilis na umiling.

Akala niya siguro ay may kung ano kaming pinaplano ng crown prince dahil sa mga planong ito na nasa harapan na 'min, ano tingin niya sa 'kin kayang magpabagsak ng emperyo?

"Hindi po father, nagkukwento lang po ang crown prince ng mga kaganapan nung nasa gera pa siya," sagot ko at halata talaga sa mukha niya ang pagtataka kung anong sumapi sa anak niya at nahilig sa mga bagay na katulad ninto.

"Ehem, masyado nang malalim ang gabi at hindi ako papayag na magpatuloy pa kayong dalawa sa kwentuhan niyo," sagot niya at inaya ang crown prince na lumabas sa kwarto ko.

"Kahit na kayo ang crown prince ay hindi pa rin ako papayag na pagmulan ito ng hindi pagkakaintindihan at mga usapan sa high society kaya kung iniingatan niyo ang imahe niyo bilang crown prince at ni Kiera bilang lady ng Romulus ay sana hindi na mauulit ang ganitong kaganapan," sagot ng Duke at sabay lingat sa buong paligid na parang may hinahanap.

"Na saan si sir Viggo?" Tanong niya sa 'kin at napalunok naman ako, magpapakusot ba ko at sasabihing kanina pa ito nasa kwarto ninto?

"Ah, kanina—"

"Yes my lord?" Napalingon kaming tatlo sa pagpasok ni Viggo sa pintuan at tumaas naman agad ang kilay ng crown prince sa presensya na pinakita ninto.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now