"Saan ka pupunta? Akala ko ba pupuntahan mo si Diana?" Tanong niya kaya napalingon ako at inis na humarap sa kaniya.

"Saan ba kasi ang daan?" Inis ko ring tanong dahil okay na sana eh, magwa-walk out na ko kunwari pero ang tanga ko lang dahil naliligaw na ko sa laki ng palasyo na 'to.

"Hahaha seryoso?" Tanong niya sabay iling ng ulo at lapit sa 'kin, "Tara samahan kita," sabi niya at nauna nang maglakad papunta sa salungat na direksyon kung saan ako papunta kanina.

Sa totoo lang nagdadalawang isip akong sundan siya pero mukhang seryoso naman siya na ihahatid niya ko at alam ko base sa memorya ni Kiera na hindi siya sinasaktan ng lalaking ito at parang papet niyang napapasunod ang crown prince.

Nakakapagtaka lang dito kay Kiera ay bakit tinatapon niya pa ang sarili niya kay sir Grimm kung narito naman ang crown prince.

Like hello, kung naghahanap lang naman ng lalaking mayaman itong si Kiera edi sana dito na lang siya sa crown prince, pero sabagay kung pagbabasihan naman kasi ang ugali ay kay sir Grimm din ang boto ko.

Pero syempre mas the best pa rin talaga si Viggo, ehem.

Sa paglalakad na 'ming dalawa sa mahabang pasilyo ay binabalot naman kami nang katahimikan, hindi ako umiimik dahil sa pag-iisip ko sa mga dapat kong ikilos sa harapan niya at siya naman ay mukhang malalim din ang iniisip.

Nakatingin lang ako sa anino niya na nasa harapan ko at tinatapakan ito sa paglalakad naming dalawa sa pasilyo.

"Kiera," tawag niya kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya at patuloy na naglakad sa likod niya.

"Yes, your highness?" Tanong ko at napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.

"Hindi mo man lang ba ko kakamustahin?" Tanong niya nang hindi man lang ako nililingon pero bago pa ko makasagot ay nagpatuloy ulit siya sa paglalakad at sinabing, "Ah, 'di bale na," maikli niyang tugon at bumalik sa tahimik naming paglalakad sa pasilyo.

Nagtataka naman ako sa kung bakit niya na gustuhan si Kiera kahit na ang daming umiikot na mga usapan sa pangalan niya, ang daming mga iskandalo at tinuturing na malas ng house Romulus ay bakit tila miske ako na si Cana ay ramdam na malaki ang pagtingin niya kay Kiera.

Ano kayang mangyayari sa 'kin kung malaman niyang hindi na ako ang babaeng mahal niya? Na iba na ang nasa loob ng katawan ng babaeng hinahangaan niya?

Papatayin niya kaya ako katulad ng mga kalaban niya sa gera?

"Your highness? Ano pong pakay niyo? Nagpapahinga na po ang crown princess," harang at pagpigil sa 'min ng dalawang kawal na nagbabantay sa malaking pintuan sa aming harapan.

Mukhang narito na kami sa kwarto ni Diana at agad siyang na harang dahil sa kumosyon na ginawa niya kanina.

"Gusto ko lang humingi ng patawad sa pinsan ko, masama ba 'yun? Isa pa kasama ko ang matalik niyang kaibigan," sagot ng crown prince sabay turo sa 'kin na nasa kaniyang likuran kaya sumilip ako at tumango sa mga kawal na bantay kay Diana.

"Ayos lang naman kung tulog na siya, bukas na lang ako babalik para dalawin siya," sagot ko sa mga kawal at sumagitsit naman ang crown prince.

"Sinasabi mo ba sa 'kin na hindi mo pararaanin si lady Kiera? Gusto mo bang maputulan ng ulo ha?" Tanong niya sa mga kawal na kinagulat ko kaya agad ko siyang inawat.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now