Kaya ba alam niyang bampira si Viggo ay dahil isa naman siyang werewolf?

Ayon sa mga librong na basa ko tungkol sa kasaysayan ng mga mythical creatures sa emperyong ito, ang lahi ng mga bampira at werewolf ang pinakamagkalaban, kinamumuhuian nila ang isa't isa at sila ang mortal na magkaaway.

Kaya pala nung magkita sila ay automatiko na silang galit sa isa't isa, tila ba nakasalubong ng mortal nilang kaaway.

"Tsk, kilala mo siya at alam mo kung ano siya pero hinahayaan mo lang lady Kiera? Anong binabalak mong gawin sa bampira na 'yan?" Tanong niya habang seryosong nakatingin sa 'kin, para bang hinuhuli o binabasa ang iniisip ko.

"Mukhang nasa pinakamababang uri pa siya ng bampira," muling tanong ni sir Grimm habang masamang nakatingin sa 'ming dalawa.

"Nilapitan pa naman kita dahil nais kong tanungin ang tungkol sa nalalapit na inauguration ng prinsesa, kung alam mo nang ako ang magiging escort mo, pero ito ang malalaman ko," dare-daretyso niyang sabi na hindi man lang ako hinahayaan magpaliwanag.

"Kaya sabihin mo lady Kiera, anong binabalak mo sa bampirang iyan? Alam ba ito ng Duke?" Tanong niya at para bang hinuhusgahan niya na agad ako gamit ang mga titig na ginawa niya sa 'kin, para bang iniisip niya ay may gagawian akong masama gamit si Viggo.

Sa mga tingin at tanong na 'yun, pakiramdam ko na reject agad ako ng crush ko nang hindi man lang ako nakakaamin sa kaniya na gusto ko siya.

"Mukhang hindi alam 'to ng Duke base sa ekspresyon ng mukha mo at sa hindi mo pagsagot," sabi niya pa sa 'kin at dahil doon nararamdaman ko ang pamumuo ng inis sa katawan ko.

"Oh ano naman ngayon? May balak ka bang isumbong ako sa Duke ko?" Tanong ko sa kaniya at kita ko sa mukha niya ang inis sa 'kin, alam ko naman na ayaw niya kay Kiera at kinaiinisan niya ito dahil sa pagpapansin sa kaniya.

Alam kong tingin niya kay Kiera ay isang asungot na walang ginawa kung hindi sundan siya ng tingin at magpapansin sa kaniya.

"Kung pwede lang wag kang makialam sa buhay nang may buhay sir Grimm," sagot ko sabay hila sa kamay ni Viggo at lakad palayo sa kaniya.

"Lady Kiera!" Tawag niya sa pangalan ko na matagal nang hinahangad ng totoong Kiera Deidamia pero hindi ko ito nilingon o pinansin.

Hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon pa mapapansin ni sir Grimm si Kiera, sa isang asukasyon. (accusation)

"Sigurado kang hindi mo kakausapin ang asong lobo na 'yun? Hindi ba't sabik kang makapareha siya sa gaganapin na banquet?" Tanong ni Viggo pero hindi ko siya inimik o pinansin, naglakad lang ako dire-diretsyo hanggang sa makarating kami sa karwahe.

"Romulus estate my lady?" Tanong ng kutsero pero umiling ako, "pakidala naman kami sa Liverpool," sagot ko sa kaniya at tumango lang siya.

Ang Liverpool ay isang famous tourist attraction sa panahon ko dahil sa dami nang magagandang bulaklak na nakahalera rito na parang bahaghari.

Gusto kong dalhin si Viggo doon at ayoko naman masira ang paggagala namin dahil lang sa inis ko kay sir Grimm, isa pa nangako ako kay Viggo na igagala ko siya dahil matagal na siyang nakakulong sa kabaong niya.

"Sigurado kang hindi pa tayo uuwi? Malapit na maggabi," tanong sa 'kin ni Viggo habang nakaupo kaming dalawa magkatapat sa loob ng karwahe.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now