"Sorry, sir... siguro nga po ay mali po ang ginawa ko na gawing daan si Jia para makita ko po ang anak ninyo," tumingin sa akin si Priam. Kinunutan ko naman siya ng noo ko. Binalik ni Priam ang mata niya kay papa, "mali nga po na ginawa kong daan si Jia upang makita lang si Kai. Pero wala na po akong ibang paraan na maisip makita lang siya pagkatapos ng may mangyari sa amin. But I assure you tito... nung may nangyari sa amin ni Kai... wala na po kami ni Jia nun."


"Alam mo na ba nung una pa lang na hindi ordinaryong lalaki ang anak ko, Priam? Alam mo ba noon pa man na pwedeng mabuntis ang anak ko?"


"No tito... hindi ko po alam. Honestly, nalaman ko lang po iyon nung makita ko po ang sonogram at nasaksihan ko rin po ang morning sickness ni Kai but before that tito. If i'm not mistaken, I also witness kung paano siya dumuwal nung naamoy niya ang pasta noon sa restaurant na pinagtatrabahuan niya pero hindi ko pa po alam noon na buntis siya until nung napadpad po ako dito last month lang din." kampanteng sagot ni Priam.

Oo nga pala si Priam Lacsamana pala ang unang naka-witness nung una kong maramdaman ang sintomas ng pagbubuntis ko.


"At ngayon ay nandidito ka dahil..."

"Dahil gusto ko pong alagaan si Kai at ang magiging baby namin. I will take responsibility of what I've done tito. I want to look after him. Besides, I like your son from the very beginning, tito." walang kagatol-gatul na pagsabad ni Priam kay papa.

Napaubo naman ng wala sa oras dahil sa huling inamin ni Priam kay papa. Narinig ko rin nag pagsinghap ni papa. Ang kapal din ng mukha ng lalaking ito. Binubola niya rin siguro si papa. Tae mo Lacsamana!


"Priam... alam mo ba ang sitwasyon ng anak ko? Alam mo ba ang repustasyon ng mga bearer sa mata ng lipuanan? Nilayo ko ang anak ko sa mata ng mga tao Priam dahil delikado, pati sina Jia at Jade, Priam hindi nila alam na buntis si Kai dahil baka kung ano ang maaaring mangyari sa anak ko... wala akong tiwala sa kanila at maraming naghahabol na mga doctor sa mga kagaya ng anak ko. Makakaasa ba ako na mababantayan mo ang anak ko, Priam? Kung totoo iyang mga pinagsasabi mo maakakaasa ba ako na hindi mapapahamak ang anak ko habang wala ako Priam? At makakaasa ba ako na hindi mo ito ipagkakalat?" napatingin ako kay papa. Kinagat ko ang labi ko dahil sa nagbabadyang mga luha sa mata ko.


"I know that tito. That's why I am here. I promise... I promise you tito that I will take good care of Kai and our unborn  baby. You can count on me, tito. As much as I want the world to know that I'm gonna be a father tito, but i know Kai's situation."


Ngumiti si papa kay Priam saka tinapik ang balikat. "Aasahan ko iyan, Lacsamana."

"Thank you tito."

Napangiti rin ako doon sa di malamang kadahilanan.


"Pero Priam... ikaw pa rin ang bukam-bibig ni Jia hanggang ngayon. Talaga bang klinaro mo na ang namamagitan sa inyo?"


Tumikhim si Priam. "Yes, tito I made it clear to her."

"Hmm," si papa.


Pagkatapos naming mag-usap, ang ibig kong sabihin ay matapos mag-usap ni papa at ni Priam ay kumain ako... pinakain ako ni Priam. Yes, ni Priam dahil ako muntik ko na ring makalimutan na wala pala akong tanghalian. Tssk! Napakapabaya ko talagang buntis. Si papa ay sinabayan din ako sa pagkain ko. Si Priam naman ay tapos na daw siyang kumain sa dun sa resort. Umuwi lang naman daw siya nang makabakante siya sa oras niya para malaman kung kumain ba daw ako.


"Pa... salamat po. Salamat po dahil hindi po kayo nagalit. At saka po... sorry kung hindi ko po sinabi sa inyo ang totoo. Natakot ako pa... natakot akong sabihin sa inyo ang totoo at nahihiya rin po ako. Kasi... kasi alam niyo naman po kung gaano ko kinamumuhian si Priam tapos siya po ang nakabuntis sa akin at isa pa ex-boyfriend din po siya ni Jia. Sorry talaga pa."

He Who Conceive |✔Where stories live. Discover now