AUTHOR'S NOTE
Greetings to all of you! I feel the need to do some POVs this time. Kaya naman this time, para sa aking pinaka-minamahal na character dito sa Lab Season 1. Erma Moreno, please take the spotlight.
-----
ERMA MORENO'S POINT OF VIEW
"It was nice meeting you again, Erma... walwalera?" Pang-aasar na naman muli saken ni Doc Miguel.
"Please lang, doc. Pinipilit ko na ngang makalimutan yung gabing yun." Sabay buntong hininga ko naman.
Natawa na lang ako ng slight. Ganun rin si Mia sa background.
"Well, gaya ng sabi ko kay Mia... isa ako sa mga resident doctors dito sa Northcoast at isa ang ate mo sa inassign saken na bantayan ko kada mag-ro-rounds. Little do I know, mag-kamag-anak pala kayo? Kala ko magka-apelyido lang." Pagpapaliwanag niya.
Ang gwapo niya talaga!!! Ang hirap kayang magpanggap na parang nagmamaldita vibes ba?! Pero, sa totoo lang... kung alam niyo lang talaga. Ang awkward!!! Imagine niyo na may nakahalikan kayong stranger sa bar tas pagkapasok mo, hindi ka aware na yung guy na yun is instructor mo?! Tas doctor pa talaga ng ospital katabi ng school mo?! Watdapakshet?!
"Busy po kasi both parents ko due to overtime sa pag-wo-work kaya no choice po ako kundi ako ang magbantay kay ate. Tsaka malapit lang naman Northcoast dito sa school kaya oks lang rin sakin." Paliwanag ko.
"Good! Andiyan naman si BFF Mia mo." Pag-e-encourage ni Doc Miguel saken.
"Anyway, bibigyan kita ng update. Vielle is showing some signs of improvement. Her vitals are stable, at we're closely monitoring her. Nag-adjust na rin kami ng kanyang medications, and her neurological responses seem to be getting better." Parang nabigyan ako ng pag-asa.
Sana nga talaga. Sana magising ka na, Ate Vielle.
"Mabuti naman, doc. Maraming salamat po, ha, sa pag-take care po sa kanya." Sabay tingin ko kay Ate Vielle.
"Kausapin mo lang siya, kahit na she's in a coma. Minsan kasi, familiar voices can stimulate a response." Pagbibigay suggestion ni Doc Miguel.
"Basta matibay lang ang support system, it really can make a significant difference sa pag-recover ng pasyente." Pagpapatuloy niya.
Napapangiti ako sa kaseryosohan niya ngayon bilang doctor. I admit, mas hot at gwapo siya sa dating niya ngayon bilang MD looks. Diniscuss niya further na dapat may hope and perserverance ako during these challenging times. Punong-puno ng sense of optimism.
-----
"At andun na nga, si dead mother, dead boy!" Rinig kong nagchichismisan ang tatlong magkakaibigan sa kabilang table dito sa quad.
Sa pasimuno ni Jeremy, nakatingin sila saming magkakaibigan.
"Oops!!! Baka mahimatay ka diyarn?!" Hagalpak naman na naki-join sa pagtatawa ang isa pa niyang kaibigan na si Andrea.
"Ay, nako, ghorl! Sinabi mo pa!? Hindi ka namin mabubuhat sa bigat mo ba naman, bakla?!" Jokingly agreeing naman ni Ashley.
Issey suddenly pulled back his chair and rose to his feet, his expression furious. Galit na galit, gusto talagang manakit. Samantala, si Mia naman, absorbed sa Tortora's Anatomy 15th Book Edition, sinisiko ko na sila Jorjane to get my attention, na-se-sense ko na Issey might do something drastic.
YOU ARE READING
Lab Life Season 1
RomanceIn the enchanting province of La Union, five Medical Laboratory Science classmates set foot on a journey that will shape their destinies and friendships in unimaginable ways. Erma Moreno, an ambitious and compassionate and a strong empowered young w...