Chapter 3: True Colors

3K 23 112
                                    

Sa quad, magkakasama sila Erma, Mia, Jorjane, Xander, at Issey, nakaupo, naghihintay para sa susunod na klase nila sa hapon. Ang iba ay nag-uusap, naglalaro, kanya-kanya sila nang pagpapalipas ng oras. Hanggang sa biglang may pumukaw sa atensyon ni Mia, na napatingin ang mga iilang tao sa kanya.

"OMG!" Gulat niyang sabi... na medyo pasigaw.

"Tingnan mo 'tong access portal natin

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

"Tingnan mo 'tong access portal natin. Instructor natin yung..." Erma gives Mia a meaningful look, na para bang alam na nito kung ano ang sasabihin ng kanyang bespren.

"Ano yun?" Curious na usisa ni Jorjane sa dalawa.

Tiningnan ni Erma ang access portal, kung saan makikita niya na ang instructor nila para sa "Anaphy with Pathophy Lec" at "Inorg and Org Lec" ay si Miguel Cabrera.

"Ah wala." awkward niyang sagot kay Jorjane.

Samantala, sila Xander at Issey, ay nanatiling walang pakialam sa kung anong nalaman nila Erma.

Hinila ni Erma si Mia papunta sa isang spot na mas tahimik at pribado.

"Diba siya 'to?" Bulong ni Mia.

"Miguel... Cabrera?" Basa ni Erma.

"Baka iba yan? Sure ka bang Cabrera yung narinig mo nung gabing yun? 'Di ko matandaan sa kinalasing ko." Uncertain si Erma.

"Alla sure ako! Ako... 'di lasing that time, 'di ko matandaan gaano kaya nagtanong ako sayo. Pero nung nabasa ko 'to, sure ako, siya yun! Cabrera talaga!" Persistent si Mia sa kanyang pagkakatanda.

"Ba't hindi man lang nagpakilala ang bwaka ng shet na yon na instructor pala siya dito?!"

"Hindi lang siya instructor. Winner ka, teh! Nakahalik ka ng doctor!" Sabi ni Mia na para bang proud pa siya sa nagawa ng kanyang kaibigan.

"Tigil-tigilan mo 'ko, Mia, ha?! Kinakabahan ako. Walang dapat makaalam niyan, kundi ako, ikaw, at yang Miguel na yan, at yung mga tao lang na nasa bar!" Medyo naanxious si Erma.

Sabay nilang sinearch ang "Miguel Cabrera" sa Facebook, pero walang nagpapakita na results na nagmamatch sa queries nito.

"Paka-mysterious naman sa socmed. Ano 'to, medieval ages? Walang FB at all?!"

-----

Erma, Mia, Jorjane, Xander, and Issey, sit around a table, having lunch in the school cafeteria. Naghihintay para sa kanilang afternoon classes.

"Ang sarap naman ng ulam mo, Issey." Nalanghap agad ni Jorjane ang kakabukas na lunchbox nito.

" Nalanghap agad ni Jorjane ang kakabukas na lunchbox nito

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.
Lab Life Season 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin