Chapter 12: Glimpse of His Secret

Start from the beginning
                                    

Nakita niya itong nasa center console pero hindi niya alam kung sino ang tumatawag dahil nakaupside-down ang posisyon nito.

#

"Tita, pweding sa atin nalang po muna 'yun? Ako nalang po ang magsasabi kay Zacheous 'pag nagkaroon na ako ng pagkakataon." Sabi ni Xian habang kasabay niyang lumabas ng bahay ang Tita Emily niya.

"Naku Xian, akong bahala. Hindi kita pangungunahan. Buhay niyo naman 'yan, ang magagawa ko lang ay bigyan kayo ng advice."

"Maraming salamat po sa pag-intindi Tita. I'm also respecting his decision for not telling you."

"Kaya pala gano'n ang reaksyon niya nu'ng araw na 'yun, ngayon ay malinaw na sa akin." Ngumiti lang si Xian sa sinabi ng Tita Emily niya at inalala ang naging usapan nila kanina nu'ng nasa taas pa si Zacheous at may naikwento nga ang Tita Emily niya sa kaniya.

"Sige po Tita, mauna po kami ni Zacheous, dadaanan pa kasi namin si Ryle. Salamat po sa breakfast."

"Walang anuman." Niyakap lang ni Zacheous ang Tita Emily niya saka naglakad palabas nang bigla siyang tawagin nito.

"Xian!" Tumigil sa paglalakad at nilingon ito.

"Laban lang." Sabi ng Tita Emily niya na nagpangiti sa kaniya. Nginitian niya ito at kinawayan. Lumabas siya nang may ngiti sa mga labi niya. Nagkaroon ulit siya ng lakas ng loob para harapin ang problema niya. Saktong pagpasok niya sa loob ng kotse niya ay nakita niyang may tinitingnan si Zacheous sa center console. Narinig niyang tumutunog ang cellphone niya kaya agad niya itong kinuha bago pa mahawakan ni Zacheous. Umupo siya sa driver's seat saka sinagot ang tawag.

Bigla namang nagulat si Zacheous dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng driver's seat nu'ng pumasok si Xian.

"Hello Yohanne?" Tawag ni Xian sa pangalan ng kausap niya. Laking pasasalamat lang niya at iba ang tumawag sa kaniya. Nilayo ni Xian ang cellphone niya mula sa bibig niya at tinakpan ang speaker nito.

"'Yung Yohanne mo tumatawag." Mahinang sabi niya sa katabi niya dahil halata sa mukha nito na gusto nitong malaman kung sinong tumatawag.

("Asan ka na? Halos nandito na kaming lahat sa Theater Room.")

"Oo na. Papunta na kami. Just wait for us." Sabi niya habang kinakabit ang seatbelt niya. Tinutulak niya naman ang mukha ni Zacheous na pilit nakikinig sa usapan nilang dalawa ni Yohanne.

("Okay, okay.")

"Siya ba? Sinama mo?"

("Anong sinama? Hinila ko kamo. Pagpasok ko nga sa kwarto niya, humihilik pa. Mabuti na nga lang at pumayag sumama 'yun. Ngayon nga eh parang tamad na tamad kumilos, inaantok pa raw siya.")

Kunot-noo namang tiningnan ni Zacheous ang kaibigan niya nang bigla itong tumawa. Gusto niyang malaman kung anong pinag-uusapan nila ni Yohanne na dahilan ng pagtawa niya. Hindi rin niya mapigilang mapaisip kung sinong 'siya' ang tinutukoy nito.

"Sige na ibaba ko na 'to - - -." Napatigil sa pagsasalita si Xian nang bigla siyang sikuhin ni Zacheous. Tinuro naman ni Zacheous ang cellphone ng kaibigan niya.

"Nga pala, may gustong kumausap sa 'yo." Binigay ni Xian ang cellphone niya kay Zacheous. Sa sobrang pagkabigla ni Zacheous muntik na niya itong mabitawan. Hindi naman sa ayaw niyang makausap ang crush niya, ang gusto lang niya ay malaman kung anong pinag-uusapan nilang dalawa ni Xian.

("Huh? Sino?") Nataranta siya nang marinig ang boses ni Yohanne at hindi niya alam kung anong sasabihin niya.

"Hoy Xian, kunin mo 'tong cellphone mo." Mahinang sabi niya sa kaibigan niya pero hindi siya pinansin nito dahil nagsimula na itong magdrive.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now