008 - MANANG PRINSESA

Start from the beginning
                                    

Mahahatulan siya na isang mangkukulam kung kakaiba ang uri ng buhok ng isang tao ayon sa orihinal na lugar ni Asteria. Not to mention, it does not matter if he was innocent nor guilty. Lahat ng may kakaibang kulay ng buhok ay naikukulong sa rehas. She was exempted though, her white hair color is natural.

"Madam... Style po iyan. Nagpakulay po si ser ng buhok at contact lens lang yung mata niya. Saka, anong sinasabi mong mangkukulam? Ka school mate mo iyan." manong gently grabbed her wrist. Inilapag niya ang kanang kamay ni Shania sa lalaki ngunit agad niya naman itong binawi.

"Napakabastos. Bakit halos magkaparehas tayo ng kasuotan? Hindi ka ba naturuan ng magandang asal ng iyong mga magulang? Oh kaya naman isa kang hampas lupa na walang kaalam alam sa mga nakakataas?" Shania left a disgusted look. Ang ngiti pa din ng lalaki ay nangangalay na, ganun din ang  kamay nitong nakataas kaya ibinaba niya na ang kanyang kamay.

"Hahahaha, talaga bang nagka amnesia ka? Bakit parang pati yung utak mo nasa imahinasyon ng makalumang taon?" the guy shifted his attention to manong. Taas balikat din itong gumalaw dahil hindi din niya alam kung ano ano ba ang pinaggagagawa ni Shania.

"Ms. Liebesfreud... School ito. Hindi formal social gathering. Magkaparehas po tayo ng style ng uniform kasi nasa iisang paaralan tayo nag-aaral."

Naningkit ang mata ni Shania. Dinadamdam na maghaparehas ng istilo ang kanilang pananamit. Ang pinagkaiba lang sa kanila ay ang lalaki ay nagsusuot ng pantalon habang sa babae ay dapat naka palda.

"My name is Purple Ignacio." itinaas nito ulit ang kamay para makipag handshake.

"At ano ang repyutasyon mo pati ng magulang mo?" hindi makikipag kamay si Shania sa mukhang hampas lupa. Kahit na malinis ito tingnan dahil sa perpektong pananamit. His approach was way too informal.

Saan siya naging bastos? Hindi man lang ito nagbigay galang sa pagyuko bilang respeto. Ni mismong paaralan hindi siya sinabihan na kailangan na pare-parehas ang pananamit ng bawat estudyante.

"My mom is related to a royal family. She's a half blood princess. Ang pops ko naman ay isang sikat na architect." Purple happily stated his family like a proud son.

What the heck is 'pops' ? Ano ba ibig sabihin nun?!

Royals are royals. They're supposed to marry their own kind. Just what the hell is going on as the old era disappeared like an air? This modern world is so fu*ked up to the point na iniisip ni Asteria na mahihirapan siya maka adapt ng madalian. Lalo na pag bata at mahihirap ang kanyang mga kinakasama.

"And me? Ako lang naman ang pumalit sayo nung 'NAAKSIDENTE' ka. Not to mention, I am one of the school's ace!"

Diniin ng lalaki ang kanyang salita.

'Aksidente? Saan ako naaksidente?' Shania asked herself as she gracefully place her hand on the guy's hand.

It was so awkward. Purple weirdly look at her while Shania's face imprints a poker face.

'Ano bang ginagawa ng babae na ito? Lalo siyang naging manang. Akala ko pa naman magbabago na siya dahil sa amnesia. Turns out, her presence radiates an aura of an old lady.' insulto ni Purple sa likod ng utak nito.

"Anong ginagawa mo?" sabay nilang tanong. Napatawa na lang si Purple dahil baka siya ay mahawaan ng kahibangan ni Shania.

"We're supposed to do a handshake. Like this." Purple guided her what handshake looks like. Mahina niyang iwinagwag ang kanilang kamay na parang naglalaro.

'Her hands... Is small and... Soft.'

Hindi namalayan ni Purple na mahinhin niyang pinisil ang kamay ni Shania. Nagulat na lamang ang lalaki na dumapo ang maliit na kamay nito sa kanyang kaliwang pisngi dahilan ng pamamaga.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Where stories live. Discover now