Tipid na ngumiti ang ginang na tila ba nahihiya. Niluwagan niya ang gate tanda nang pinapapasok na kami.

“Tuloy po kayo. Sasamahan ko po kayo sa kwarto nila.”

Sinilip ko pa si Hellios. Tumango ito sa akin bago ako pumasok na. He followed me as the maid walked us through the room where Raphael was.

Malaki ang bahay. Triple ang laki kesa sa amin at halatang may kaya ang mga nakatira. Naisip ko tuloy kung paanong nakapagpuslit ng alak ang mga kaklase ni Raphael. But then I saw the bar counter where lots of imported alcohols are.

Bumuntonghininga ako. Binuksan ng ginang ang isang pintuan.

“Pasok po kayo.”

The smell of strong liquor immediately lingered in my nose as I went inside. Iginala ko ang mga mata at nakitang limang lalaking estudyante ang mga walang malay. Mayroong nakahiga sa sofa, sa sahig, sa carpet at sa kama. Isa na roon si Raphael na nakadapa pa.

“Damn these kids. What the heck are they thinking?” It’s Hellios.

Lumaki ang naging bawat hakbang ko. Pagkalapit sa kama ay mabilis akong dumalo kay Raphael.

“Raph? Wake up. Ate is already here.”

I tried to tap his cheeks for several times but he was not responding. Nakaramdam ako ng kaba kaya naman mas nilakasan ko ang tapik sa pisngi niya.

“Raphael, uuwi na tayo. Gumising ka na diyan.”

He just groaned as an answer. I breathed out.

“Your brother is too wasted, Chloe. He won’t be able to answer you.”

Lito kong tiningnan si Hellios nang sabihin niya ‘yon.

“What should I need to do?”

“Don’t worry. He will be fine. We have to bring him home so he can rest.”

Tumango ako. Nilingon ko muli ang kapatid. Wala pa rin itong malay at kung hindi ko lang alam na nasa ilalim siya ng impluwensya ng alak, iisipin kong wala na siyang buhay.

Pakiramdam ko ay may humaplos sa puso ko nang makitang ipinasan ni Hellios si Raphael sa likod niya saka ako hinarap.

“Let’s go.”

Sunod-sunod ang naging pagtango ko. Tiningnan ko ang katulong na nasa amin ang atensyon. I roamed my eyes around.

“Manang, paano po ang mga bata na ito?” may pag-aalalang tanong ko.

Nakagawa man sila ng kasalanan, hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala sa sitwasyon nila ngayon. Kawawa naman kung aabutin sila ng umaga dito na ganoon ang ayos.

“Naitawag na po sa kaniya kaniyang magulang, Ma’am. Papunta na rin po ang mga ‘yon.”

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Nagpaalam na kami at sumakay sa kotse ni Hellios. He put Raph at the backseat and drove back to our village. Nang nasa tapat na ng bahay ay mabilis akong inatake ng hiya.

Kaya ko ba ipasok mag-isa si Raphael sa loob ng bahay kung ganitong wala siyang malay? Kung makikiusap naman ako kay Hellios na tulungan ako, para ko na rin sinuway ang mga magulang ko na huwag magpapapasok ng hindi kilala.

“Pero kilala ko naman na siya.”

“What?”

Namilog ang mga mata ko nang lingunin si Hellios na kunot noong nakatingin sa akin. Hindi ko namalayang nasabi ko na ang dapat ay sa isip ko lang.

“Uh, wala. Salamat sa pagtulong sa akin. Papasok na kami ni Raphael.”

He chuckled. “Are you kidding me? Mabigat ang kapatid mo lalo na at wala siyang malay. Duda akong kakayanin mo siyang mag-isa.”

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now