Mabigat ang bawat hakbang ko palapit kay Ate Erika na ramdam ko ang pagaalala sa akin ngayon. I still manage to smile to her and Baby Jacobus.

"Thank you for the invite, Ate. I need to rest, hindi maayos ang pakiramdam ko. Pero don't worry, little lang" pagbawi ko kaagad. I don't want them to worry about me. Lalo na at ramdam ko yung care nila sa akin.

Mula sa akin ay lumagpas ang tingin ni Ate Erika sa mga nasa likuran ko. Looks like she don't know what to do also kaya naman she seek for help. But I really wanna go home. I'm no longer comfortable with Bea's presence.

"Bye bye, Baby Jacobus" malambing na paalam ko dito at humalik pa sa kanyang noo.

Hindi nakapagsalita ang maingay na si Junie ng magpaalam ako sa grupo nila. Para bang nanunuod sila ng live teleserye at sinabihang manahimik lang. I know that everyone is shocked sa biglaang pagburst out ni Eroz at ang sinabi ko din kanina.

Up until now ay para pa din akong nakalutang sa ere because of the gulat. Gusto kong tapikin ang bibig ko, it's so maingay talaga and uncontrolable.

Hindi ko nilingon si Eroz ng tuluyan akong naglakad paalis don. Narinig ko ang pag protesta ni Bea, ramdam ko din ang pagsunod nito sa akin dahil kita ko sa mga mata ng trabahador ang pagsunod nila ng tingin.

"Gertrude" madiing tawag niya sa akin. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa aking sasakyan. Ang kanyang motor ay nasa tabi nito.

Hindi na ako nakapalag pa ng haklitin niya ang braso ko paharap sa kanya. I didn't even had a chance para punasan ang luha sa aking mga mata.

"Wag tayong magusap ngayon, Eroz. You're lasing and I'm pagod. I don't have the strength to argue with you. Please, let me rest" malumanay na pakiusap ko sa kanya.

Mas lalong umigting ang kanyang panga. "Gusto kong malaman ngayon, Gertrude" giit niya.

Mas lalong nanlabo ang aking mga mata. "You are not yet ready for my Gianneri"

I know that hindi tamang magdecide ako for Eroz part. Pero sa mga nangyayari ngayon, sa actions niya towards me. Inaalala ko lang ang baby ko. Simula pa lang noon, Eroz is a bit too much na for me in all aspect.

Kumunot ang noo niya, ramdam ko ang kanyang pagkabato and kita naman din iyon sa pagkalaglag ng kanyang panga.

"You're too masungit pa for her. And harsh, kaya sinusubong kita!" laban ko sa kanya. Mas lalong tumulo ang luha ko

"Gertie..." tawag ni Eroz sa akin.

Halos mamanhid ang buong katawan ko dahil sa klase ng pagtawag niya sa akin. It was a mixture of pakiusap at eagerness.

"But it's madaya, kasi everytime she hear your name she always smiles and giggles. Na para bang excited siya to meet you" dugtong ko pa, patuloy pa din ang pagtulo ng aking luha.

Habang sinasabi ko ang lahat ng iyon ay walang ibang nasa isip ko kundi si Gianneri lang.

Nanghihinang humakbang palapit si Eroz sa akin. Namumula na ang kanyang mga mata kahit medyo naguguluhan pa din.

"Gianneri..." he echoed.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Nakaramdam ako ng saya para sa baby ko. I know that it's fulfilling for her, now that her father already know her name.

Marahan akong tumango. "Gianneri, Eroz. Our daughter" and there, I already spill it.

Nasabi ko sa kanya in a most unexpectable way. I prepare too much for this day but all my plans didn't happend. Truly, truth will comes out kahit anong mangyari. Handa ka man o hindi, pag kailangang lumabas ng katotohanan ay ito na ang kusang gagawa ng paraan to expose itself.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now