Napakunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi nagiging ayos ang gawa ko. "Paano ba magkurbata?" Naibulong ko pa sa sarili habang pilit na inaayos ang kurbata ni sir kahit pakiramdam ko ay lalo lamang iyong nagugulo. Naririnig ko na rin ang lihim na pag-asik ni sir kaya nakakaramdam na ako ng pagkataranta. "Paano na? Presentadang taranda ka kasi Jessica" Paninisi ko sa sarili.

Nang makita ko na nakatali na ang kurbata ay napangisi ako at agad ko iyong hinigit para maging maayos. "Tapos na!" Masayang wika ko pa na para bang nakakuha ng malaking premyo.

"Ack! The hell! A-are you really t-trying to kill me, woman?" Umuubo na sermon sa akin ni sir Tristan. Halos mabigti ko na kasi ito dahil sa ginawa kong paghigit sa kurbata nito.

"Hala! S-sorry, s-sorry sir" Paumanhin ko naman kay sir. Sinamaan lang ako nito ng tingin bago nito inayos ang kurbata at lampasan ako.

Napangiti naman ako no'ng umupo na si sir sa upuan na nasa harap ng lamesa. Lumapit na ako dito at sinimulan ko itong asikasuhin. Nilalagyan ko na ang plato nito ng pagkain nang pigilan ako nito.

"Let me handle this. Kumain ka nalang din, Ica" wika nito kaya napangiti nalang ako at sinunod ko nalang din ang utos nito.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa kanang bahagi ni sir hindi para kumain kundi titigan lang ito habang kumakain. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. Narinig ko ang pag-asik ni sir.

"You are already forgiven, woman. Stop staring" wika ni sir pero nanatili akong nakatitig dito.

Napamaang pa ako sa mukha ni sir dahil noon ko lang napansin na gwapo pala ito. Napansin ko pa na makinis ang mukha ni sir at parang kay sarap noong hawakan.

Sinubukan kong hawakan ang mukha ni sir. Unti-unti kong inilalapit ang kamay ko sa mukha nito pero para akong bumalik sa katinuan nang hawakan nito ang kamay ko. Nagulat pa ako no'ng bigla akong sinubuan ng bacon ni sir Tristan.

"Close your mouth, woman. I know that I'm handsome, but don't make it obvious" wika pa ni sir bago nito binitawan ang kamay ko. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Napansin ko nalang na nakatayo na pala si sir at handa na ito sa pag-alis. "I'm done eating, I have to go" dagdag pa nito bago ako tinalikuran para lumabas ng kusina. Naiwan naman akong natitigilan.

Pagkatapos kumain at mag-ayos sa kusina ay dumiretso ako sa kwarto ni sir dahil naisipan ko na linisin iyon. Napapangiti pa ako habang inililibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto nito. Pakiramdam ko ay hindi na kailangan pa iyong linisin dahil sobrang linis pa rin ng loob. Nakaramdam pa nga ako ng hiya dahil mas mukhang babae pa ang gumagamit sa kwarto ni sir kaysa sa kwarto ko na sobrang gulo.

Napabuntong-hininga nalang ako at muling inilibot ang aking paningin. Sobrang aliwalas ng loob dahil halos puti ang mga gamit ni sir maliban sa lamesa at kabinet na kulay kayumanggi.

Napatingin ako sa malaki at puting kama ni sir. Pakiramdam ko ay iniaakit ako nito na mahiga sa kanya at yakapin ito. Halika na sa akin Jess Maganda! Napangiti nalang ako sa kalokohan na aking naisip.

"Dito natutulog ang boss ko" bulong ko na hindi pa rin inaalis ang pagkakatingin sa malambot na kama ni sir Tristan. Naramdaman ko bigla ang aking pagod sa maghapon na paglilinis at ang pakiramdam na gusto munang magpahinga. "Hindi naman siguro magagalit si sir sa akin kapag humiga ako sa kanyang kama kahit saglit lang? Tutal hindi rin naman niya malalaman dahil wala naman siya dito ngayon. Hahaha saglit lang naman" Nakangiting bulong ko sa sarili bago sinimulang humiga sa malambot na kama nito. Nagpagulong-gulong pa ako sa ibabaw ng kama dahil sa sobrang tuwa. Ang sarap sa pakiramdam!

Ninamnam ko ang pagkakataon na mahiga sa kama ni sir. Inamoy ko pa ang kumot at unan na ginagamit nito. Napangiti pa akong lalo dahil sobrang bango ng mga iyon. Amoy Tristan Guttierez!

Pagkatapos amuyin ang mga gamit ni sir ay umagaw ng aking atensiyon ang isang litrato na nakapatong sa ibabaw ng lamesa na nasa tabi ng kama. Kinuha ko iyon at pinakatitigan.

Napakunot-noo ako nang makita ko sa litrato si sir Tristan na may kasamang babae. Makikita sa larawan ang masayang mukha ng dalawa. Nakaakbay pa si sir sa babae habang nakatitig at nakangiti dito. Doon ko lang nakita ang gano'ng klaseng ngiti ni sir Tristan. Mukang sobrang saya nito sa kasama nitong babae.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot at pagkadismaya. Ipinilig ko ang aking ulo para alisin ang nasa isip ko. Napabuntong-hininga ako pagkatapos. Inilapag ko na ulit sa ibabaw ng lamesa ang litrato.

"Sino kaya iyong babae? Kaano-ano kaya siya ni sir?" Naitanong ko pa sa sarili bago muling humiga sa kama at tumitig sa kisame.



🌻Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ Keep safe everyone!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Where stories live. Discover now