"Tara na," yaya ko sa kanya.

"Hoy Sevilla." May tumawag sa'kin.

Lumingon kami ni Bricks. "Anong problema mo Riogo?"

| ●__● |

Ganda ng pangalan na'tin ah, pero sino na naman ba 'to? Ayoko nang gulo ah.

"Palibre naman oh, marami ka namang pera saka gipit na talaga ako ngayon. Kung gusto mo, magpapaalipin na lang ako," sabi niya habang nakatingin sa'kin.

Ano raw?

Nagkatitigan pa muna kami ni Bricks dahil naguguluhan sa mga sinabi niya.

"Classmate ba na'tin 'to?" tanong ko.

"Oo," sagot niya habang nakakunot ang noo.

I gave him an incredulous look. "Teka nga, ano bang pinagsasabi mo? Ni hindi nga kita kilala. Saka natutulog ka pa ba?"

Napaawang ang bibig niya. "Napaka-straight forward mo naman! Hindi ko kasalanang wala akong tulog, bruha ka!"

| °o° |

Aba't, walang hiya.

"Hala!" si Bricks, nakatakip pa ang kamay sa bibig.

Pinandilatan ko si Riogo. "Sumasagot ka pa! Sinong bruha? Ha!? Bahala ka diyan. Manigas ka dahil hindi kita ililibre!"

♕➺♕➺♕

Habang kumakain ay binabagabag ako nang konsensya ko.

P'cha! Ngayon lang ako nagkaganito. I'm not like this.

Huminga ako nang malalim and I tried to forget everything. I look at Riogo, ugh! I can't believe that I let him come with us. Tahimik lang siyang kumakain nang inorder ko.

"P're, ano sa tingin mo? Sino kaya ang gumawa niyon sa kanila?" napapatingala pang aniya, animo'y nag-iisip.

Nakakainis, isa pa 'to.

Hindi ako nagpahalata. "Hindi ko rin alam, baka may nakaaway sila." Tumango-tango lang siya.

Mukhang nasobrahan ko ata ang pambubugbog ko sa kanila. Hinahamon nila ako eh, ayaw ko naman na ako ang ma-todas. Kapag hindi ako lumaban, ako ang kawawa.

Baka putok na ngayon ang labi ko. What's the point of learning self defense if I'm not gonna use it, right?

But what I did is too much, I just can't control myself if galit ako.

|  ̄∆ ̄ |

Still! It's not right. Idiot! Sana hinayaan mo na lang sila!

Napahilamos ako nang mukha, parang mababaliw na ako. Sana pala tumakas na lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo muna ako sa Dean's Office. I opened the door, they immediately looked at my direction. I stood frozen, hindi ako makagalaw.

|・・? |

Nandito ang lalaking tumakbo kanina sa'kin. Takot niya akong tinitigan. It seems that he is talking to Alonso right now.

That Girl Is A Gangster (SEASON 1)Where stories live. Discover now