Chapter 3: Lion VS Dragon

45 3 0
                                    

Kiesha

"Pupunta ka ba ngayon sa rancho, hija?" ito agad ang bungad na tanong sa akin ni nanay pagkapasok ko sa kusina.

Sabado ngayon kaya walang pasok. Gusto ko sanang hindi pupunta sa rancho ngayong araw kasi may gagawin akong mga takdang-aralin. At ngayon na tinanong ako ni nanay nagdadalawang isip na tuloy ako.

"Opo, nay. Sabay nalang tayo." nagsimula na akong kumain ganun din si nanay. Nauna na pala si tatay sa rancho dahil kailangan nang-eharvest ang mga sugarcane at mga corn.

"Akala ko hindi ka na pupunta kasi tinanghali kana ng gising."

"Ahh, pupunta po ako, nay. Napasarap lang talaga iyong tulog ko."

Hindi na kami muling nag-usap pa. Hanggang umalis na kaming dalawa sa bahay dahil tutungo na sa rancho. Mabilis lang kaming nakarating at agad ng sinimulan iyong mga gagawin namin.

Sa sobrang daming gawain ngayong araw muntikan na naming makalimutan na mananghalian.

"Hindi na oras para sa tanghalian, Kiesha ah." napalingon ako sa likod ko ng marinig ang boses na iyon.

"Oo nga po eh. Nakalimutan ko kasi iyong oras dahil sa daming gawain sa rancho." sagot ko habang patuloy na kumuha ng ulam. "Buti nga po may pagkain pa dito."

Hinila ko iyong malapit na upuan sa gawi ko at doon umupo.

"Oo nga. Si Senior Arkhi kasi ang nagsabi na magtira dahil baka may iba na hindi nakakain sa dami ng gawain."

"hmm." na sagot ko nalang dahil sakto namang nasubo ko na iyong pagkain. Hindi na rin ako nuking nagsalita pa at nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

"Ito hija, juice." ngumiti nalang ako pagkatapos niyang ilagay ang isang baso ng juice sa aking tabi at lumabas ng kusina.

Sobrang dami pala talaga ang gawain ngayong araw. Akala ko pa naman na maaga akong matatapos ngayon kasi may takdang aralin pa akong tatapusin.

Patapos na akong kumain ng pumasok bigla si Senior Arkhi. Muntik ko pang mabitawan ang kutsara sa pagkakagulat ko. Dahil sa pagkabigla ko hindi ko namalayan na tinitigan ko na pala siya ng mabuti. Nagbalik lang ako sa pag-iisip ng ngumiti siya sa akin. Ngiting nagdulot ng ibang pakiramdam sa aking katawan. Ngiting hindi ko maipaliwanag dahil sa taglay nitong kakaibang damdamin. Ngiting pinaghalo ang lungkot, saya at pananabik.

"Ahm, Senior Arkhi may kailangan po kayo?" tanong. Ngumiti mo na siya sa akin bago sumagot.

"Wala naman hija. May tiningnan lang ako." Bakit ba pagtuwing ngumiti siya sa akin iba ang dulot nito sa aking damdamin.

"Ganun po ba." Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan. Hindi pa rin umalis si Senior Arkhi sa kaniyang kinatatayuan. Muli akong yumuko sa kaniya. "Mauna na po ako, Senior." paalam ko at mabilis na tumalikod at nag lakad palabas.

Paglabas ko agad kong natanaw si nanay na nagbibilang ng mga basket ng napitas na pinya. Bawat basket may laman na pinya ang sinasakay sa isang truck upang ihatid sa merkado at ibang pamilihan sa bayan at ibang bayan.

Naglakad na ako patungong rancho ng matanaw ang kunting kaguluhan sa unahan. Mabilis akong tumakbo ng marinig ang boses ng kaayo na himiyaw.

"Anong nangyayari po, Mang Damian?" tanong ko ng makalapit at ng makita kung sino ang kabayong nagwawala.

Ito iyong kabayo na ilap sa tao at isang tao lang ang kayang magpa-amo nito. Nagulat pa si Mang Damian ng lapitan ko.

"Huwag kang lumapit dito hija. Nagwawala ang kabayo baka masaktan ka." Pa-alala sa akin ni Mang Damian. "Lumayo ka nalang mo na at saka parating na rin si Senior Arkhi siya ng magpa-amo nito."

Mayor's Daughter Series 2: MISSING LOVE (Completed) Where stories live. Discover now