Chapter 6: Test

31 2 2
                                    

Keisha

Simula palang alam ko naman na hindi nila ako totoong anak. Na nakita lang nila ako sa labas ng bakuran na umiiyak habang akoy sanggol pa lang. Wala akong ala-ala tungkol sa aking mga magulang ang tanging meron lang ako ay iyong lampin na may nakaburdang pangalan ko.

Simula ng magkamalay ako tungkol sa mundo hindi ko ni minsan magtangkang hanapin kung sino ang totoo kong magulang. Hindi ko rin tinanong sa kung sino sino ang totoo dahil sapat na sa akin ang may tumayong Nanay at Tatay sa aking paglaki. Kahit hindi naman nila ako totoong anak pero tinuring nila ako na mashigit pa.

After hearing them I left. Muli akong pumasok sa loob ng aking kwarto ang nagmukmok. Tinawag nila ako ng agahan ngunit sabi ko nalang na may tatapusin akong takdang aralin. Muli silang kumatok sa aking kwarto at nagpa-alam na pupunta sa trabaho.

"Hija, papasok na kami ng tatay mo. Napagpa-alam na rin kita sa rancho na hindi ka papasok."masigla na ang boses ni nanay ng magpa-alam siya sa akin.

"Opo, nay. "sagot ko habang nakahiga sa aking higaan. Hindi ko alam na naka-idlip pala ako. Nagising ako ng maramdaman ang gutom. Agad akong bumangon at pumunta sa kusina. May pagkain sa mesa. Ito siguro ang agahan namin kanina. Matapos akong kumain agad na akong naligo dahil malapit na ang oras.

12:30 ako nagsimulang maglakad papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Jasper. Hindi rin kasi malayo ang lugar dahil dun lang naman sa may mangga. May upuan kasi dun na pwedeng pagpahingaan. Hindi ko ulam anong pumasok sa isip ko ng ma kitang may mga bunga ang punong mangga.

Agad akong umakyat at na-upo sa malaking sanga sa itaas. Hindi rin masyadong kita ang kinalalagayan ko. Agad akong pumitas at kinain iyon. Enjoy na enjoy akong kumain habang nasa taas. Hindi ko alam anong oras na. Matamis kasi ang mangga at hindi rin maasim. Iwan hindi ko alam anong pangalan ng mangga na ito.. Iyong matamis at walang asim.

Naka-ilang mangga na ako ng dumating si Jasper. Agad siyang lumilinga sa paligid.

"I said exactly one." Inis niyang sambit ng mga ilang minutong palinga-linga siya. Hindi rin naman ako nagsalita at dahang-dahan na bumaba sa puno.

"Ikaw yata ang hindi alam ang 'exactly one'." Kita ko ang pag-igtad niya sa kaniyang kinatatayuan. Nanlaking natang bumaling siya sa akin saktong pagkababa ko talaga.

"You almost pulled the shit out of me!" he exclaimed.

"Ay ganun. Orayt."


"In education, the term exhibition refers to projects, presentations, or products through which students "exhibit" what they have learned, usually as a way of demonstrating whether and to what degree they have achieved expected learning standards or learning objectives.... That is according to Google. Now, what we need to think is what learning should we flaunt. What subject it is? "nakinig lang ako sa kaniya. Wala naman akong alam diyan kaya tamang pakinig at kain bg mangga lang ginawa ko.

" Okey. " napabaling siya sa akin.

"Anong okey? "takang tanong niya sa akin.

"Okey, I understand. " tango-tango kong sabi habang ngumunguya ng mangga. Hindi rin kami nagtagal dahil sinabi niya lang naman kung ano ang School Exhibition tapos napagkasunduan namin na subject na eprepresent ay Earth and Life Science.

Nasa bahay lang ako pagka-uwi ko. Ginawa ang lahat ng mga assignments hanggang hapon. Agad naman akong nagluto ng hapunan namin. Habang hinihintay na maluto ang kanin. Nahiga mo na ako sa sofa.

Muli kong binalikan ang nakita kaninang umaga. Ang pinag-usapan ni nanay at tatay. I had already hints about it but still I am confused. I want to clarify things first because I know questions are to be followed. I just want to clear everythings so that I can I understand clearly. There are a lots of why's that I wanted to have answers.

Mayor's Daughter Series 2: MISSING LOVE (Completed) Where stories live. Discover now