Chapter 9 (Break the Rules)

29 0 0
                                    

        Para maalis ang yamot ko lininis ko ang kwarto ko, hindi ko namalayan na mag alas-dos na ng natapos ako. Kaya late na akong ng magising kinaumagahan. Tiningnan ko iyong relo na bagong lagay ng battery, mag alas sais na kailangan kong pumasok before 7 dahil dadaan pa ako ng library magpapa reserve ako ng libro para sa report ko.

            1,2,3 nalang ang pagligo sa sobrang pagmamadali. Halos istretch ko na ang mga legs ko para mas mabalis ang usad ko pero wa effect super virgin pa ng mga hita ko kaya ang bagal ng progreso.

            After all the pain and hardship nakarating din sa paroruunan. Noong dumating ako, punuan na ang library abala ang mga mag-aaral na humanap ng perfect spot kung saan malakas ang wifi. Iyong iba nakapwesto malapit sa sucket upang maki free charge. At ang pinakamalala ang nag-group study na ultimate chikahan ang pinag-aaralan at nakiki-aircondition lang. Mukhang malapit ng ma obsulate ang library!

Naghahanap ako ng libro para sa report sa Philippine Constitution. Mabuti nalang 2 weeks absent si sir dahil sa chicken pox kaya hindi masyadong na stress ang lola niyo. Nakikita ako na libro na pwede kong gawing reference. Mag papa-reserve na ako ng makita ko ang mahidira kong kapitad. Dalidali akong lumapit at kinurot ang tagiliran niya. Pinigilan niyang mapasigaw sa sakit.

Teh, masakit yun! Sorry na, bati na tayo. Pagsusumamo niya sa akin.

Che! Pagtataray ko.

Teh, forgive your ever deerest beautiful sister. Pagmamakaawa pa niya.

Hay, bakit ba hindi kita kayang tiisin.

Oh, forgiven na ako ha. Teh,  pambawi ko.

Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya at earphone at ipinakita niya ang latest video ng super doper crush ko na si Chanyeol ng EXO. Napasigaw ako sa sobrang kilig.

Biglang lumapit ang librarian sa table namin.

Kaninong boses iyon? Tanong niya sa ibang estudyante.

Napatingin sa gawi naming ang ibang mag-aaral. Lumapit naman sa amin ang librarian.

What year? Tanong niya sa akin.

3rd year po at siya naman 1st year. malumanay kong sagot.

Tinanong niya ang kapatid ko. May handbook ka naba ng School Rules and Regulation?

Wala pa po maam. Mamaya pa ibibigay sa orientation, hindi maitago ang kaba sa boses niya.

I see. Tango-tango siya. Ikaw miss give me your I.d., utos niya sa akin.

Ibinigay ko naman at nagsulat siya sa isang papel at idinikat niya sa WATCHLIST STUDENT.

AYESSHA REYES, BS POL SCI.

You may now leave this place silently and please be reminded that you are not allowed to enter nor borrow any books in 2 weeks.

Paano na report ko? Sa internet limited la ang makakalap na mga impormasyon. Patay kang bata ka.

            Dahil napaalis ang inyong lola, minabuti ko na lang na maglakbay patungo sa aking klase. Nasa covered walk na ako ng may matanaw ako ng kumpol ng mga kalalakihan, isa sa kanila ay may hawak na libro na katulad ng hihiramin ko sa Library. Parang pamilyar sa akin ang lalaki kaklase ko kaya ito pero hindi ko maalala ang name niya.

            Walang kahiya-hiya akong rumampa papalapit sa grupo ng mga lalaki.

            Excuse me, guys. Pag-aagaw ko sa kanilang atensyon.

            Agad naman silang tumingin sa aking gawi. Humarap sa akin yung lalaki na may dala ng libro.

            Yes? Sino kailangan mo Miss? Buntis ka ba? Sunod-sunod niyang tanong.

            Ha? Tiningnan ko siya na ano ang pinagsasabi mo.

            Ah, akala ko Miss isa ka sa mga na disgrasya nila. Sabay turo niya sa mga kaibigan.

            Nag-salita ang angel, ikaw kaya ang gabi-gabi kong mag pahele sa mga chika babes mo. angal ng mga kabarkada niya.

            Sinilip ko iyong I.D. niya, George Foreigner.

            George, classmate mo ako sa Phil Consti. Grabe walang-kahiya hiya akong  nagpapakilala na classmate feeling close lang ang peg ko.

            Nag-taka silang lahat at nagtinginan sa isa’t isa.

            Ano ang pangalan mo? sinusuri niya ang itsura ko.

            Ayessha Reyes. Naiilang na ako sa tingin ng mga lalaking ito.

            Ayessha? Parang ngayon palang kita nakita. Ah anyway last year 1st semester natin iyon kinuha baka naging makakalimutin na ako.

            Last Year. Last Year. Ito ang nag echo sa aking taenga. Patay di ko pala classmate ito.

            Ano pala ang kailangan mo?

            Kailangan ko na talagang paganahin ang pagiging madrama ko. Hindi panamansiguro diretso impyerno ang byahe ko kapag mag-sinulangaling ako ng kaunti.

            Ah, hihiramin ko sana ang book na iyan.  Turo ka sa librong hawak niya.

            Bumagsak ka ba sa subject na iyon? Nagtataka niyang tanong. Ang alam ko walang bumagsak sa klase natin.

            Ah, eh, mabait lang talaga si sir kaya di niya na pinagkalat. Pagsisinungaling ko.

            Wish ko lang convincing ang pag-arte ko.

            Oh, sige Ayessha mag photocopy ka nalang diyan sa likod. Di ko kasi ito pwedeng ipahiram sa iyo, kasi hihiramin ito ng pinsan ko.

            Agad naman niyang ibinigay ang libro at nagmadali akong magtungo sa tindahan.

            Ibabalik ko na ang libro ng may nakita akong Tarpulin Mr. George Foreigner, Mr. Teen Philippines 2014.

            Siya iyong hiniraman ko ng libro? Bulong ko sa sarili ko. My God nakakahiya.

            Ah, heto na libro. Salamat.

            Yesha, galingan mo para makapasa ka na sa subject na iyan. Nakangiting niyang wika.

            Nag mamadali akong naglakad palayo sa kanila. Narinig ko ang bulungan ng kabarkada niya.

            Weird Girl!

            Sana hindi na mag-krus ang landas namin. Kasi hindi ko alam kong makakaya ko ang kahihiyan pag nalaman nila ang kasinungalingan ko.

Mr. Foreigner and IWhere stories live. Discover now