Chapter 1 (What a Luck)

40 0 0
                                    

        Ayesha, bakit ka palakad-lakad diyan sa palayan? Siguradong mamaya mangangati kananaman. My mother yells at me as I stroll around the rice field.

 Sa hindi ko malaman kung bakit nagkaroon ng matinding hinanakit sa akin ang palayan at ako ang bukod tangi na ipinanganak sa bundok na nangngati sa palayan. Ang sabi ng matatanda pinarusahan daw ako ng Diwata ng Palayan dahil noong nagdadalang tao sa akin, ang aking nanay madalas daw niyang pitasin ang mga hilaw na butil nito.

Pasok ka na sa loob ng bahay at tupiin mo ang mga damit na bagong laba. Utos ng aking ina.Mga gawaing bahay iyan ang nakasanayan na ipagawa sa mga kababaihan sa nayon kailangan mo itong matutunan dahil kapag nagkapamilya ka ikaw na ang solong gagawa. Minsan nagtataka ako kung bakit inihahanda na tayo sa pagpapamilya, ito na ba talaga ang nakaguhit sa tadhana ni Maria Clara ang maging asawa’t ina.

            Opo, nanay. Sadyang nakakagalak gawin ang bawal, pero sa isng banda susundin mo ang iyong magulang. Hindi sa kadahilanan na utos ng Diyos na Honor your father mother kundi sa takot mo na usigan at isusumpa ka ng buong sambayanan sa pagiging suwail na anak.

Pumasok ako ng bahay na naiirita. Agad naman itong nawala at napalitan ng pagtataka. Saan po kayo pupunta? Bakit naka kuntodo porma po kayo?

            Ah, iha pupunta ako sa Ninang Linda mo, iyong taga- Cabuynan. Fiesta ngayon sa kanila, inimbitahan niya ako. Alam mo ba nakapangasawa ang 4 na anak niya ng foreigner. Ubod na ng yaman ngayon. masayang isinalaysay ng aking ina ang swerteng nakamit ng kaibigan. Inaalala ko ang itsura ng taong tinutukoy ng aking ina. Halos hindi ako makapaniwala sa imahe na naguhit ng aking isipan. Kaya wala sa sarili akong napasigaw.

            Yung tsismosa at mahilig mag tong-its kay da Tiyo Jose? Tumango naman ang aking ina.

Paulit-ulit na  sinasabi ng mga tao na Nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa pero si Ninang Linda na panay upo at sugal lang ang inaatupag biniyayaan ng hindi ko mawari kung sa anong kadahilanan. Akalain mo nga naman ang swerte ng tao, kahit hindi pagsikapaan pag para sa iyo talaga, mapupunta sa iyong mga kamay ng parang magic.Bulong ko sa sarili.

Hindi naman kagandahan ang mga anak ni Ninang para makapangsawa ng mga banyaga. Lumaki ang aking kuryusidad sa mga posibleng mga sagot sa mga tanong na nabubuo sa aking isipan. Kaya nagdesisyon ako na sumama sa lakad ng aking ina. Nay, sama ako, sige na please. Gusto kong masaksihan ng dalawang mata ko ang pag asenso ng ninang ko at ng kanyang asawa na ubod ng tamad, paglalambing ko sa aking ina.

            O, sige magbihis ka na dapat matapos ka sa loob ng 10 minuto kundi iiwan kita. Sino kaya ang matinong taong makapag-ayos sa ganuong kaliit na oras. Ayaw lang talaga akong isama kaya gumagawa siya ng paraan para makapagbigay ng rason upang ako’y iwan. Nagmamadali akong nagbihis at hindi ko na halos maayos ang buhok ko sa takot na maiwan.

            Noong nasa Cabuynan kami nagulat ako kasi parang nasa isang exclusive subdivision ka sa Makati dahil sa naggagandahan at naglalakihan na bahay na tumambad sa amin.

            Napatulala ako sa pagkamangha sa mga state of the art na mga structures na aking natatanaw. Ang ganda ng mga landscaping ng bawat tahanan, madalas ko itong makita sa mga old magazine na binibili ko sa sidewalk. Napabulalas ako sa aking ina, Nay, ito naba talaga ang Baranggay ni Ninang Linda? Sampung taong gulang ako ng huli tayong nakapunta dito at halos maiyak ako sa kalunos-lunos na kalagayan ng mga tao. Hindi ko makapaniwalang saad.

            Tinanatanaw ni nanay ang nakapaskil na WELCOME TO BARANGGAY CABUYNAN at isinuot pa niya ang eye glasses upang masigurado na tama ang nabasa niya. Maski nga ako anak hindi rin ako makapaniwala sa nasasaksihan ko. Hindi rin niya makapaniwalang saad.

Mr. Foreigner and IWhere stories live. Discover now