Chapter 5 (Eyeball in Robi)

50 0 0
                                    

Yesh, punta ka dito sa Robinson. Nagtataka ako kong ano ang gagawin ko doon. Haller lunes palang ngayon at hindi ako uuwi ngayong linggo dahil sa marami akong ipapasa na mga requirements kaya bawal akong mag malling ngayon budgeted ang allowance ko.

            BAKIT AKO PUPUNTA DIYAN? ASAN KA BA? pasuplada kong reply.

            Nandito ako sa Robinson. Punta ka dito wala akong kasama. Hay baliw talaga siya bakit naman siya pumunta doon kong takot siyang mapag-isa. At bakit naman siya matatakot i-safe naman doon maraming security guards at may CCTV pa.

            Nagtaka ako kong ano ang gagawin niya doon sa pagkakaalam ko shortage siya ngayon. Ano ang ginagawa mo diyan? Reply ko sa kanya.

            Best, eye ball kami ng chatmate kong kano. Eye ball? Sabi niya dati mga baliw lang ang gumagawa niyan. Mga desperate girl na nangangailangan ng attention sa mga lalaki.

            Kano? Nakwento niya sa akin dati na may mga banyaga siyang ka-chat sa isang website, friendly chat lang daw walang hokus pokus na ginagawa. Naniwala naman ako dahil running for summa cum laude itong bff ko. Marami siyang ka-chat kaya tinanong ko sino. Ha! Sino sa mga chatmate mo?

            Napaisip tuloy ako kung napabilang na si Athena sa mga tao na masyadong pinangungunahan ang future at kinakain ang mga  katagang binitawan niya. Nag ring ang phone ko at binasa ko reply niya. Si Harry.

            Natandaan ko iyong pangalan na ito, kung hindi ako nagkakamali ito ang sinasabi niyang bastos na matanda na gusto siyang maging asawa. Yung 45 yrs old?

            Yap, best. Naku ito talagang kaibigan ko labing-walo taong gulang palang siya papatol na sa isang gurang. Akala ko ba sabi niya mataas ang standard niya sa lalaki ba’t biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Pagod na ako at hindi na kaya ng paa kung maglakad kaya tatanggihan ko ito. Hindi ko na kaya best maglakad. Ang sakit ng mga kalyo ko sa paa.

Gusto mo pasundo kita ng wheel chair? Punta ka dito baka rapist ito, kailangan ko ng back up. Pilosopo na mag reply mukhang galit na ito.

Dahil sa lubha akong maawain at nakokonsensya kung may mangyari sa kanyang masama.

Asan ka? Hintayin mo ako after 15 minutes.

Dito me loob ng Shakeys. Hintayin kita.

Nasa loob na ako ng Shakeys hindi ko makita ang engot na iyon.

Nag text ako, asan ka? Nandito ako sa labas ng Shakeys.

Tumayo siya at kumaway sa akin. Lumapit ako papunta sa kanyang direksyon. Kaya pala di ko nakita natakpan pala ng balyena.

Harry met my bestfriend, Ayesha. Pagpapakilala sa akin ni Athena sa lalaking kaharap ko.

Hi, Harry. It’s really a pleasure to see you. Welcome to the Philippines! Gulat man ako sa taong natatanaw ko pinilit kung maging friendly sa kaharap ko.

The pleasure is mine, my lady. I am glad to see a two beautiful Filipina.

I give him an awkward smile. His greetings really sound creepy and scary parang isang sex maniac na tinatakot ang kanyang biktima.

Nag order ng marami  ang kano, parang isang baranggay ang kakain. Pero sa laki ng katawan nito mukhang kayang ubusin. Nag kwentuhan sila ni Athena ng biglang may dumating na isang elepante.

Oh, Shane you’re here. I would like to introduce to you the friend of my girlfriend, Ayesha.

Nanlaki ang mga mata ko, rinerito ba ako sa tatang na ito.

Tinapakan ang paa ni Athena, nakangiting nagsalita nahindi mo naman sinabi sa akin na double date pala ito.

Hindi ko alam best na may back up din pala ito.

Masayang nag-uusap ang tatlo sa buong oras ng aming pagkain. Biglang nagsalita si Shane.

We could extend this beautiful conversation inside our hotel suite.

Halos pawisan ako ng malamig sa sinabi ni tanda. Sinipa ko si Athena, at bumulong ako punta tayo C.R.

Gentlemen, excuse us for a while. Pagpapaalam naming sa dalawa.

Pumunta kami sa Comfort Room.

Athena, paano tayo makakatakas? Hindi natin kaya yan girl ang laking mga tao niyan.

Mabuti nalang marami ng tao kasi 12 na ng tanghali nakapagtago kami sa kumpol ng mga tao. Swerte din na ang inupuan namin ay hindi malapit sa pintuan. Sinamantala namin ito upang makatakas sa dalawang old men.

Kahit masakit na ang paa ko nakalabas kami sa loob ng mall na tumatakbo na parang sumali sa karera.

Mr. Foreigner and IWhere stories live. Discover now