Chapter 7 (Goodbye sadness, hello new friend)

29 0 0
                                    

        Nakakaramdam talaga ako ng masidhing kalungkutan sa paglisan ng aking bestfriend. Palagi kasi kaming magkasama at magkasangga rito sa boarding house. Ngayon feeling ko wala na akong kakampi.

            Hindi naman pwede na magkulong nalang ako sa kwarto kaya lumabas ako at nanood ng tv.

            Maingay na maingay sila na nood ng News, nang umupo ako bigla silang nagsitahimikan. Nailang ako sa katahimikan nila. Kaya nagsalita nalang ako upang basagin ang katahimikan.

            Guys, makikinuod ako ng tv. Ngumiti ako ng ubod tamis. Parang OA nga ang ginagawa ko nagpapansin ako sa ibang tao upang makuha ang loob nila. Naiilang ako sa ginagawa ko hindi ako sana’y na ako ang gumagawa ng first move

            Tango-tango sila. Pero halata mo naman na hindi nila alam kung ano ba ang dapat maging reaksiyon nila. Tumayo si Ate Mariss at sinulyapan ako. Hindi na nakatiis hinawakan niya ang leeg ko. Mukhang chine-check niya kong may lagnat ako. Tapos pa iling-iling pa siya na hindi makapaniwala na nakikita niya ako sa harapan niya.

            Yesha, himala lumabas ka sa lungga mo. gulat na sabi ni ate Mariss. Naiilang ako sa ginagawa niya para ba talagang hindi ako umaalis ng kwarto para lumabas. Nakikipag-usap naman ako sa kanila noong nandito pa si Athena iyon nga lang madalang lang kasi medyo shy type akong tao.

            This serves for a celebration. Sabi ni Yen

Mariss, kuha na ng drinks at pulutan! Utos ni Yen.

Agad naman nilang kinuha ang mga inumin na nakatago sa ilalim ng upuan.  Nakakaloka talaga ang mga taong ito gawin ba namang storage ang ilalim ng sofa, mabuti hindi ito nakikita ni Mama Amor. Sa isip ko.

Nagtig iisa kami ng in can na beer.

Kumusta ka na Yesh? Out of nothing na tanong ni Audrey sa akin.

10% ok pero 90% hindi, pag-amin ko sa kanya.

Tinapik ni Ate Mariss ang balikat ko at nagsalita siya na parang si Nicole Ayala ng Love radio. Alam mo ganyan lang sa umpisa mahirap, pero pagnasanay ka na sa sakit, magiging dumb na ang puso mo hanggang sa hindi mo naramdaman iyong lumbay. Saka buhay pa siya naglulungkotan ka na. Ok lang sana kong patay na at wala ng chance magtagpo ang inyong mga landas.

Napaisip tuloy ako, bakit ba ako nalulungkot eh hindi naman patay ang kaibigan ko. Makikita ko panaman siya kung handa na ito at alam ko naman na ginawa lang niya iyon dahil sa pagmamahal sa ama.

Inom lang kami ng inom hanggang sa hindi ko na mabiling iyong ibinigay sa akin na inumin.

Yesh, nahihilo ka na ba? Tanong sa akin ni Rika

Tiningnan ko siya ng diretso na nagtataka kong bakit ako mahihilo. Hindi, di pa ako lasing.

Pambihira 10 can of beer na ang naubos mo, hindi ka pa nakakaramdam ng hilo. Ako nga 3 palang hilo na. ani ni Rika sa akin.

Yesh, hik galing galing mong lumaklak. La senggo ka ba? Lasing na lasing na si ate Mariss.

First time ko ngang uminom. Sagot ko.

FIRST TIME! Sabay nilang sambit.

 Ang laskas ng alcohol tolerance ng babaing yan. Binabalak nating lasingin pero mukahang tayo ang nalasing. Pabulang na wika ni Rika.

Ichallenge you to drink another 5 cans, sabi ni ate Mariss. Gin, bili ka pa ng 5 cans kayna Mang Sosing.

Ininom ko lang ang 5 cans na parang softdrink lang ang iniinom ko.

Ayesha, hilo ka naba?tanong nila ulit sa akin.

Hindi pa. Pero mukhang kailangan ko ng mg C.R. Nagmadali akong tumayo hindi ko na kaya ang tawag ng kalikasan. Masidhi nilang inobserbahan ang kilos ko. Sinusuri nila ang paglalakad ko.

Pammm bubihira diretsotso parin ang paglalakad, sabi n ate Mariss.

Pagbalik ko tulog na ang mga kainuman ko. Inihatid ko pa sila sa kanya-kanyang kwarto at lininis ko pa ang kalat. Mukhang magkakasundo naman kami ng iba ko pang kaboardmate.

Mr. Foreigner and IWhere stories live. Discover now