Chapter 12( A talk to Remember)

25 0 0
                                    

        Nagtataka ako kong bakit namin linagpasan ang Carenderia. Kaya siniko ko si Yen.

            Saan tayo pupunta? Akala ko ba bibili tayo ng pagkain.

            Ano ka ba? Nagyaya sila na doon nalang tayo kumain sa Carenderia malapit sa Park.

            Patuloy sila sa paglalakad pero ako pinili kong bumalik sa Carenderia malapit sa boarding house. Hindi naman nila napansin na bumalik ako. Tiningnan ko na ang mga ulam at bumili ako ng rice, pakbet at fried chicken. Pabalik na ako ng boarding house ng may humagit sa akin papunta sa madilim na parte ng kalye.

            Tinangka kong magpumiglas pero sadyang malakas siya. Nang idinikat niya ako sa pader na bitawan ko ang dala kong pagkain at noong ihinarap niya ako sa kanya agad kong sinipa ang pagkalalaki niya. At sumigaw ng Rape! Rape! Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko.

            Nagsalita siya, Ayessha over kana sa panood ng telebisyun kaya kong ano-ano ang iniisip mo. Tumingin ka nga sa paligid maraming bahay at paano ka dito magagahasa?

            Iginala ko naman ang aking mata sa paligid marami ngang bahay wala lang street light sa parte na ito. Ang boses na ito, hindi ako maaring magkamali kay George Foreigner ito.

            Isa pa di kita type. Baka ako nga ang gusto mong gahasain. If I know isa ka sa mga stalker ko sa school. Mayabang niyang wika.

            Nainsulto ako sa sinabi niya na staker thingy, hindi me pretty but never in my life akong maghahabol maging kasing gwapo man sila ni CHRIS EVANS.

            Nagagalaiti ako sa inis kay sininghalan ko siya. Hoy! FOR YOUR INFORMATION, LALAKING UBOD NG YABANG MAKA STALKER KA AKALA MO NAMAN KONG SINONG PERPEKTONG LALAKI. BAKIT LAHAT BA NG BAGAY NA PINAGARAP NG TAO IPINAGKALOOB SAYO NG DIYOS AT GANYAN KA LAKAS ANG APOG MONG MAG ASSUME NA LAHAT NG BABAE AY HEAD OVER HEALS SA IYO?

            Madilim man ang paligid, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pilyo niyang ngiti.

            Naku! Yesha cliche na ito, lahat ng libro sa wattpad at mga palabas sa telebisyon ginagamit ang Galit-galitan mode pag nabubuking para maitago ang tunay nararamdaman. Alam mo na iyong mga babae ngayon nag de-deny kunwari pero sa lob-loob ang laki naman ng gusto sa lalaki.

 Isa pa ikaw ang unang lumapit sa akin at nagpanggap ka pa na classmate if I know paraan mo lang iyon para mapansin kita. Pagmamayabang pa niya lalo.

            Aba nakangiti pa ang loko at inaayos-ayos pa ang buhok.  Kung ano ang ikinagwapo siya naman ikinayabang kung ganito lahat ng gwapo mas nanaiisin ko nalang magkagusto sa pangit. sa isip ko.

            Mapapatay ko na talaga ang nilalang na ito kunting push pa at magagamit ko na ang pagiging  teakwando player ko.

            Tumawa ako ng nangungutya sa kanya, George iba talaga ang level of confidence mo hindi ko kinakaya. Pinapaypay ko ang aking mga kamay sa mukha.

Napaka assuming mo talaga! Pero sorry to disappoint you, noong lumapit ako sa iyo libro ang pakay ko. Sa tingin ko puro hangin ang nasa loob ng utak mo at kaya hindi na nakakapag-isip ng matino. Kung may gusto ako sa iyo idi-number mo ang hiningi ko. Inis kong wika sa kanya.

Talagang ginawa mo pang ALIBI ang libro. Eh, isang buwan mo ng pinepeste ang facebook, twitter at instagram ko. Galit niyang wika.

Napanganga ako sa sinabi niya, Sa paanong paraan naman kita pineste? At hindi ako mahilig mag bukas sa mga social media site dahil para lang iyon sa mga taong gust0ng makatakas sa realidad. Nanggalaiti kong buntong sa kanya.

Inilabas niya ang kanyang smartphone at may mga pinindot siya. Agad naman ibinigay niya sa akin ang phone niya, halos lumuwa ang mata ko sa mga post sa account niya.

Diba sa iyo ang account na iyan? Baling niya sa akin.

Oo, account ko ito pero. Hindi pa ako natapos sa pagsasalita bumanat nanaman siya.

Kita mo ang laki talaga ng gusto mo sa akin. Alam mo tumigil kana hindi ka kagandahan at lalong hindi ka seksi kaya malabong magustuhan kita. Nanginginsulto niyang wika.

Sa sobra kong pikon sinipa ko ang dalawang paa niya. Bigla siyang napaluhad sa sakit. At sinigawan ko siya, MAGKALIWANAGAN TAYO HINDI AKO ANG NAG POST NG MGA MENSAHE NA IYAN ANG KAPATID KO AT WALA AKONG GUSTO SA IYO. WAG KANG MAG-ALALA SASABIHIN KO SA KANYA NA TIGILAN KA NA NIYA.

Inis ko siyang iniwan sa gitna ng kalye nanamimilipita sa sakit.

 Umagang-umaga palang matiyaga na akong naghinihintay na bumaba ang pinakamamahal kong kapatid. After ilang minuto, paunat-unat at pakembot-kembot siyang bumaba. Natatawa ako sa pinag-gagawa niya pero ini-internalize ko na galit ako sa kanya.

Enrique Reyes! Tawag ko sa kanya.

Nagtataka siya kong bakit ako naroroon at parang nararamdaman niya ang galit ko sa kanya. Alangan siyang lumapit sa akin.

Sisterette, MAGANDANG BUHAY! Pinipilit niyang kumalma habang binabati ko.

Tiningnan ko siya ng masama at sinenyasan na sundan niya ako. Nasa labas kami ng Boarding House. Pinagpapalo ko siya.

Walanghiya kang bakla ka! Sabunot dito sabunot doon.

Tinulok niya ako na naging dahilan upang bumagsak ako sa semento. Teka! Teka! Hindi ka ba mag inform kong ano kinakagalit mo.

Aba, hindi mo talaga alam. Walanghiya ka inistalk mo pa ang  lalaking iyon na super doper yabang pinagkamalan tuloy na ako ang nag-popost ng mga mahaharot ng mensahe. Napapadyak ako sa sobrang asar.

Imbis na matakot, na amuse pa siya sa narinig. Talaga! Tuwang-tuwa siya. Sister nakilala mo na pala ang man of my dreams. Ah! Kiniilig niyang sabi, pa flip-flip siya ng buhok. Ah!

Binato ko siya ng tsinelas. Hoy ikaw bakla, kahit kapatid kita hindi ako magbibigay ng false hope sayo kahit anong gawin mo walang matinong lalaking papatol sayo. Ang mga lalaki na pumapatol sa inyo, iyong mga lalaking tamad at naghahanap ng bubuhay sa kanila. Kapag ubos na savings mo maghahanap iyan ng babaing aanakan at ikaw iiwan na  luhaan.  Sermon ko sa kanya.

Alam ko naman iyan girl pero libre lang naman mangarap. Pagdadahilan niya.

Tumigal ka na sa ilusyon na iyan at mabuhay ka sa realidad. Bumangon ako at hinawakan siya sa balikat. Mahal kita ayokong dumating ang panahon na danasin mo ang kahayopan ng mga lalaking iyan. Kaya tigilan mo na iyang pang istalk diyan kay George Foreigner.

Teh,  hindi mo naman ako masisisi kong crush ko siya. Alam mo naman gwapo siya at ubod pa ng talino, di mo man itanong consistant dean’s lister iyon.

Ok lang naman sa akin na crush mo siya, pero wag kanang lalagpas doon dahil alam mo naman na hindi siya magkakagusto sa iyo.

Patawarin mo na ako tehh, sa padalosdalos kong ginagawa. Nagsisi niyang saad.

So, aalis na ako at papalitan ko na ang password ha. Wag kang gumawa na naman ng kalokohan.

Hindi pa ako nakalalabas ng trangkahan ng sumigaw siya. Girl ok lang sa akin na mapunta siya sayo. Basta hihiramin ko siya once a week. Excited niyang wika sa akin kaya binigyan ko siya ng upper cut.

Mr. Foreigner and IWo Geschichten leben. Entdecke jetzt