"ATE mag vlovlog ako dito sa café." Paalam ni kylie sa akin.

Nagtatakang tumingin ako sakanya.

"Bakit? Gumwa ka ng channel sa youtube?" Tanong ko.

"Oo ate! I heard na malaki daw sahod sa youtube" sabi niya pa at inanggulo ang cellphone niya.

"Goodluck sayo kylie! Medyo mahirap na gumawa ng content at mahirap na ring makilala ang channel mo dahil marami ng mga influencers ngayon." Sabi ko. "Pero naniniwala naman akong kaya mo yan!" Pagpapalakas ko ng loob niya.

"Salamat ate!" Sabi niya at niyakap ako.

Tumawa naman ako sa kakulitan niya.

"Sige na ifeature mo na itong café natin para mas maben—" napahinto ako sa pagsasalita ng biglang abutin ni kylie ang cellphone saakin.

Napating ako sakanya pero agad namang kumunot ang noo ko ng hindi siya nakatingin saakin habang inaabot ang cellphone niya.

Nakatingin siya sa may pinto kaya napatingin din ako dun.

"Counter muna ako ate!" Paalam niya at nagmadaling pumunta sa counterr area at pinalitan ang cashier namin.

Napailing ako sa galaw niya.

Napatingin ako sa lalakeng nakakuha ng attention ni kylie.

Si dave.

Pumunta ako sa sa tabi ni kylie at nagkunwareng nag checheck ng mga cake.

"Mukhang stress ka ata." Sabi ni kylie kay dave.

Namilog naman ang mata ko pero hindi ako lumingon sakanila.

Close ba sila?

"Yeah, ang hirap mag hanap ng assistant ngayon lalo na't masyadong mainipin si engineer martini." Sabi ni dave. Napaisip naman ako dun.

"Nasaan ba ang assistant niyo?" Tanong ni kylie.

"Temporary leave. Inaprobahan na ni boss dahil naging loyal din iyon sakanya at walang sawang pagtratrabaho kaya pinilit na ni engineer na mag leave siya para makapag bakasyon."

"May soft side naman pala si sir martini." Sabi ni kylie.

"Indeed."

"Hindi ka pa nakakahanap ng assisstant?" Biglang tanong ni kylie

"Actually, there's a lot of people wants to be assisstant of martini corp." Sabi ni dave "Pero lahat ng iyon ay tinaggihan ni boss." Sabi niya na mukhang stress na stress na talaga.

"Ako!" Sigaw ko.

Gulat ng napatingin si dave at kylie saakin.

Kahit ako nagulat din.

"Ate?" Nagtatakang tanong ni kylie.

"Mag aapply ako bilang assistant ni engr martini." Lakas loob kong sabi.

Dave looked so amused of what i have said.

"Bakit? Maganda naman ako ah." Out of nowhere kong sabi.

Tumawa ng mahina si dave at si kylie naman ay mukhang nahihiya sa pinag sasabi ko.

"If you want to be his assistant you should have experience, he don't like inexperienced employees." Sabi pa niya.

"Naging secretary din ako ng management noon." Totoo yon.

"Well then. Goodluck." Sabi pa niya.

"Thanks, ky." Sabi niya kay kylie sabay kindat bago tinaggap ang inorder.

Humarap naman si dave saakin at sumenyas na sumunod sakanya.

"Ate, sigurado ka ba dyan? Nagmumukha kang desperada!" Sabi ni kylie. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Gaga ka! Kelangan ko rin ng extra sahod para sa pag lipat natin sa mindoro! Atsaka temporary lang naman ito kaya wag kang mag alala." Sabi ko pa at tinignan si dave na naghihintay saakin sa may glass door.

"Echusera! Gusto mo lang mapalapit kay sir martini e!" Sabi pa niya, nagulat namana ko sa sinabi niya kaya binatukan ko na.

Nagrereklamo siya sa sakit pero wala na akong pakealam at dumeretso na sa may pinto.

"Goodluck ate!" Sigaw pa niya.

Ngumiti naman ako at kumaway bago lumapit kay dave.

"Anong relasyon mo sa kapatid ko?" Sweyosong tanong ko kay dave habang naglalakad kami papuntang building ng martini corp.

"We're just friends." Simpleng sabi niya.

Ouch para kay kylie.

Napatango tango naman ako.

"Teka! Wala akong application form!" Sigaw ko ng marealize na wala akong dala kahit birth certificate.

"Ayos lang yan, maganda ka naman." Biro niya at tumawa pa.

"Gago!"

Natataranta na talaga ako kaya humarap ako sakanya.

Nakatingin lang siya saakin habang sumisimsim ng kape.

"Ano... Balik lang ako hehe." Sabi ko at tatalikod na sana para bumalik sa café pero binalingan ko siya ulit.

"Hintayin mo ako." Sabi ko. Tumango naman siya at nagpatuloy sa pag iinom ng kape.

Buti naalala ko pa yung mga papeles ko.

Nakakahiya.

The Sedderick's Obsession (COMPLETED)Where stories live. Discover now