KABANATA 54

7.2K 184 2
                                    






GAYA ng palaging ginagawa ko kaumagahan ay nandito ako sa labas ng bahay nag papahinga muna bago gumawa ng mga kwentas.

Tinatanaw ko ang pag gising ng araw, sobrang ganda lang tignang nag aagawan ang araw at kadiliman.

"Ganda." Bulong ko.

Madaling araw pa lang ay bumangon na si dave para mangisda at maya maya gigising na yon si kylie para maninda.

5am palang kasi ngayon at kanina pa nangisda si dave mga 4am at gigising si kylie mamaya 6am at sakto namang dadating na si dave galing sa pangingisda.

Sobrang ganda ng buhay dito, pero hindi ko parin papangarapin na dito nalang habang buhay dahil wala si sed dito at hindi ko kaya yon.

I don't want my life to be in guilty. Kahit hindi na ako balikan ni sed, kahit mapatawad niya nalang ako, ayos na saakin yon.

Mamahalin ko nalang ng lubusan itong bata sa sinapupunan ko.

Naalala ko ang painting sa mindoro para sana kay sedderick yon. I painted him. Alam kong magugustuhan niya ang painting dahil ginawa ko yon ng may pagmamahal kaya sobrang ganda ng kinalabasan.

Sana naibigay ko sakanya yon bago nangyari ang lahat ng ito para makita ko ang reaction niya.

"Goodmorning ate!" Kylie greeted and kissed me on my cheeks.

"Morning." I smiled.

"Hindi pa dumating si dave?" She asked. Nilaapag niya sa harapan ko ang gatas at pandesal na ginawa niya para saakin.

"Salamat."

Ngumiti siya saakin at nagpatuloy sa paginom ng gatas. Sabay kaming nakatanaw sa dalampasigan.

"Hindi pa siya dumadating." Sabi ko habang iniinom ang gatas na gawa niya.

"Ang ganda dito." Sabi niya.

"Talaga."

"Gusto ko ganito nalang palagi. Walang problema." Sabi niya at tumangin saakin, pinagmamasdan ang reaction ko.

I smiled at her and nod.

I'm sorry but I disagree, kylie. Wala ang buhay natin dito.

Ang coffee shop!

Ngayon ko lang naisip yon!

Napansin ni kylie ang pagkabalisa ko.

Dalawang buwan na ang nakalipas simula nong huling balita ko sa coffee shop!

"Ayos ka lang ate?" Takang tanong ni kylie saakin.

Umiling ako.

"Ang coffee shop natin."

Nanlaki ang mata niya.

"Hindi ko naisip yon." Parang hindi makapaniwalang sabi niya.

"What's wrong with the both of you?" Takang tanong ni dave ng makita kaming balisa.

"Ang coffee shop namin?" I eagerly asked.

Nung nakita ko ang gulat sa mata ni dave ay nawalan ako ng pag asa.

"I'm sorry." Bigong sabi niya.

Umiiling ako.

"It's not your fault." Sabi ko.

"Hindi ko na namalayan, we're at rush. I'm sorry." Pahinging tawad niya ulit.

Umiling ulit ako sakanya at napatingin sa buong paligid.

"Saan bang lupalop ang lugar na'to? Sabihin mo dave please." Pagmamakaawa ko.

Hindi niya kasi sinasabi saakin kong anong lugar to.

Nagdadalawang isip pa siya bago sabihin saakin.

"Somewhere in mindoro." He answered. "That's all I can say."

Nanlaki naman ang mata ko.

"Malapit lang!"

"Still a no, seleina. Hindi kayo aalis dito sa santa rita hanggat hindi ka pa nanganganak. Ako na bahala makibalita sa coffee shop niyo. Gagawa ako ng paraan." He seriously said.

Tumango nalang ako.

Kung sa mindoro bakit hindi ko alam? Wala naman akong nababalitaan na santa rita na bayan noong sa mindiri pa ako namamalagi.

"Gagawa ng paraan si dave, ate." Pagpapagaan ng loob ni kylie saakin.

"Kamusta na ang kalagayan mo? May naaalala ka na ba simula nong dumating tayo dito?" Tanong ko kay kylie pagkatapos magpaalam ni dave para maligo muna.

"it's weird nga ate dahil tumigil yon simula noong nagpunta tayo dito." Aniya.

"Gusto mo na bang makaalala ng lubusan?" Tanong ko.

"Syempre naman." Masayang sabi niya.

"Alam mo ba ang payo ko sayo kapag nakaalala ka na?" Sabi ko.

"I will tell ate first before making actions." She said.

"Good girl."

"Magagalit ako kapag hindi mo yan tinapad." Seryosong sabi ko. Tumango naman siya.

"Siguro sobrang mahal ko si dave noon." She suddenly said.

"Paano mo nasabi?"

"Kasi noong una ko palang kita sakanya ay may kakaiba na akong naramdaman. Parang may kumiliti sa buong katawan ko at nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan siya."

"I'm very careful with him right now lalo na at wala pa ang mga memorya ko."

Napatitig ako kay kylie ng may makita akong lungkot sa mga mata niya.

She badly want to remember everything.

"We'll go back to the city kapag nagkaanak na ako." I assured her.

Tumango siya at ngumiti.

"Masaya ako dito pero may buhay rin akong naiwan sa syudad kasama ka ate." She muttered.

Hindi ko mapigilan ang lawak ng pag ngiti ko.

"Glad to hear that from you." I said.

Nag usap lang kami pero maya maya ay nag handa na sila umalis. Para pumunta sa dulo ng dalampasigan para magbenta.

"Bye ate!" Paalam ni kylie. Tumango si dave saakin.

Tinanaw ko sila habang nag lalakad palayo.

Bagay talaga sila sa isa't isa. I'm rooting for their love.

Kinuha ko na ang mga gamit sa loob at bumalik ulit sa labas para doon gumawa ng kwentas.

Nasanay na rin ako sa pag gawa lalo na't araw araw ko na itong gawain dahil palaging nauubos kapag uwi nina kylie.

Medyo mahirap lang bumili ng beads dahil sa syudad pa ito kinukuha at kelangan sumakay ng bangka papunta doon.

Buti nalang nandito si dave para saamin ni kylie. Hindi ko na talaga alam ang gagawin kapag wala siya.

He made this set up easy for us.

Naka sampung gawa na ako ng makaramdam ako ng pananakit ng likod.

Tumigil muna ako at hinawakan ang likod at nag inat.

"Damn." I heard a baritone voice lingered on my ears.

Agad akong napalingon sa sobrang pamilyar na boses na iyon.

"S-sed..."

The Sedderick's Obsession (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें