KABANATA 7

11K 244 3
                                    




"Kylie?!"

Hindi siya sumagot kaya tinakbo ko ang distansya ng kwarto niya at binuksan iyon.

Pagbukas ko ng pinto ay agad akong kinabahan ng hindi ko siya makita.

I immediately took my phone and call kylie.

"Hello ate—"

"Nasan ka ba?!" Tanong ko.

"Galit ka ba ate?" Nagtatakang tanong niya.

Napapikit ako ng mata at nagbilang.

Kinakalma ang sarili.

"Hello ate?"

"Hindi ako galit kylie, kinabahan lang ako kasi wala ka dito sa condo, you should inform me at least." Kalmadong sabi ko.

"Akala ko galit ka hehe, di ko kasi maramdaman na galit ka dahil ang lambot parin ng boses mo ate." Sabi niya, napakunot naman ako ng noo "At ate! Nag grocery ako ng snacks natin, manonood pa tayo ng movie diba?" Sabi niya.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Sige." Simpleng sabi ko at binaba na ang cellphone.

Napahawak ako sa noo.

Napaparanoid na ata ako.

I suddenly remembered the scene earlier at the cementery.

I sighed.

Ang daming nangyari sa araw na'to.

"Ate! Nandito na ako." Rinig kong sigaw ni kylie.

Kinalma ko muna ang sarili bago siya pinuntahan.

"Andami naman ng binili mo?" Bungad ko sakanya ng makita ang tatlong plastic bag na hawak.

"Good for 3weeks ang binili ko kasali na ang mga essentials." Sabi niya.

Nalangiti ako, "Mabuti naman."

"Magbibihis muna ako." Paalam ko sakanya, hinintay ko siyang tumango bago ako pumasok sa kwarto.

Binagsak ko ang katawan sa kama at tinakpan ang mata gamit ang mga braso.

Ano kayang gagawin ko para mapalapit kay sedderick? Sobrang sungit naman kasi niya parang ang hirap niyang kausapin, mahirap din siyang abutin kaya imposibleng mapalapit ako sakanya.

Pero bakit ko ba naisipang magpakalapit sakanya? Sino ba naman ako sa buhay ng isang sedderick alejandro martini?

Siguro dahil sinagip niya ako kanina kaya gusto ko siyang mapasalamatan ng buong galak kahit alam ko namang hindi na niya kelangan iyon.

Pero may parte saakin na nagtutulak para kilalanin siya.

It's not about his mental health. It's all about me wanting him.

Umiling ako at tinakpan ng kumot ang mukha.

Bahala na.



The Sedderick's Obsession (COMPLETED)Where stories live. Discover now