"Nakakaloka ka naman friend, nung gabing kaseng yun nawalan kami ng connection sa phone, dapat sasabihin ko na sa kaniya kaso naputol ang usapan namin dahil sa hina ng signal sa bahay! Grabe lang makabatok ha" aniya niya, napangiwi naman ako sa sinabi niya... over reacting ka naman elise bwisit ka!.

"Ay sorry" aniya ko.

"Loko ka bes ha... tsaka kaya din ako pumunta dito para manghingi ng advice sayo" ngiting wika niya.

"Advice? Sa akin?" Turo ko sa sarili ko at tumango naman siya.

"Nako wala akong maibibigay sayo, dahil hindi isang araw lang nanligaw sa akin si cyrus" aniya ko na ikinagulat niya "tsaka ang mai aadvice ko sayo ay yung pang jowa label na" aniya ko.

"Gosh! Isang araw lang palang nanligaw sayo si sir i mean si cyrus, tapos sinagot mo na agad grabe ka" aniya niya at umiling iling pa.

"Eh paano ba naman kase pinilit niya akong sagutin siya... eh alam ko naman kase sa sarili ko na mahal ko siya kaya sinagot ko na siya, bakit ko pa papatagalin diba kung mahal mo na ang isang tao" wika ko.

"Ok, sabihin mo nalang sa akin kung anong klaseng lalaki si josh" saad naman niya.

"Mabait si josh, alam kong alam mo yan... nasa kaniya na ang lahat ng hinahanap mo sa lalaki kung baga boyfriend material, maalaga din siya at mapagmahal, lahat ng yan naranasan ko sa kaniya kaya kung ako sayo wag mo na siyang pahirapan diretsyong sagutin mo na siya, at sigurado akong hindi ka magsisisi" mahabang lintanya ko kay ruby "At alam kong ikaw na talaga ang babaeng karapat dapat sa kaniya ruby, ako na ang pinaka masayang kaibigan mo kung magiging kayo ni josh" saad ko pa.

"Nako besh parang may iba akong naramdaman sa sinabi mo... parang gusto ko ang ideya mo, lalo na ng sabihin mo ang mga katangian niya, hindi sa namimili ako ha pero talagang mas humanga pa ako sa kaniya sa mga sinabi mo about sa kaniya" mahabang lintanya niya.

"So ano ng plano mo?" Tanong ko naman.

"Katulad nga ng sinabi ko ay hindi ko na siya dapat pang pahirapan, dapat sagutin ko na siya agad kase nga tama ka din dahil may gusto din naman ako sa kaniya, tsaka nararamdaman ko din na parang siya na ang lalaking para sa akin" wika niya.

"Tama ka" tanging naisagot ko.

Makalipas naman ang ilang oras ay nagpaalam na siyang umuwi at mamayang gabi ay sasagutin na niya si josh.

Masaya ako dahil sa wakas sila na ang magkakatuluyan, at alam ko din na sila na talaga ang itinadhana, sa wakas ay nahanap na ni josh ang babaeng mamahalin siya ng habang buhay.

Nandito ako ngayon sa living room, at ayun dating gawi, nanonood na naman pero animated-comedy siya at ICE AGE 3 ang pamagat, ilang beses ko itong pinapanood pero hindi ako nagsasawa napaka ganda kase.

Habang busy naman ako sa panonood ay biglang may ulong humiga sa kandungan ko ng tinignan ko iyon ay si cyrus pala.

"Ang aga mo ha" aniya ko.

"Namiss kase kita agad eh pati si baby kaya inagahan ko talaga ang uwi" ngiting wika niya habang naka yakap sa tiyan ko.

Binaba ko naman ang ulo ko para halikan ang noo niya na ikinangiti naman niya.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo ng meryenda?" Tanong ko sa kaniya at umiling naman siya.

"Matikman lang kita busog na ako" aniya niya na kinapoker face ko.

"Sus... tumahimik ka nga" wika ko at uminom ako ng juice.

Bigla naman siyang bumangon at humarap sa akin.

"It's true... can do it again?" Ngising tanong niya na kinalaki ng mata ko.

"Ha?! Ang laki na ng tiyan ko matutusok mo si baby ako ka ba" saway ko sa kaniya.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now