Bakit naman ako ipapatawag? Napaisip ako. Naalala ko bigla iyong mga pinagbibiro sa amin nu'ng matandang inhinyero kanina. Baka nakarating kay Papa?

Pagagalitan ba ako ng malala kaya pinaalis muna sina Vanessa at Yllana? Oh, no! Hindi ko alam kung iyon nga at kung sakaling iyon talaga sasabihin ko na lang na biro lang sa amin iyon ni Engineer Dela Costa.

Bumungad sa mga mata ko ang ayos ng opisina ni Papa. The vintage mayor's office that was so familiar to me eversince. Naroon sa pinakagitna ang mahaba niyang lamesa. Nakapuwesto sa harap ang tig-dalawang upuan sa kaliwa at kanan para sa mga mahahalagang bisita. Nasa pinakalikod ang iisang bintana habang nasa magkabilang gilid nu'n ang dalawang bandila. Isa para sa bansa ng Pilipinas. Isa naman para sa bayan ng San Bartolome.

I hated this place. I hated this sight. Ang makita itong opisina ang nagpapapaalala sa akin noon na ito rin ang opisinang kababagsakan ko paglaki. Huling punta ko rito nu'ng huminga ako ng pasensiya kay Papa. That was the first time this brat came and asked absolution of everything.

Napangiti ako.

Tumuon ang mga mata ko sa mesa nang mapansing parang wala naman si Papa. Nakita kong nakaupo roon ang isang tao pero natalikod. Hindi katagalan nang mabagal itong umikot para humarap sa direksyon ko.

Nakatalikod siya sa sikat ng araw kaya madilim ang kinauupuan. Nakadekuwatro ang isang paa habang nakatukod ang kaliwang kamay sa upuan. Nakahilig ang ulo sa kamao. His charcoal-black eyes were observing me like a ruthless eagle. The same gentle eyes like that of his father. But unlike the latter, his had a touch of danger and lack of fear; gave by the harsh place he grew up with.

"Ba't 'di mo sinabi saking may co-trainee ka du'n?"

"Brennon is nothing worth mentioning. Gino, ano lang kami nu'n –"

"Magkaibigan rin?" He interrupted. Even though serious, there's jealousy dripping in that baritone.

Hindi ako umimik. Hindi ko rin naman kasi masabing magkaibigan nga kami ni Brennon. That was the first time we had an actual talk.

"Ilang linggo na kayong magkaibigan? Isa? Dalawa? O baka nu'ng may pinuntahan ka ring event, hm?" Umayos siya sa pagkakaupo at iniabot ang isang bound reports na nasa mesa ni Papa. Then he continued.

"Gaano ba ka-importante ang mga dala mo at kailangan ka pa niyang samahan? Expenditures lang ito at disbursements." Gino flipped those pages.

"Marami 'yan kanina, Gino! Brennon helped me distributing those reports. Hinuli na talaga namin mga bitbit ko," sagot ko.

Bumaling uli ang mga mala-uling niyang mata sa akin. Huminto sa pagbubuklat ng mga pahina at maski madilim, maski nasa malayo alam kong naka-igting ang kaniyang panga.

"Iba tingin niya sayo kanina. Gusto ka nu'n. Ramdam mo?"

"Oo."

Gino smirked. Tinapon niya ang reports sa mesa at sumandal na uli sa executive chair ni Papa. Umikot na uli ang upuan sa direksyon ng bintana. Hindi na ako hinarap pa.

Bumuntung-hininga ako. Galit siya kasi hindi ko sinabi sa kaniya ang sa kay Brennon at mas nagalit pa kasi alam ko namang ganu'n ang intensyon sa akin nu'ng tao pero hinayaan ko. But I was just being honest. Batid ko naman talagang may gusto sa akin si Brennon nang ipaalam nga sa akin nina ma'am. Kaya nga iniiwasan ko para hindi magkaroon ng issue. Hindi ko naman gustong kasama siya kanina at kung puwede lang talagang hindi-an siya ng hindi nagiging masama, hihindi-an ko.

I am to blame, still. Hindi ko nga sinabi sa kaniya maski ganu'n na ang naging pagtatalo namin nito lang. Ganu'n ang ikinagalit ko sa kaniya, tapos ganu'n din naman pala gagawin ko. Pumunta ako sa kinauupuan ni Gino.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now