003 - THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER

Start from the beginning
                                    

"S-S-School?? Paaralan?!" giit nito sabay na iginawad ang parehas na kamay sa balikat ng katulong.

"I-I was expecting some home schooled teachers! Isn't that supposed to be like that? Since mayaman kami... Dapat may espesyal na pag trato saamin." ang ibig sabihin ni Shania ay ang guro ang mag aadjust na pumunta sa bahay para turuan siya. Hindi niya masisikmuraan na makihalubiho sa ibang hampas lupa at baka mapaaway siya ng wala sa oras.

Paano kung ang mga tao doon sa eskwelahan ay kaugali ni Deianira? Baka masapian siya ng masamang nilalang at makapatay siya ng kauri nito sa araw araw na pamumuhay.

"Huh? Home schooled madam?" tumingin ang katulong na para bang nagsasalita ito ng joke. "Seryoso madam, anong klaseng manga na naman ang nabasa mo? Yung uri ng iyong imahinasyon ay parang nasabak sa makalumang panahon. Relax ka muna... Dahil hindi naman ordinaryo na eskwelahan ang iyong pinapasukan."

Medyo kumalma si Shania ng makarinig ng pagdidiskripsyon ng katulong sa kanyang pinapasukan.

"It's not ordinary. Trust me madam!"

"Then... What does my school look like?" she asked out of the blue and guided the maid to sit on the bed. Madalas na din nagagamit ni Asteria ang wikang ingles kaya medyo nakokomportablehan na siya sa paggamit nito.

"Hindi pa ako nakapasok sa iyong iskwelahan madam. Try natin mag google!" saad ng katulong at inilabas nito ang iphone.

"A-Ano iyang umiilaw na bagay? Parang may mahika! Nakakamangha!" saad ni Shania dahil totoong hindi pa siya nakakakita ng isang kahon na umiilaw sa tanang buhay niya. Para din itong may buhay dahil may nagagalaw sa loob nito.

"Madam this is CP." ate introduced her item like it's a unique thing out of this world which is true naman.

"CP?" Ang ikli pala ng pangalan. At napaka gaan pakinggan sa tainga.

"Cellphone madam."

"At ano naman ang saysay ng cellphone? May ganyan din ba ako?" saad ni Shania. Napa buntong hininga na lamang si ate dahil it looks like she needs some more explaining to do. Since it was everyone's job to help their boss' daughter to remember and regain her memories.

"Ma'am ang cellphone ay maraming gamit. Pwede ka dito makipag palitan ng tawag, saloobin sa isang tao at may bonus pa na pwede kang maglibang. Maari mong aliwin ang iyong sarili gamit ng games, panonood ng teleserye at higit sa lahat... Makinig ng musika!! May cellphone ka noon pero nayon... Wala na HEHE."

Natameme si Asteria dahil sa maliit na bagay, tilay malaki ang impluwensya nito sa buong mundo at kaya baguhin ang isang tao. Para bang may angkin itong kapangyarihan sa sarili na pwedeng kontrolin ng gumagamit.

"G-Ganon ba? Nakakamangha ngunit... Hindi bat parang nakakasakal at nakakasawa naman ang ganyan?"

"Hala bakit naman madam? Nalilibang ka naman sa gadgets. Di ka naman mahilig lumabas sapagkat gusto mo lang sa loob ng kuwarto buong magdamag. Lagi kang nagkukulong at tuwing inaaya ka sa labas ng iyong kaibigan ay sinasabihan mo silang busy ka sa assignment."

Parang isang teknolohiya ang cellphone. Nakakalibang pakinggan ngunit mukhang hindi din maganda sa kalusugan ng nakararami dahil mukhang nagdadala ito ng sakit.

"Ate inaamin ko na maganda ang cellphone. Pero hindi ko na ata kailangan ng ganyang gamit. Sapagkat nakakasilaw sa mata ang ilaw na inilalabas ng bagay na ito."

Nakikinig lang si ate at panay scroll sa google ng kung ano.

"At sa aking opinyon, mukhang magiging tamad ako pag ginamit ko iyan."

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Where stories live. Discover now