The sun rays landed on my legs as I brought the echo bags. Nga lang, kabababa ko pa lang nang mabitawan ko ang isang echo bag dahilan para tumapon ang mga maliliit na kahon sa simento.

Tinitigan ko ang mga ito habang nagkanya-kanya ng paggulong. Bumagsak ang balikat ko nang makita kung gaano sila kakalat. Gusto kong makaramdam ng inis pero mas pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

“Bakit naman ayaw n’yo makisama sa akin?” wala sa sariling bulong ko.

Isa-isa kong pinulot ang mga kahon na nahulog. Patapos na ako nang kumawala na naman sa isa pang echo bag ang ilang box. Humagis pa ang isa sa kung saan na kaagad kong sinundan.

Para akong bata na nagpupulot ng candy sa kalsada. Ang mahabang buhok ay humaharang pa sa aking mukha at ang butil ng pawis sa noo ay nagiging sagabal na rin sa akin. Hindi ako tumatayo hangga’t hindi ko sila napupulot lahat.

“Kung kailan naman ako nagmamadali!” I sighed. “Give me more patience, Lord. Please don’t let anger get ahold of me—”

A soft chuckle halted me from talking to myself. Nag angat ako ng tingin. There’s a man… with thick and black eyebrows, eyes as sharp as a hawk and lips curled in a playful smirk.

Sandali. Hindi ba at siya ‘yong lalaki sa simbahan? Iyong may kalampungan na babae sa parke?

“Why are you always talking to Him? It’s not that He can hear you.” His tone was sarcastic.

Iniabot niya sa akin ang isang kahon. Dumapo ang mga mata ko doon at kaagad iyong kinuha sa maayos na paraan. Ibinalik ko ‘yon sa loob ng echo bag bago tumayo at tiningnan siya nang wala ni kahit kaunting ngiti sa mga labi.

“Thank you.” I said.

He shot his brow up. Kahit na masama ang ugali niya para sa akin, aaminin kong gwapo talaga siya kahit na saang anggulo tingnan.

“And yes, He can hear us. He always listens to us. You’re just focusing on your hatred towards him. Hindi ko na aalamin kung bakit pero sana ay buksan mo pa ang puso mo sa Kaniya—”

“Wait,” he chuckled. “Are you preaching me about that nonsense? The last time I checked, you’re just a servant of the church and not my grandmother.”

Naalala niya pa ako kung gano’n. Pero hindi na importante kung naalala niya man ako o hindi. Ang gusto ko malaman ay kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa Panginoon na tila ba may malalim siyang pinanggagalingan. What makes this man hate the Man above?

Pero wala ako sa lugar para itanong ‘yon. Pangingielam sa buhay ng ibang tao ang huli kong gagawin.

“I am just someone who is asking you to please open your heart to Him. I may not know you personally but… He loves you... us.” I exhaled “God bless you. And thank you for helping me.”

Tumalikod na ako at marahang naglakad palayo sa kaniya.

“I didn’t help you. Nakaharang sa dadanan ko ‘yang gamit mo kaya pinulot ko na.”

I sighed when I heard what he said. Huminto ako at nilingon siya. I smiled at him and I saw how his dark and hooded eyes move down my lips.

“You still helped me…” Ngumiti akong muli sa kaniya. Pumaling siya sa kaliwa at nag-iwas ng tingin. “Huwag ka na makipagtalo.”

Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at tuluyan na siyang iniwan roon. Pumasok ako sa loob ng Lbc at inayos na ang mga order na ipapadala ko sa iba’t-ibang lugar.

As I was sitting on the red bench while waiting for the staff to call me, I can’t help but to remember the disgust on the man’s face when he told me that what I was saying about the Lord was useless. Hindi naman ako interesado pero… parang ganoon na nga.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now