Chapter 13 (Rain & Allistair's anniversary)

Beginne am Anfang
                                    

"D'yan ka nalang. Hintayin mo nalang yung pagdating nila. Masisira 'yang make up mo." sabi niya at lumabas. Napanguso naman ako.

***

Alas otso na ng gabi.

Napahugot ako ng hininga ng tumawag si Aster. Kinuha ko naman ito at sinagot.

[All set. Lalabas na kami.] sabi ni Aster at napabuntong hininga naman ako.

[You can do it. Just trust yourself.] pagpapalakas ng loob na sabi ni Aster. Napangiti naman ako.

"Thank you." pagpapasalamat ko.

[Always.] sabi niya at binaba na ang tawag.

Napahugot ako ng hininga at saka binuksan ang pintuan ng kwarto na ang kalalabasan ko ay ang backstage.

Unti unti akong naglakad palabas ng stage at nakita siyang magkasalubong ang kilay habang tumitingin tingin sa paligid. Nang mapadapo ang tingin niya sa'kin ay nanlaki ang mga mata niya.

[Kindly play, You're still the one by Shania Twain before reading. Thank you!]

Nang matauhan ay agad niya akong inalalayan pababa ng stage. Nagpaalalay naman ako.

Nang makarating na kami sa gitna ay huminto na kami. Nagsimula naman na sa pagtugtog ang kanta. Humawak ako sa balikat niya at siya naman sa bewang ko.

Nakasuot siya ng isang black suit. Kulay asul ang necktie at suit niya kung kaya't partners kami. Nakasuot din siya ng itim na slacks at sapatos. Nakaayos din ang buhok niya.

'Ang gwapo niya...'

"Baby wife." emosyonal na tawag niya ng ma digest na sa atay niya ang mga nangyayari.

"Happy third anniversary, Allistair." emosyonal na bulong ko habang nakangiti.

"Happy third anniversary, baby wife. Thank you for those wonderful gift. Thank you." nakangiti at emosyonal ding bulong niya.

Niyakap niya ako at nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Napapikit naman ako at dinama ang sandaling ito. Dahil baka matagal tagal pa bago pa kami muling magkita.

Agad kong pinigilan ang mga luha ko ng maalala ang plano ko para sa gabing ito.

'Ang plano kong hiwalayan si Allistair para wala ng maging balakid sa plano nila ni Angeline. Ang plano kong hiwalayan si Allistair upang hindi na siya madamay sa problema namin. Ang plano kong hindi nila alam.'

Napapikit ako ng maalala ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Ang mga banta na binibigay nila sa'kin, banta na hindi para sa kaligtasan ko kung hindi banta para sa kaligtasan ng pamilya ko. Ang mga transactions na sinasabotahe nila kaya madalas palpak. Ang isa isang pagbagsak ng kumpanya ng mga Kingston sa iba't ibang bansa. Ang isa isang pagkakaroon ng mga problema sa kumpanya ng pamilya ko, kahit hindi sabihin nila Melissa sa'kin ay alam ko ang mga ito dahil nag imbestigasyon ako.

At ang solusyon lang doon ay ang layuan sila. Ang layuan sila hanggang sa matapos na ang gulong ito. Ang layuan sila para tigilan na nila ang pamilya kong hindi naman talaga dapat nadamay sa problemang ito. Ang layuan sila habang inaayos namin ang problemang ito.

Masyado naming minaliit ang mga Weston. Hindi namin alam na kaya nilang magawa ang mga ito. Hindi sila biro. Hindi sila basta basta.

"Allistair." tawag ko.

The Queen of Trouble (Season III)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt