Chapter 13 (Rain & Allistair's anniversary)

Start from the beginning
                                    

'Bad!'

***

Alas tres ng hapon.

Nandito kaming mga babae sa loob ng kwarto. Umalis naman ang mga lalaki para sunduin si Allistair kapag handa na kami.

"I'll be the one who will fix her hair." presinta ni Audrain at naghanap ng mga gamit na kailangan niya.

"Leave the face to me." sabi ni Arra na may hawak na brush habang pinaglalaruan ito.

"I'll be the one who will prepare the clothes then." sabi ni Cheska at tumayo saka nagpunta sa closet.

"I'll just mind my own business here." sabi ni Melissa habang nakadekwatro at kumakain ng junk foods.

"Me too." sabi ni Aster at dumikot sa pagkain niya.

***

Alas syete ng gabi.

Tapos na akong ayusan at isusuot ko nalang ang damit. Nandito ako sa loob ng banyo para suotin ito.

Napatingin ako sa damit na inihanda nila para sa'kin. Napangiti ako ng makita ang kabuuan nito.

Kulay asul siya. May mga dyamante rin ito na nagpadagdag ng ganda niya. Abot ito hanggang paa ko.

"Hoy! Buhay ka pa ba?!" dinig kong siga ni Melissa na naging dahilan ng pagtawa ko.

"Teka lang!" sigaw ko pabalik.

Sinuot ko na ang damit at napatingin sa salamin pagkatapos. Parang hinaplos ang puso ko ng makita ang effort nila sa pag-aayos sa'kin.

Nakalugay ang mahaba kong buhok ngunit nakatirintas ang nasa may magkabilang gilid nito. Kinulot din nila ang dulo ng buhok ko. Light lang din ang make up ko.

"Hoy! Bakit ang tagal mo?! Labas!" muling sigaw ni Melissa at napailing nalang ako.

Lumabas naman ako ng banyo at tinignan sila habang nakangiti. Napanganga naman sila ng makita ako.

"Si Rain ba 'yan?"

"May pinapasok pa ba kayong iba?"

"Baka isa sa mga staff?"

"Tignan niyo nga sa loob ng banyo. Hindi siya 'yan."

Napanguso naman ako sa mga pinagsasabi nila.

"Rain, ang ganda mo." nakangiting sabi ni Arra.

"Jackpot na si Lucas dito!" sabi naman ni Melissa.

"Tingin niyo kaya magugustuhan 'to ni Allistair?" nababahalang tanong ko. Inakbayan naman ako ni Cheska.

"Don't lose hope, girl. Malay mo hindi niya talaga magustuhan. Charot. Syempre magugustuhan niya talaga 'yan." sabi ni Cheska.

Napahugot ako ng hininga, pilit na pinapalakas ang loob.

"Tara. Double check natin. Baka may nakaligtaan tayo." sabi ni Audrain.

Susunod na sana ako sa paglabas ng dinuro ako ni Melissa.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now