Bakit ba kasi niya ginagawa to? kainis naman!

"J-jaxson...huwag ka ngang m-mangyakap!" medyo nautal pa ako dahil kinakabahan ako na ewan.

Mabilis kong tinanggal ang braso niya sa pagkakayakap sa akin pero ang loko nagmatigas.

Kurutin ko yang biceps niya diyan na yummy eh!

"Just tell me first what will you wanted to ask me and I'll stop hugging you." sabi niya at napahinga naman ako ng malalim bago dahan dahan ulit na lumingon sa kanya.

Hindi ko maiwasan na kabahan ulit at mapalunok dahil sobrang lapit lang namin at kainis lang! sobrang gwapo niya at ang bango!

"Kasi..."

"Kasi ano?" tanong niya na halatang naghihintay sa sasabihin ko.

"Kasi diba kanina sabi mo sa mga kaibigan ko na...m-mahal mo ako at p-papakasalan mo ako. T-totoo ba yon?" tanong ko at parang ngayon pa lang ay gusto ko ng lamunin ako ng lupa ng bigla siyang tumawa.

Kaasar!!

"Ofcourse not! sinabi ko lang yon dahil trip ko lang, huwag kang mag-assume. Tsk! stupid." sabi niya kaya dahil sa inis ay nahampas ko siya sa mukha.

"Puking ina mo! tse!" inis kong sabi at tinalikuran na siya at ang tukmol tawa lang ng tawa.

Sinasabi ko na nga bang hindi totoo yong sinabi niya at trip lang niya!

"Goodnight, ugly woman. Sleep well." rinig ko pang sabi niya pero hindi ko na siya pinansin at nagtalukbong ng kumot dahil inis na inis ako sa kanya.

Sana hindi na siya magising pa at mahulog siya sa kama at mabagok ang ulo niya at ma comatose puking ina niya! Argh!

Wala akong nagawa kundi ang mapapikit nalang at matulog ng may sama ng loob sa tukmol na katabi ko ngayon na ang sarap tadyakan ang pagmumukha niyang tukmol bwiset!

Ayan asa pa gurl! yan tuloy na hurt ka punyeta! 

Si Zeddie na nga lang ang crush ko at hindi siya! napaka sama ng ugali niya!

Kinabukasan ay nagising ako na wala na si Jaxson sa tabi ko at nakita ko si Mommy, Daddy at ang tatlong tukmol kong kapatid na nakaupo sa sofa habang nag uusap.

Tungkol na naman sa holdaper na paniguradong pangit na nangholdap sa akin sa parking lot ng mall ang pinag-uusapan nila. May patawa tawa pa ang mga tukmol kong kapatid dahil sabi ng mommy kong pangit na pag nakita niya ang holdaper ay sisipain talaga niya sa betlog para mabaog at pagkatapos ay jojowain niya charot!

Napalingon naman ako sa kinakain nila at taray ang sarap ng mga pagkain. Napasimangot ako ng makita ko ang isang fried chicken bucket na wala ng laman.

Buto meron.

"Good morning, everyone! wow ha sarap ng kain natin ah!" sabi ko pa at napalingon naman silang lahat sa akin.

"Good morning, baby!" bati sa akin ni Mommy at lumapit sa akin at niyakap ako habang may bitbit pang buto ng manok.

Aanhin niya yan? kakainin pa din kahit buto nalang?palibhasa kasi ang takaw chos!

"Good morning, sweetheart." bati naman sa akin ni Daddy at ngumiti naman ako sa kanya at binati din siya habang ang tatlo kong kapatid na mga tukmol ay deadma lang at patuloy lang sa pagkain.

Mabulunan sana.

Paniguradong galit na naman ang mga yan dahil si Jaxson ang nagbantay sa akin kagabi at dito pa siya natulog.

Ewan ko ba kong bakit  galit na galit sila kay Jaxson at sa mga kaibigan ni Jaxson eh pareho lang naman silang mga tukmol. Siguro hindi nila matanggap na may katulad silang mga tukmol dito sa ibabaw ng earth at gusto nilang sila lang kaya siguro ganyan sila kagalit kay tukmol na Jaxson.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now