Habang kumakain ako ay biglang pumasok si sir cyrus sa kusina.

"Oh sir good morning" ngiti kong bata sa kaniya.

"Amm ruby, hindi muna makakapasok ng 2 days si elise" ani niya na medyo ikinagulat ko, bakit naman hindi makakapasok si elise ng 2 days?

"P-po bakit sir?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"She's sick" sagot niya na ikinalaki ng mata ko.

"Paanong- eh- pero-" pahinto hinto kong ani, nagulat naman kase ako dahil kagahapon ok naman siya eh bakit ngayon may sakit na? Haysss...

"She's not feeling well right now so she need to rest, paki sabi nalang sa mga kaibigan niyo kspag hinanap siya and ipapahatid nalang kita sa driver mamaya" ani pa nito at tumango nalang ako at lumabas na siya ng kusina.

Napasapo nalang ako ng noo ko, nakakapagtaka bigla nalang siyang nagkasakit, siguro may nakain lang siya na kung ano hayss sana gumaling na siya agad para makapasok na siya.

After kong kumain ay maaga na akong umalis nagpahatid nalang ako sa driver papunta sa university.

Nang makarating ako sa university ay bumaba na ako ng van  at  naglakad na papasok

Habang naglalakad ako ay may biglang tumawag sa akin sa likod kaya naman napalingon ako, sila thea at josh pala.

"Good morning ruby" ngiting bati sa akin ni thea.

"Good morning din" balik ko sa kaniya.

"T-teka si elise? Nasaan? Bat di ko kasama?" Tanong niya.

"Amm ano ehh may sakot siya ngayon at 2 days siyang hindi makakapasok"

"What?!" Gulat na ani ni josh.

"Teka ok namam siya kagahapon ha? Bakit may sakit na siya ngayon?" Takang tanong naman ni thea.

"H-hindi ko rin alam sinabi lang sa akin ni sir cyrus kaganina" ani ko.

"Haysss sana gumaling na siya kaagad" ani ni thea.

"Kaya nga, am tara na punta na tayo sa classroom" yaya ko sa kanila at tumango nalang sila.

FAST FORWARD

Matapos ang dalawang subject ay dumeretsyo na kami sa cafeteria para kumain.

Ako na dapat ang magoorder pero nag prisinta si josh na siya nalang daw kaya naman wala na akong nagawa at bumalik nalang ako sa pagkakaupo.

Habang nagkwekwentuhan naman kami ni thea ay dumating na si josh na may dalang tray, nilapag na niya iyon sa lamesa at sinimulan na naming kumain.

After naming kumain ay naisipan namin pumunta sa garden, napakalawak ng garden dito at napakaganda ng mga bulaklak na halatang alagang-alaga. Naupo naman kami sa may ilalim ng punong mangga dito.

Habang nakatingin sa malayo.

"Amm r-ruby.. hmm g-gusto mo?" Napatingin naman ako kay josh na katabi ko, may ibinibigay siya sa aking maliit na plastic na may laman na parang ano... parang marshmallow pero sa tingin ko ay hindi kase pabilog siya, haysss ewan ko pero parang marshmallow pero sa tingin ko hindi ehh... ang gulo mo ruby!.

May kulay pink, green at blue iyon, parang bigla naman akong natakam mukhang masarap hihi.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Amm m-mochi, ginawa ko k-kagabi" sagot niya, mochi? Parang ngayon ko lang narinig ang salitang yun, hmm...

"Mochi? Ahhh"patango tango kong wika, sabi na nga ba hindi marshmallow ehh tsk!.

Kinuha ko naman sa kaniya yun.

"Akala ko naman kung ano ang ginagawa mo kagabi kuya yun pala gumagawa ka lang pala ng ganyan, kailan ka pa natutong gumawa niyan kuya?" Tanong ni thea.

"A-ahh n-napanood ko lang yan sa youtube... parang masarap kase eh tsaka niramihan ko na para mabigyan na rin si ruby pati sana si elise kaso wala siya" sagot ni josh.

"Ganun ba" sabi ni thea.

"Mukhang masarap patikim ha?" Ngiting sabi ko sabay kuha sa kaniya ng plastic na naglalaman na mochi.

"Para sayo talaga yan" sabi niya kaya naman tinignan ko siya.

"Talaga?" Ngiting sabi ko.

"Amm o-oo" ngiting sabi niya.

"Thank you" pasalamat ko.

"Pahingi ako ruby mukhang masarap yan" ngiting ani ni thea kaya naman sinimulan ko ng buksan ang plastic.

"No thea para kay ruby lang yan, meron pa naman sa bahay mamaya kainin mo nalang" mabilis na reklamo ni josh.

"Luh! Damot!" Inis na wika ni thea.

"Ok lang naman josh para matikman na rin niya" sabi ko.

"Huh! Damot kaso niyan ehh" irap na wika ni thea na ikinakunot lang ng noo ni josh.

Ibinigyan ko naman si ruby ng isa at kumuha na rin ako ng isa, ng kagatin ko iyon ay may lumabas na kulay pink na cream mula sa loob gosh ang sarap! Ngayon ko lang ito natikman

"Ang sarap naman nito" ngiting sabi ko sabay kagat ulit ng mochi.

"Oo nga sarap, nako pagdating ko sa bahay uubusin ko lahat ng gawa mo kuya" ani ni thea sabay kuha pa ng mochi sa akin.

Tumingin naman ako kay josh at nginitian ko siya at ngumiti din siya sa akin.

ELISE'S POV

"Honey say AHHH" malambing na tono ng boses niya na pinapanganga ako

Alas dose na ng magising kami at agad siyang bumaba pagdating niya dito ay may dala na siyang tray ng pagkain.

Ngayon ay sinusubuan niya ako, sabi ko ay kaya ko naman pero talagang mapilit siya gusto niya siya ang magpakain sa akin, hayss ayun wala naman akong nagawa.

"Ahh" bahagya kong binuka ko at sinubo naman niya sa akin ang pagkain at bigla naman niya akong hinalikan sa lips na medyo ikinagulat ko pero smack lang yun.

"Ano yun? May pa kiss pa" natatawa kong ani.

"Your lips is always tempting me honey, kaya gustong gusto kitang haklikan palagi" ani niya habang nakatingin sa labi ko.

Natutukso pala siya sa labi ko, maakit nga itong lalaking ito kung uubra.

Nakatingin siya ngayon sa labi ko kaya naman ay kinagat ko ang ibaba kong labi na nakakaakit, nakita ko naman na natigilan siya at mukhang nagulat sa ginawa ko at tumingin sa akin.

"Don't do that!" Pagalit niyang wika kaya naman napatawa ko.

Tama nga umobra!. Hahahahaha.

"Hahahaha... ok" natatawa kong wika.

"You teasing me ha" ani niya at bigla ko namang naramdaman ang labi niya sa labi ko, napahiga ako dahil sa pwersa ng pagkakahalik niya sa akin.

Hinawakan naman niya ang batok ko at mas lalong diniin iyon palapit sa mukha niya at para palalimin ang halik, tumugon na rin ako sa kaniya.

Kinakagat kagat niya ang labi ko na patang gigil na gigil

Shit! Ang sakit... ahh!!! Hindi ko na talaga ulit gagawin yun.

Ang sakit pala kapag inakit ko siya ng ganun, at the same time masarap din wohoooooooo....

-To Be Continued-

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon