Tama ang bilis ng pagkuha ko sa arrow pero yung paglagay ng arrow sa bow ang bagal ko. Ang hirap kaya nakaka-pressure. Minsan pa nga nahuhulog yung arrow. Siguro kung nasa labanan na 'ko kanina pa ako patay. Dun pa lang sa paglagay ng arrow sa bow hirap na 'ko pano pa kaya dun sa pagpapakawala ng arrow. Tss. Teka napansin ko lang wala yung peste rito ah... Buti na lang.

Tanghali na 4 hrs na pala akong nagta-try dito sa bow & arrow na ito. Hmp. Nagpahinga muna kami at nag-lunch. Bongga ang pagkain namin. Lagi naman. Pero di parin ako sanay. Nagdala ako ng dalawang latang ham para sakin. Hehhehe medyo selfish po ako pagdating sa ham. Nagsimula na kaming kumain nang napansin ko nakatitig yung mga Masters ko sakin.

"May dumi ba sa mukha ko mga Masters?" tanong ko

"Ah. Miss Selene wala po." sabi nila pero nakatingin parin sila sakin

Nakaka-asar naman. Ayoko nang pinanunood ako sa pagkain ko.

"Pwede po bang tikman yang kinakain nyo Miss Selene?"tanong ni Master Lim ang pinaka-gentleman sa kanilang lima. So yung ham ko pala ang tinitignan nila. Hmmm... Selfish ako ihh pero dahil Master ko sila binigyan ko sila. Halatang ngayon lang nakatikim ang mga ito ng ham takam na takam sila ihh... Hahhaha...

Natapos ang training na wala man lang akong natamaang mansanas. Tsk. Expected ko naman na ihh.

Papunta na ako sa aking silid nang madaanan ko ang isang malawak na silid na nkabukas. Nakita ko si Papa at Tito Garf na nagsasanay din. Hahhha... Like father like daughter lang ang peg. Nanuod ako. Ang galing ni Papa, kakainggit.

Walang pesteng nagpakita. Yes!!!

Makakatulog ako nang maayos. Hihihi

Arfin's POV

Ang saya talagang kasama ang mga giant. Utas ako sa katatawa. Kumusta kaya yung mikrobyo na yun. Malamang sa malamang wala na namang natutunan yun. Ang bobo kasi nun di sa kanya bagay ang responsibilidad na nakaatang sa kanya.

Tss. Bakit ba iniisip ko na naman ang mikrobyong yun. Makatulog nga.

Miyerkules na. Si Neon ang trainor ni mikrobyo ngayon. Pupunta ba ko o hindi? Medyo tinanghali na ko nang gising.

Papunta na 'kong training field. Pano kasi itong si denden pinilit ako. Ang kulit. Tapos iiwan din ako sa ere aba matindi. Pagdating ko... Aba paseksi na naman ang suot nitong mikrobyong ito ah. Sino ba ang pinaseseksihan nito. Malanding mikrobyo. Tss...

Paghawak pa lang ng whip mali na. Gaano ba kabobo ang babaeng ito. Nakakaboring naman. Wala man lang thrill itong training na ito nagmimistulang kalokohan lang. Hindi naman ata seryosong matuto itong mikrobyong ito. Umiinit ang dugo sa mga tulad nya. Pinag-aaksayahan namin sya ng oras tapos parang balewala lang sa kanya. Di ko na mapigilan ang sarili ko.

"Hoy Mikrobyo! Pwede bang umayos ka! Wag ka ngang tatanga-tanga! Magseryoso ka naman! Malaki ang pinagkaiba ng laro sa training! Gamitin mo nga yang utak mo! Hindi yung nakapatong lang jan sa ulo mo!" sigaw ko sa kanya

"Pasensya na. Lampa kasi talaga ako.Sorry sa abala." sagot ni mikrobyo. Sobrang lungkot nang pagkakasabi nya. I feel guilt. AGAIN. FCK!

Umalis na lang ako. Baka kasi kung ano pang masabi ko. Ayoko lang ng tatanga-tanga. Nakakainis tignan.

Selene's POV

Sobrang sakit. Kahit sino naman siguro ang pagsabihan ng mga salitang yun masasaktan. Pero totoo naman kasi ang mga sinabi nya. Kaya naapektuhan ako nang sobra. Paiyak na 'ko pero todo pigil ako. Ayoko ngang ipakitang mahina ako. Ipapakita ko sa kanya kung gaano ako kalakas. Hmp! Go Selene! Kaya 'ko ito.

The Half Moon of the SunWhere stories live. Discover now