CHAPTER 34 "COAT"

4 0 0
                                    

Luna POV

"Yang damit mo...." Aniya tumingin naman ako sa damit ko may problema ba.

"...galing bayan yan kay Nathan?" Tumango lang ako narinig niya siguro kanina.

"Mag palit ka..."
"Huh bakit?... maganda naman ah"

"Oo maganda... pero galing kay Nathan yan kaya pangit" aniya at tumingin ulit sa damit ko na parang nag tatampo dahil naka pout pa siya kaya napatawa ako sa lakas ng tawa ko parang lalabas na yung ngala ngala ko.

Natigilan lang ako ng biglang hawakan ni Jairo yung damit ko at sinubukang itaas kaya agad ko siya pinalo.

"Hoy... Ano ba!"
"Ayaw mong hubarin eh kaya ako nalang ang mag huhubad"

Sinubukan na naman niyang hawakan yung damit ko kaya pinanlisikan ko siya ng mata.

"Oo na mag papalit na ako... Tumigil kana diyan ha kung ayaw mong kasuhan kita ng harassment"

Tumawa siya sa sinabi ko kaya napatulala ako first time ko siyang makitang tumawa ang gwapo niya pala.

"Hey... ano gusto mo ako ng mag hubad" aniya kaya na taohan ako tumakbo nalang ako pababa don para maka pag palit na.

Sinuot kona yung black dress at black heels na dinala ko tinali ko ng ponytail yung buhok ko para mas bumagay sa damit ko sinuot ko narin yung shade ko.

Kung kanina rainbow yung suot ko ngayun naman walang ka kulay kulay lahat itim parang may patay.

Lumabas na ako ng banyo dina ako na gulat na nandon si Jairo nag hihintay agad niya naman ako tiningnan mula ulo hanggang paa, sumimangot naman siya bigla.

'pangit ba parang ok naman'

"Bat ganyan suot mo?"
"Eh sabi mo mag palit ako ito lang ang dala kung damit"

"Haysst... tingnan mo nga kita yung bewang mo mabuti kung ako lang yung ma kakakita"

Pag ririklamo niya sumimangot ako sa kanya, sabi niya mag palit ako ide nag palit ako tapos ngayon mag ririklamo pa siya... ang sarap lang pritohin ng koreanong to.

"Eh anong guston mo, sabi mo mag palit ako ide nag palit ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Suotin mo nalang toh" aniya at pinasuot niya saakin yung black niyang coat kaya naka white long sleeve nalang siya ngayun at black slacks.

Sinuot ko naman yun nakakahiya rin naman kasi na ganito yung suot ko, bakit ko ngaba na pili to ha?...

Inaya niya na ako na pumunta nakami sa mga department namin hinatid niya muna ako sa department ko na gulat pa ako ng bigla niya akong halikan sa cheek ko bago siya umalis.

'Bakit ba ang hilig mag nakaw ng halik yung lalaking yun na kakailan na siya ha...'

Pumasok nalang ako sa department namin hindi din nag tagal nag simula na yung celebration kumain muna kami yung chicken at carbonara lang yung kinuha ko at isang slice ng cake para sa dessert.

Hindi pweding kumain ng marami dahil may party pa mamaya may pagkain din don ang alam ko catering yun eh at sa plaza yung venue nakita ko kanina inaayos palang yung mga upoan, libre yun ng University parang gift narin dahil mag papasko na.

SECOND LIFE [Season 1]✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon