CHAPTER 31 "AWKWARD"

2 0 0
                                    

Luna POV

Pumasok na ako sa may Girl Restroom at agad nag momog sa may sink para mawala yung pait.

"Ahhhh... Agghhh"

Natigilan ako sa pag huhugas ng kamay ng marinig ko ang mahinang ungol na yun.

Hindi ako ganon ka inosente para isiping multo yun kaya agad na lang akong lumabas don.

"Ay Gwapong butiki..." Sigaw ko ng pag bukas ko ng pinto nandon si Jairo naka sandal sa may pader habang naka cross arm na parang may hinihintay.

"Ok na sana...bat may butiki?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot parang na hihiya ako, siguro dahil sa sinabi niya kanina.

"A-ah sige alis na ako!" Sabi ko bago ko siya tinalikuran kaso hinigit niya ako at sinandal sa pader na akala niya tatakas ako dahil kinulong pa niya ako gamit yung dalawang kamay niya.

"Eodie gayo?(where are you going)" seryosong sabi niya na nakatingin pa sa mga mata ko.

Naiilang ako pero hindi ko matangal ang mga mata ko sa kanya.

"C-chingu?(friend)" kina kabahang sabi ko, lalo pa akong kinabahan ng ngumiti siya habang naka tingin sa labi ko.

Hindi ko alam na wild pala tong si Jairo hindi kasi halata.

"Bangeul?(can i)" tanong niya kaso di ko gets.

"H-huh?" Na sabi ko nalang.

Na gulat ako ng bigla niyang nilapit ang mukha niya saakin napa pikit na lang ako dahil alam ko kung anong gagawin.

Hindi ko paman na raramdaman yung labi niya bigla na lang may nag salita.

"Hoy... Pasok na kayo tapos na kami... Wag niyong gawin yan dito na kakahiya kayo!" Ani Jeric na may kasamang babae.

Napa ayus kami ng tayo ni Jairo kaya tumawa si Jeric at umalis na.

Tiningnan ko si Jairo na naka tingin lang sa taas ng tumingin siya saakin agad ko yun inalis dahil may naramdaman akong hiya kaya tumakbo na ako pabalik sa couch namin.

Sino ba kasing hindi mahihiya don muntik na kaming mag kiss may na kakita pa, na hiya pa ko lalo ng ma alala kung pumikit pa ako kanina.

'ano kaba Luna pat kaba pumikit!'

Pag ririklamo ko sa sarili ko, pero sana dumikit manlang kahit kunti epal kasi si Jeric eh.

'teka nga bakit gusto kung halikan niya ko?... na babaliw na ata ako!'

"Pst... Luna kanina kapa naka busangot diyan... May problema?" Tanong ni Jaycee sa akin na umiinom padin.

"Ah wala!"

"Hey girls... nandito pala sila Jairo nandon sila oh..." Ani Rache natinuro pa kung na saan sila.

"Punta tayo don... Pina papunta naman tayo ni Jeric don ang boring kasi tayo-tayo lang... sila lang naman ang nandon... Ah hindi pala may kasama pa silang dalawang babae..."

Mahabang sabi ni Rache agad naman akong umiling.

"Wag na dito nalang tayo!" Tangi ko dahil ayaw ko pang makita si Jairo ngayun puno pa ako ng kahihiyan.

Bigla namang tumayo si Jaycee kaya na patingin ako sa kanya.

"Tara doon tayo!" Sabi niya habang hawak yung bote ng wine at nag lakad na papunta sa direksyon nila Jairo wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanila.

Naupo kami sa pa bilog na couch si Jaycee yung unang umopo ka sunod ako at umupo rin sa tabi ko si Rache.

Tiningnan ko sila isa isa nandito din si Timothy at Blake,at miron pang dalawang babae naka kapit sa braso ni Timothy yung isa habang inaak bayan naman ni Jeric yung isa pa.

Tumingin ako kay Jairo na nasa harap ko naka tingin siya saakin kaya agad akong umiwas.

"Luna... Bat dika umiinom?" Tanong saakin ni Jeric.

"Oh... Ito?" Inabot niya saakin yung cocktail tinangap ko naman yun at ininom pinilit ko nalang na uminom kahit hindi naman ako umiinom.

Ilang bisis din ako nilang pina inom diko naman sila  matangihan, nag desisyon si Jeric na mag body shot kami para patas daw ipapaikot niya yung buti kung sinong maturo siya yung una at sunod yung katabi niya.

Pina ikot na ni Jeric yung buti at huminto ito kay Jaycee kaya siya yung una.

"Oh si Jaycee yung una... Sinong gusto mong partner?" Tanong ni Rache.

"Si Timothy..." Diritsong sabi niya kita ko ang gulat sa mukha ni Timothy, ako din diko inasahan yun akala ko tatangi siya.

"Ok sige..." Ani Jeric na puma lakpak pa at nilagyan ng asin yung leeg ni Timothy nong una diko gets pero ngayun sa tingin ko alam ko na kung anong gagawin.

Lumipat si Jaycee sa tabi Timothy at binigyan siya ng tequila ni Jeric agad naman niya itong kinuha at ininom at agad dinilaan yung leeg ni Timothy.

Nag sigawan sila habang ako na papikit nalang.Sa tingin ko hindi magandang kasama tong mga taong to madumi na nga utak ko pina padumi pa nila.

Minulat ko ang mata ko at ganon parin yung posisyon ni Jaycee habang si Timothy naka pikit na.

Ilang minuto bago pa na tapos si Jaycee at ako yung sinonod nila dahil ako raw yung katabi niya.

"Si Jairo nalang kaya partner mo?" Ani Jeric na kinindatan pa ako.

"Ayuko..." Napa sigaw na ako dahil sa sinabi ni Jeric kaya pinag tawanan nila ako.

"...ah iba nalang" mahinang sabi ko, ayukong sumali pero ayuko rin namang matawag na KJ.

"Eh sinong gusto mo?" Tiningnan ko sila isa isa ang na isip ko si Blake na lang miron na si Timothy at Jeric kaya si Blake na lang.

"Si Blake..."
"O-ok sige..." Iwan ko nag bago yung awra ni Jeric pero nilag yan parin niya ng aisn yung leeg ni Blake.

Dahan dahan akong lumapit at tumabi kay Blake hawak yung tequila.

"Luna... Shot na bilis" excited na sabi ni Rache pero sa tingin ko siya lang yung excited si Jeric kasi yung mukha parang gusto ng tumakbo na parang ayaw makitang gawin ko to ganon narin si Jaycee at Timothy habang si Jairo naka tingin lang wine na hawak niya.

Ininom ko yung Tequila at agad uminit yung lalamunan ko na parang may gumuhit at nalasahan yung tapang ng tequila kaya agad akong humarap kay Blake para dilaan yung leeg niya.

Ilalapat ko na sana yung dila ko ng biglang may humawak sa braso ko kaya na palayo ako kay Blake.

"What the f*ck are you doing Luna?" Singhal saakin ni Jairo hindi ako sumagot kaya hinila niya nalang ako palabas nong bar.

Thank  you for reading my story i hope you injoy it 사랑해요(i love you)(◍•ᴗ•◍)❤

SECOND LIFE [Season 1]✅Where stories live. Discover now