CHAPTER 14 "COINCIDENCE"

18 3 0
                                    

Luna POV

"Luna...uwi na kami ha?" Tanong ni Rache tumango nalang ako tiyaka na sila lumabas 5pm na at tatlong movie ang napanood namin wala ngalang akong naintindihan ahhh siguro sila din eh pano puro tanong si Rache tungkul don sa bubug na pinang gigilan ko kaya hindi kami nakapag focus sa movie.

Sinabi ko nalang sa kanila namay iniisip lang ako kanina kaya diko namalayang nasugatan kona pala ang sarili ko si Rache naman dahil nga madaldal tanong ng tanong kung ano yung iniisip ko kanina habang nakikinig lang saamin si Jaycee syimpre diko sinabi alangan naman sabihin ko yung halik ni Jairo ang iniisip ko ide mas lalong hindi sila maniniwala na wala akong gusto don.....

Umakyat ako ng kwarto para maligo kanina pa akong walang ligo umupo muna ako samay kama at tinangal yung binda sa kaliwang kamay ko mabuti narin at sa kaliwa hindi sa kanan pagka tangal ko ng binda tumambad sa akin ang malaking sugat na may tahi sa palad ko...

Alam niyo bang nagpipigil ako ng sakit kanina gusto kung sumigaw sa sakit habang tinatahi ni Jaycee yung sugat ko wala naman kasing anesthesia kaya kinakagat ko nalang labi ko para mapigilan ko ang pag sigaw ko.

Pumasok na akong banyo tiyaka na ligo.

"Arayyyy.....hay buysittt....ang sakitttt..." Sigaw ko ng malagyan ng sabon yung sugat ko kaya agad kotong tinapat sa shower para naman akong na stroke sa itsura ko ngayon nakataas yung kaliwa kung kamay habang yung kanan sinasabonan yung katawan ko...nakakatakot kasi baka masabonan nanaman ang hapdi panaman.

Lumabas ako ng banyo ng nakataas parin ang kamay agad ko naman itong binaba ng ma realize ko kung bakit pa nakataas yung kamay ko baka mamaya totoong ma stroke nato....

Pag katapos kung mag bihis nilinis kona yung sugat ko tinuroan ako kanina ni Jaycee kung pano linisin at lagyan ng binda tong sugat ko madali akong matoto kaya alam kona kung pano gawin.

Humiga na ako ng kama para matulog sana piro limang oras na ang nakalipas at 11pm na hindi parin ako makatulog  kaya na patayo ako alam kung hindi ako makakatulog dahil sa lalaking yun kaya mag hahanap ako ng sleeping pills baka miron lang naman alam kung pwedi yun maka sama sa katawan ko piro mas sasama pa ata katawan ko sa kakaisip sa halik nayon eh....

In open ko yung maliit na cabinet ni Luna at may nakita akong sleeping pills don ang nakakapag taka lang paubos na ito.

"Ginagamit niya bato?"
Inalala kung mabuti kung ginamit naba ito ni Luna ....tama nga gumagamit siya nito dahil hirap din siyang matulog walang pag aalinlangang ginamit ko yun gusto ko na talaga kasing makatulog agad naman akung nakatulog at nagising ng maaga may pasok ngayun kaya dapat maaga.

Pagbaba ko para mag breakfast nakita kong nandon na si mommy kumakain na.

"Mommy.... Good morning" bungad ko sakanya at hinalikan siya sa pisngi tumango lang siya dahil puno pa ang bibig niya ng pagkain.

"Kailan po kayo dumating?" Tanong ko habang kumakain narin.
"Kaninang 5am lang" sagot niya mga 2 minutong katahimikan muna ang lumipas bago nag salita ulit si Mommy.

"Baby.... Where do you want to celebrate your birthday tomorrow?" Napatingin ako kay mommy sa sinabi niya.... birthday... tomorrow...nanlaki ang mata ko ng ma realize ko na yung university ay pinangalan kay Luna kaya siyempre kung anniversary ng university bukas ide birthday niya rin bukas...ang nakakagulat padon pariho kami ng birthday,...oo birthday ko rin bukas what a coincidence diba.

"May problema ba?" Tanong ni mommy napansin niya siguro na natulala ako.
"Ah wala po....kayo napong bahala kung saan ice-celebrate
ang birthday ko"

"Talaga?" Sabi ni mommy habang malaki ang ngiti sa labi iwan ko kung bakit...
"Opo...."
"Wag kang magagalit sa gagawin ko, sabi mo yan ako ng bahala ha...." Tumayo si mommy sa kina uupoan niya at lumabas sa dinning area habang tumatalon talon pa naparang bata binigyan ko nalang siya ng nag tatakang tingin.

__________

Patapos na sa discussion ang prof namin.

"Ok before we dismissed kailangan niyo munang kumuha ng papel sa box nato" sabay turo ni prof sa box nanasa harapan niya.

"Para malaman niyo kung anong team kayo gaya ng dati Red for Team 1, Orange for Team 2, Yellow for Team 3, Green for Team 4, Blue for Team 5, Pink for Team 6, Violet for Team 7,... tatawagin ko ang pangalan niyo pag natawag ko na kumuha na kayo dito tapos pumunta nalang kayo sa basketball court para makuha niyo yung mga damit niyo..... understand?"

"Yes prof!" Pag sangayon namin alphabetical ang pag tawag ni prof kaya na una ako dahil Avilla ang last name ko pink ang nakuha ko it's mean team 6 ako.

Napag desisyonan kung kunin muna yung damit ko bago pumuntang cafeteria may nakita akung pitong mahahabang lamesa na naka linya sa court bawat lamesa may kulay at nakasulat kung para kaninong team yun, siyempre pumunta ako sa pink table may nakita akung studyante don isang lalaki sa tingin ko kasali siya sa Management Team dahil sa suot niya may uniform din kasi bawat Team suot ko rin yung akin sa Designer team yun kasi yung sabi ng dean suotin daw namin.

"Kukuha ka ng damit?" Tanong niya tumango naman ako.
"Ilagay muna lang yung papel dito" Turo niya sa isang box.
"A-anong papel?" Tanong ko diko kasi alam kung anong papel yun.

"Yung pink na papel"
"Ah yun ba..." Nahihiyang sabi ko at nilagay na yung papel sa box.
"Paki sulat na lang din ng pangalan niyo dito" turo niya sa isang papel na naka lagay sa mesa....napatigil naman ako sa pag sulat ng Sunshine De lion ang na isulat ko at hindi Luna Marie Avilla.

"Ah excuse me...may correction tape kaba?"  Tanong ko dun sa lalaki
"Ito oh..."
"Salamat" sabi ko at binura na yung na isulat ko.

"Kayo pala si Luna Marie ang nag mamay ari ng university nato" sabi niya ng mabasa niya ang sinusulat ko.
"Oo...ako nga"
"Ah sorry....diko kayo nakilala first year palang po kasi ako" sabi niya  sabay binigay na yung damit saakin.

"Bakit.... wala kaba sa meeting
nong friday?" Tanong ko.
"Wala kaya nga ako yung pinag bantay dito" sabi niya habang nakangiti kaya ngumiti narin ako.

"Ako nga pala si Enzo" nag lahad siya ng kamay saakin kaya tinangap ko yun.

"Sa tingin ko hindi totoo yung kumakalat na maldita kayo at masama yung ugali....mukha naman kayong mabait at subrang ganda niyo pa" sabi niya diko naman yun pinansin dahil totoo yun dati.... piro yung maganda matagal ko ng alam yun hindi ako nag fefeeling ok it's true walang aangal ang umangal panget pa sa panget.

Thank  you for reading my story i hope you injoy it 사랑해요(i love you)(◍•ᴗ•◍)❤

SECOND LIFE [Season 1]✅Where stories live. Discover now