Napangiti naman ako at niyakap siya at mayamaya ay bumitaw din ako at hinawakan ko ang dalawa niyang balikat

"Alam kong makakahanap ka rin ng babaeng mas higit pa sa akin" wika ko at ngumiti naman siya.

"Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako, magsisilbing karamay mo mananatili akong kaibigan mo hinding hindi ako mag qui-quit" dagdag ko pa na mas lalo niyang kinangiti.

"Ako din, hinding hindi ako nag qui-quit" saad niya "Pwede ko bang mayakap ang the best bestfriend ko?" Tanong niya na ikinangiti ko pa.

"Syempre naman" ngiti kong wika saka niyakap siya ulit.

"Sabihin mo kapag pinaiyak ka nung lalaking yun ha?! Ako reresbak dun" banta niya na ikinatawa ko tsaka pinalo ang pwet niya.

"Ouch!" Daing niya.

"Ikaw talaga" ani ko at patuloy pa rin kami sa aming yakapan.

Maswerte ako dahil meron akong boy bestfriend na katulad niya, never akong mag qui-quit ico-continue ko ang pagiging kaibigan sa kaniya.

"Josh salamat dahil meron akong ikaw, sana mahanap mo ang babaeng magmamahal ng tunay sayo nandito lang ako para sumuporta sayo, mahal na mahal kita" wika ko sa gitna ng aming yakapan.

FAST FORWARD

"Oh saan ba kayong galing na dalawa?" Takang tanong ni thea.

"Nagkwentuhan lang kami" sagit naman ni josh.

"Oh sya balik na tayo sa classroom" yaya ni ruby na ikinatango namin at nagtungo na kami sa classroom.

Natapos naman ang apat naming subject at ngayon ay lunch na, sabay sabay kaming pumunta sa cafeteria para kumain.

Pansin ko pa rin si josh, kapag tumitingin ako sa kaniya ay nakikita ko ang malungkot niyang expression.

Kapag nahuhuli naman niyang nakatingin ako sa kaniya ay nginingitian niya lang ako kaya nginingitian ko nalang din siya.

Masakit para sa akin na masaktan siya pero wala akong magagawa dahil may kasintahan na ako at mahal na mahal ko yun.

Alam ko balang araw, makakahanap din si josh ng magmamahal ng tunay sa kaniya at alam kong magiging masaya din siya.

Nang maka order sila ruby at thea ay sinimulan naman naming kumain.

After naming kumain ay naisipan naman naming mag libot-libot muna tulal hindi pa naman time.

Habang naglalakad kami ay may biglang tumawag ng pangalan ko mula sa likod namin.

"Elise!" Tawag ng kung sino kaya naman pare-parehas kaming napahinto sa paglalakad at tumingin sa likod.

"Elise... ha.. ha.. ha.." tawag niya sa akin habang hinihingal "P-Pinapatawag ka pala ni proff kiel sa office niya" Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko yun pinahalata.

Nagsimula namang bumilis na tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan niya parang bigla akong kinabahan, b-Bakit niya ako pinapatawag? Anong kailangan niya?.

"B-Bakit daw?" Tanong ko.

"Hindi ko alam eh, baka importante lang" sagot niya.

Huminga naman ako ng malalim tsaka humarap sa mga kaibigan ko.

"G-Guys punta lang ako sa office ni proff k-kiel" wika ko sa kanila.

"Sige hintayin ka nalang namin sa garden" wika naman ni thea.

Tumangon na lamang ako at nilingon ulit ang tumawag sa akin.

"Halika na samahan na kita papunta sa office ni sir" wika niya at tumango lang ako ay naglakad na kasama niya.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now