Kagaya rin ng sinabi ni Greda, sya pa rin ang guguhit ng sariling tadhana..

SUMMER OF 1995

ILOCOS NORTE

Suot ang kanyang pajama, dahan- dahang bumangon sa kama nya si Olivia para hindi magising ang katabing si Kristine, na himbing na himbing sa pagtulog dahil napagod kakalangoy at kakalaro sa parang kanina. Hindi sya nagsuot ng tsinelas para walang makarinig sa kanya.

Kontrolado ang bawat hakbang nya sa hagdanan. Siniguro muna nyang wala ng ibang taong gising sa buong kabahayan. Sinilip nya ang kwarto ni Ate Rhoda para tiyaking hindi sya nito makikita.

Palihim nyang tinahak ang kwarto kung saan naroon ang tinatawag na Mirror of Love ni Ate Rhoda. Kumbinsido si Olivia na totoo ito, na hindi lamang guni- guni ang liwanag na nakita nyang nagmula rito kagabi.

Napakapayapa ng gabi. Tanging ang huni ng kuliglig at tunog ng mga alon sa dagat ang naririnig nya.

Kinakabahan ngunit lakas- loob pa ring binuksan ni Olivia ang pinto. Inilabas nya ang posporo mula sa bulsa at sinindihan ang kanina pa nyang dalang kandila.

Walang bintana ang kwartong iyon, hindi sapat ang ilaw niya para lumiwanag ang lugar. Isinara nya ang pinto saka lumapit sa lifesize mirror.

Dalawang minuto bago maghating- gabi ayon sa suot nyang relo. Wala siyang ibang naririnig kundi ang hininga nya at ang malakas na kabog ng puso nya.

Pagpatak ng alas dose impunto, nagliwanag ang disenyong bulaklak at dahon na parang bahag- hari. Ang pinakasalamin ay naglabas nang puting liwanag.

Pumikit nang bahagya si Olivia sa pagkasilaw. Dumilat sya nang mawala ang liwanag. Umiilaw pa rin ang bahag-hari sa frame pero iba na ang nasa salamin.

Manghang napatitig si Olivia sa imaheng nakita nya. Isang babaing nakatalikod sa kanya ang nakaupo sa tuktok ng burol habang pinapanood ang pagsikat ng araw. Sumusunod sa hangin ang mahabang buhok nito. May mahabang espada ang nakatarak sa lupa katabi ng babae.

"May hinihintay siya." Narinig ni Olivia ang boses ni Ate Rhoda. Tumayo ito sa likuran nya at pinagmasdan din ang babaing nakaupo.

"Anong hinihintay nya?" Tanong nya nang makarecover sa biglaang pagsulpot ng kasam-bahay.

"Baka mas tamang itanong kung sinong hinihintay nya." Marahang ginulo ni Ate Rhoda ang buhok ni Olivia. "Malay natin, baka ikaw ang hinihintay nya."

"Siya po ba ang nakatakda para sa akin?" Curious nyang tanong. Hinihiling nyang sana humarap ang babaing iyon para makita ang mukha nito.

"Ikaw lang ang makakapagsabi nyan, Olivia." Ngumiti ito sa kanya sa repleksyon ng salamin dahil nawala na ang imahe. Medyo nadismaya si Olivia na hindi man lang nasino ang babae sa salamin. "Kukunin na ito para madala sa mas ligtas na lugar."

Bumaha ng liwanag sa silid nang bumukas ang ilaw. Nakangiting pumasok si Sandrea. "Natagpuan mo ang Aklat ng Tadhana."

Aklat?

Magkakilala ang mga ito?

Mukhang guilty si Ate Rhoda dahil ito ang dahilan kung bakit nalaman nina Olivia ang tungkol sa salamin.

"Itinago ang mahalagang bagay na ito dahil maraming masasamang nilalang ang gustong umangkin at gumamit," paliwanag ni Sandrea. Isang kumpas ng kamay nito'y lumitaw at nagliwanag ang guhit ng isang malaking bilog sa kinatatayuan nila. May mga tila lumang sulatin sa gitna niyon na hindi maintindihan ni Olivia. Nakapagitna roon ang salamin. "Ang nakikita mo'y proteksyon na nakapaloob sa silid na ito. Ang sinumang nilalang na may masamang hangarin, ay hindi makakalabas ng buhay. Tanging mga may ginintuang puso ang siyang may kakayahang sumilip sa salamin ng hinaharap."

Nilapitan ni Sandrea ang salamin. Marahan nitong hinaplos ang frame. Nagliwanag muli ang bahag- hari hanggang sa unti- unting lumiit ang salamin at naging isang makapal at malaking libro, na may pabalat na ginto at pilak na kulay. Nasilip ni Olivia na may imahe ng timbangan sa harap nito. "Nakapili na ng bagong Tagabantay ang Aklat ng Tadhana. Maraming salamat sa pagprotekta rito, Rhoda."

"Walang anuman. Ikinalulugod kong nagawa ang aking misyon." Buong paggalang na yumukod si Ate Rhoda.

Ngumiting muli si Sandrea sa mangha pa ring si Olivia. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Rhoda," sambit nito bago tuluyang lumabas ng silid at naglaho.

Pagkaalis nito'y, naglaho na rin ang nagliliwanag na proteksyon.

"Manganganib ang buhay mo kapag nanatili sa ala-ala mo ang mga nakita mo. Isang masamang nilalang ang maaaring bumasa ng isipan mo. Marahil sa tamang panahon, manunumbalik din ang mga ala-ala mo." Humihingi ng paumanhin ang tono nito. "Sa ngayon, buburahin ko muna."

Bago pa makapagprotesta si Olivia, hinawakan na ni Ate Rhoda ang magkabilang sintido nya habang nakatitig sa mga mata nya ang kulay berdeng mata nito.


Olivia smiled. She was glad that the woman on the mirror destined for her was also her choice. In another lifetime, she'd still choose to be with Erin.

Kahit may kaabikat na sakripisyo o maghahatid ng peligro sa buhay nya, pipiliin pa rin nya si Erin.

Sumagi sa isipan nya ang nakadisplay sa opisina nyang bronze sculpture ng isang anghel na putol ang pakpak. Binili nya ito sa isang art exhibit. Ang katatagan at katapangan ng anghel na iyon ay maihahalintulad sa kanila ni Erin. Kahit sugatan na ay hindi pa rin sumusuko.

Kagaya ng pag-iibigan nila ni Erin, marami man silang pinagdaanan, pinaghiwalay man sila nang maraming taon, pinili pa rin nilang ipaglaban ang isa't- isa. Pinili nila ang isa't- isa hanggang sa huli.

"Babe?" Untag sa kanya ni Erin. Kinikilig talaga sya kapag tinatawag sya nito sa endearment nila. "We have an emergency. Kontaminados are reported to be flocking in Antartica. They are melting the ice. Warriors around the globe are on their way there. They are sending us for back-up."

Olivia's green eyes met Erin's ocean blue ones. "Okay, let's go."


***********

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now