Arrow

548 69 33
                                    

CHAPTER THIRTYSIX

SUMMER OF 1995

Manghang- mangha si Olivia habang paakyat sila ni Ate Umi sa tree house nito. Nagmistulang napapalamutian ng Christmas lights ang buong puno dahil palipad- lipad ang mga munting alitaptap sa mga dahon at sanga. Maging ang mga malalaking pakwan ay tila nagliliwanag din. Idagdag pang tila musikang nagdiriwang ang tunog ng mga nakasabit na wind chimes sa balkonahe.

“Watermelon is my favorite. My mother planted a lot of it when I was a child. I don’t see her often. The sound of the chimes mean she’s home.” Nakarating na sina Ate Umi at Olivia sa balkonahe ng tree house. Pareho silang nakatingin sa mga bunga. “My father built me a tree house smaller than this one. Kung hindi ako tumutulong sa bukid o di kaya’y nagdidilig ng mga halaman sa hardin, madalas akong magbasa ng libro at gumawa ng takdang- aralin sa tree house ko.”

Napaawang ang bibig ni Olivia nang makita ang maluwang na interior ng tree house. Pumasok sila sa floor to ceiling na sliding door na gawa sa salamin habang kahoy naman ang frame nito.

Sa apat na bookshelves na punong- puno ng mga libro dumako ang mga mata ni Olivia. May malambot na mga sofa malapit sa mga ito. Nakita na nya ang sariling nakaupo at kumportableng nagbabasa.

May dining table sa gitna at nakapatong doon ang isang mamahaling vase na may makukulay at iba’t- ibang bulaklak.

Ibinaba sya ni Ate Umi para mas makapag-explore sa loob. May hagdanan na paakyat kung saan nakapwesto ang isang malaking kama malapit sa bintana. Sa silong naman ay may kulay maroon na duyan. Napangiti sya nang ma-imagine na nagbabasa roon si Ate Umi.

“Mag-isa mo lang dito Ate?”

“Minsan dinadalaw ako ng mga kapatid at kaibigan ko ngunit mas madalas akong mag-isa. Dito ako nagpapahinga para makabawi ng lakas. Fresh air helps me recuperate.”

Simple lang ang design ng tree house. Ang tanging maituturing na magarbo ay ang eleganteng chandelier na syang nagbibigay ng liwanag at si Ate Umi na tila diyosa ng kagandahan kahit na kupas na maong at puting top lang ang laging suot nito.

“I took you here as promised. Because I want to show you my home.” May kung anong lungkot sa mga mata nito ngunit nawala rin agad. Pumalit ang ngiti sa mga labi nito. “Maligayang kaarawan, Olivia.”

“S-Salamat.” Halos nakalimutan na ni Olivia kung anong okasyon ng mga sandaling iyon.

“May kaunting handa ako para sayo.”

Narinig nya ang tunog ng plawta, tambol, harpa at gitara. May tumutugtog at kumakanta ng “Happy Birthday” na nagmumula sa ibaba. Patakbong pumunta sa balkonahe si Olivia para sumilip.

Mga tikbalang, sarangay, duwende, lambana, kapre at iba’t- ibang nilalang ang tumutugtog ng mga instrumento. Nangunguna naman sa pagkanta si Mario habang tila nagsasayaw na mga bolang apoy ang mga San Elmo.

Magkahawak- kamay silang bumaba ni Ate Umi sa hagdan. Pamilyar ang mukha ng mga bumati sa kanyang nilalang. Karamihan sa mga ito’y nakilala na nya. Ang iba’y mga bantay ng farm nila.

Isang mahabang mesa na punong- puno ng pagkain ang hinanda nina Ate Umi. Hindi nakaligtas sa pansin ni Olivia ang isang malaking bandehado ng Iced Gems at Chippy. Tiyak na matutuwa sina Mario, naisip nya.

Ang mga watermelon lamp posts nama’y nakakalat na sa paligid para bigyan silang lahat ng tanglaw.

Nang matapos ang kanta, lumapit sa kanya si Ate Umi dala ang isang three- layer strawberry cake. “Make a wish, Olivia.”

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now