Chapter 3

6 0 0
                                    

George's POV

May malapit na mall sa supermarket na binilhan namin kaya naglakad lang kami.

Mabuti na lang at hindi maaraw ngayon tsaka mapuno naman sa daan. Hindi siya gubat or ano, sadyang may puno lang sa tabi.

Habang tahimik na naglalakad ay napansin ko kung gaano katangkad si Eithan.

Hindi naman ako maliit pero hanggang sa chin niya lang ako.

Wow ano kayang height niya.

Dinikitan ko pa siya ng konti at sinukat ang deperensya ng height namin.

Ooh. Grabe ang tangkad niya talaga. Ano kayang iniinom niyang vitamins. May itatangkad pa kaya siya?

Nang mapansin niya ako ay inakbayan niya ako at pinatong sa ulo ko ang palad niya na agad ko namang inalis. Lumayo rin ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

I cleared my throat.

Ang tahimik namin kaya medyo nakakailang. Mabuti na lang at maraming tao sa paligid.

Pagpasok sa mall ay lumapit na ulit siya sakin dahil siguro maraming tao.

Nasa likod ko siya medyo gilid at tahimik na nakasunod sakin. Hindi siya nagtatanong kung saan ako pupunta at kung anong bibilhin ko.

Dumiretso ako sa 2nd floor kung nasaan ang bilihan ng film ng camera. Naubusan kasi ako last week and wala akong panahon para bumili at saka nakakatamad sadyain.

Tahimik lang rin si Eithan habang bumibili ako at ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan pala talaga siya ng mga tao sa paligid. Para silang nakakita ng artista.

I pouted and inabot na sakin yung binili kong films saka ako nagbayad.

Lumabas ako ng store at sumunod agad si Eithan.

"It's already past 11, we should have lunch." Aniya.

"Sa bahay na lang." Walang gana kong sagot. Pasensya na inatake ako ng mood swing gusto ko na lang umuwi agad.

"Aren't you hungry?" He asked.

Nope.

Sa isip ko lang dahil wala talaga ako sa mood.

He stayed silent after that kaya medyo nakonsensya ako dahil sa inaasta ko ngayon. I should be more polite, hindi kami close kaya hindi siya sanay sa ugali kong ito. Well, we used to be close pero that was years ago.

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya.

"Look, if you're hungry pwede kang kumain sa resto or sa fastfood. But I'm not in the mood right now. I just want to go home." Saad ko at nagpatuloy sa paglalakad.

We took the train pauwi dahil hindi ako sumasakay sa uber or taxi.

Pagdating sa bahay ay nag-lunch na kami and naligo ako after. Hindi ko alam kung nasaan si Eithan matapos ko siyang iwan after lunch.

Binuksan ko ang laptop ko at gumawa ng school works. After a few hours ay dinapuan ako ng antok kaya nakatulog ako.

I woke up around 6 pm, almost dinner time. I checked my social media accounts and read some messages sa inbox ko.

Maya-maya ay kumatok si Mom sa pinto ko, tinawag niya ako para mag-dinner. Agad akong bumaba at napansin na wala sila Tita Cath at si Eithan.

"Hi dad." Bati ko kay dad na mukhang kakarating lang dahil naka-office attire pa.

"My princess," Aniya.

Nagkipag-beso ako sa kanya at naupo na sa seat ko.

Nagtataka pa rin ako kung bakit wala na sila Eithan. Umalis na ba sila? Hindi ko na ba ulit siya makikita?

Never Not (ONGOING)Where stories live. Discover now