Chapter 1

19 0 0
                                    


George's POV

Ininom ko ang last drop of water and was about to head out to refill my bottle.

"George, sabi pala ni Sir Enrique pumunta ka raw mamaya sa faculty before going home." Marielle said.

Siguro ay about sa club project ang sasabihin ni Sir. Ako kasi ang President ng Art Club.

Nag-okay sign ako gamit ang kamay at sinabi, "Thanks!"

Nginitian niya lang ako kaya lumabas na ako ng classroom saka sumunod si Gab. Ganito talaga kasi kami halos laging magkasama sa buong campus kung pwede, kahit nga pagpunta sa comfort room eh.

Nasa first floor pa yung refilling station kaya medyo matatagalan kami. Mamaya pa naman darating ang sunod na teacher.

Mula sa 3rd floor ay bumaba kami sa hagdan patungong first floor.

Iilan lang ang nakapila sa refilling station kaya pumila kami kaagad.

"Nakakatamad. May party na naman kaming pupuntahan sa Sunday tapos bukas naman ay pupunta kaming Bulacan para sa business pa rin." Saad ni Gab habang nakapila kami.

Isa na lang naman ang nasa unahan namin.

"Hala pano yan? May quiz tayo sa Math sa Monday."

Pag-alis ng nasa unahan namin ay ako na ang sumunod na nag-refill. Warm water ang nilagay ko dahil ito ang nakasanayan kong inumin. Kung wala naman ay okay lang sakin kahit ano.

"Kaya nga eh!" She sighed. "Kahit busy ako isasama at isasama pa rin ako." Gabriella said.

"Ang hirap pa man din bumagsak ngayon." I sighed with her.

Tumabi ako nang matapos ako mag-refill at siya naman ang sumunod.

"I'll send you my reviewer na lang after ko gawin." I said.

"Omg lifesaver talaga kita Jorgi! I love you so much, mwa!" Masayang saad niya.

Pagkatapos niya ay naglakad na kami paalis at paakyat sa stairs.

"Para saan naman daw yung party?" Tanong ko dahil wala akong matanong.

May ilan-ilan ding students ang nasa labas ng classroom para tumambay sa hallways or pumunta mung saan. May mga teacher rin na may kausap na student sa hallway at kung ano-ano pa. Ganito lagi sa campus namin, normal lang. Walang gangsters na magpapatigil sa mundo mo, walang vampire na susulpot, nothing special.

"Para daw sa launching ng isang sikat na company. Ang main branch daw nun ay sa Bacolod talaga pero since maraming nagde-demand, nag-open sila ng branch dito sa Quezon City." Gabriella said while we're walking. "I don't know anything else na eh. Ayun lang narinig ko kila Dad."

I nodded, "Oh okay." I'm not interested sa business world kaya hindi na ako nagtanong pa.

Pagdating sa room ay andun na rin halos lahat ng kaklase namin kaya napatingin ako sa oras. 2 minutes na lang pala bago ang next class namin. May ilan pang pumasok at maya-maya ay pumasok na rin si Ms. Castro. 3rd class na namin at isa na lang after nito then lunch break na.

Saglit na nag-lecture si Ms. Castro at nagbigay ng short activity bago i-dismiss ang klase. Nagsitayuan ang iba para makipagdaldalan sa iba pa naming kaklase habang ako ay nakahalumbaba lang sa desk ko. Hindi kasi ako mahilig tumayo tayo maliban na lang kung bored na talaga ako.

Ilang minuto lang ay dumating na ang sunod naming teacher at nagsimula na siyang mag-lecture.

"Recitation tayo about the last topic bago mag-proceed sa next topic." Saad ni Sir Bueno.

Never Not (ONGOING)Where stories live. Discover now