My Cousin Loves Me

28 0 0
                                    


Ang sakit sa pakiramdam na napa-ibig ka sa isang taong alam mong bawal.

Yes. I'm in love with my cousin.

And I know that's wrong.

First degree cousin ko pa naman siya.

“Are you okey?” Seryusong tanong ng pinsan ko. Ang pinsang minahal ko na higit pa sa pinsan. Si Hunter.

“Sa tingin mo, mukha ba akong okey?” Balik tanong ko dito.

Umiiyak kasi ako ngayon dahil nalaman ng parents ko at parents niya na mahal ko ang sarili kong pinsan. Sinigawan pa'ko ni Mama. Pinagsalitaan ng kung ano-ano.

Ang sakit.

Nasa labas ako ng gate ngayon. Umiiyak sa tabi.

Hindi ko na namalayang nasa likod ko na pala siya.

“Hindi,” sabi nito't tumabi na rin sa'king umupo.

“Palibhasa okey lang sayo. Wag ka ng lumapit sa'kin!” Pagtataboy ko dito. Pinagtawanan niya lang ako.

“Gala tayo para hindi ka na umiyak,” nakangiting saad nito.

Parang wala lang talaga dito ang nasaksihan sa bahay namin kani-kanina lang. Pinilit ako ng parents ko na umamin sa totoong nararamdaman sa pinsan ko.

Saksi ang parents ko at parents niya.

Nahuli kase nila ako ni Mama at ni Tita na hinalikan ang pinsan ko habang natutulog ito sa kwarto ng kapatid kong lalaki. Sa halip na mandiri o magalit ito sa'kin, ang saya pa nito sa nalaman.

Baliw talaga.

“Gagala ako pero hindi ka kasama. Simula ngayon wag ka ng lumapit sa'kin. Hindi na tayo bati kahit kailan. Huwag kang feeling close. Baka mas—”

“Baka mas mahulog ka pa sa'kin?” Dinugtungang nito ang dapat ay sasabihin ko dito.

Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis na para bang ngiting tagumpay. Bigla akong pinamulahan ng wala sa oras. Buwisit!

“E'di mas mabuti! Mabuti nga't sa'kin ka pa na in love kesa naman sa ibang lalaki,” mas lumapit ito sa'kin saka hinawakan sa magkabilang pisngi. Masuyo niyang hinaplos ang pang-ibabang labi ko gamit ang hintuturo nito. “Hindi ka nakakasiguro na saktan ka o hindi ng kahit na sinong lalaki diyan. Pero sakin, wala ka ng dapat na ipag-alala pa. I can keep you safe and love you more than you love me.” Nagulat ako sa huling itinuran nito habang ito'y may ngiti pa din sa labi.

“Y-you can love me b-back?” Nauutal kong tanong dito. Tumango ito't kitang kita ko sa kulay brown nitong mga mata na seryuso ito sa sinabi. “R-really?” Paniniguro ko at bakas pa din sakin ang pagkagulat sa sinabi nito.

“Come on, Jianna. I'm serious. Sa tingin mo bibitaw ako ng salitang alam kong aasa ka? No, Jianna. Hindi ko kayang saktan ang babaeng kay tagal ko ding inasam-asam na mahalin din ako ng higit pa sa mag-pinsan and now, thank you for loving me back, Jianna. ” Pagtatapos nito na hindi mawala-wala ang ngiti nito sa mga labi.

“Kay tagal ng inasam-asam? W-what do you mean?” Naguguluhang tanong ko dito.

Marahan ito tumawa. “Ang hina mo naman. Matagal na kitang mahal. Hindi mo lang alam. At alam 'yon ng parents ko. Hinala ko, alam din ng parents mo. Ayaw lang nilang sabihin sayo at ayaw din namang sabihin ng magulang ko. Alam na nilang lahat at ikaw na lang ang hindi pa nakakaalam. Ewan ko ba kung bakit. Saka ko na lang naintindihan ang nararamdaman ng magsimula akong magselos sa mga lalaki nakakasama mo. Kaya gusto kong palagi akong nasa tabi mo. Nagseselos ako sa tuwing may ibang lalaking nagpapatawa sayo. Ayoko no'n at alam kong hindi dapat gano'n ang nararamdaman ng pinsan sa pinsan niya. Ewan ko ba basta na realize ko na lang na mahal na kita. Simula no'n, hindi ko pala alam na masyado akong halata kaya minamatyagan ako nila Mama at Papa. Isang araw pinilit nila akong umamin. Kapag hindi raw ako umamin sasabihin daw nila sayo para layuan mo raw ako kaya sinabi ko kahit alam kong bawal. But what can I do to ease this prohibited love?” Marahan itong tumawa at puno ng pagmamahal akong tinitigan, “and now, we both feel the same way, no one can stop us now, Jianna. No one. Kaya kung ako sayo, wag ka ng umiyak kase wala kang dapat ipag-alala tungkol sa nararamdaman mo para sakin. Because for me, I'm the happiest guy to know that you love me. And thank you for that.”

Nakatunganga lang ako sa kanya. Unti-unting nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya.

My cousin loves me?!

Bigla akong napahagulhol ng iyak na ikinataranta niya.

“God! Wag ka ng umiyak! Ah-ahm, ice cream gusto mo? Please don't cry. What do you want me to do? Buy you an ice cream? Please don't cry. Shh...” Pagpapatahan nito sakin.

Mas lalo akong napahagulhol ng iyak. Ang buong akala ko ay mandidiri ito sa nararamdaman ko para rito ngunit kabaliktaran iyon.

Mahal ako nito at sobra-sobrang kasiyahan ang nararamdaman. Isang tears of joy kung matatawag ang pag-iyak ko.

“Akala ko–akala ko—”

Niyakap ako nito. “Shh, Jianna. Kahit ako rin naman sobra ang takot na naramdaman na baka pandirian mo ako o baka ay layuan pag nalaman mo ang totoo. Kaya ngayon, huwag kang mag-alala. I love you, Jianna. I love you more than a cousin. ”

“I love you too, Kuya Hunter. ” Humihikbing tugon ko dito. Nakayakap pa din ito sakin.

Tumawa ito. “I wonder why bakit nag-kukuya ka pa din sakin na ngayong alam mo na ang nararamdamang ko sayo?”

Tumawa naman ako dito. “Nagkukuya lang naman ako pag nandiyan sila Auntie at Mama.”

“Pansin ko din. Kaya pala ang galang-galang mo sakin pag andyan sila. Pero kapag tayo lang, para kang dinosaur.” Tumawa ito at hinampas ko naman ito sa dibdib. Hindi naman ito nasaktan sa ginawa kaya't nag pa tuloy lang itong tumawa.

“Shut up, Hunt. Nakakairita ka na. Just kiss me.” Nakasimangot kong saad rito.

Tumigil ito sa pagtawa at napalitan iyon ng matamis na ngiti. “Gladly, My Queen. Gladly.” pagkatapos nitong sabihin iyon ay isang matamis na halik ang iginawad nito sakin.

I love him and he loves me.





One-Shot Stories (Couple Theory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon