That Pandak GF Made My Pet Awake

35 0 0
                                    


“Umayos ka kase!” Naiiritang singhal sa'kin ng girlfriend kong pandak.

“Kanina pa ako umaayos dito. Sabihin mo lang kasing hindi mo maabot.” Natatawang sabi ko naman dito na ikinainis niya lalo. Ang cute niya talagang mainis. Nanggigigil ako.

“Gusto mo itusok ko sayo 'tong lapis, huh?” Tutok nito sa lapis na hawak.

“Ang brutal mo talaga sa'kin.” Pagda-drama ko rito.

“Che!” Pilit talaga nitong inaabot ang tutok ng ulo ko para sukatan ako sa pinto.

“Ano ba kasing meron ba't ginagawa mo 'to?”

“Kasi nga may gusto akong malaman.” Sabi na naman nito.

Hindi na lang ako umimik. Inayos ko na lang ang pagtayo at napatigil nang makitang bukas ang isang batunes ng uniform sa may dibdiban nito. Agad naman akong namula nang makita ang kulay itim na bra nito.

Nagba-bra pa pala ito?’ Wala sa sariling tanong ng isipan ko.

Akmang aayusin ko na sana ang uniform nito nang bigla ako nitong hampasin sa balikat.

“Aw!” Aray ko kahit parang hampas ng lamok lang.

“Bastos mo, ah. Kanina ka pa nakatitig sa dibdib ko.” Anito na ikinapula ko. At ako pa ang may ganang mamula.

“Eh, hindi ka kasi nagbabatunes—aray!” Hinampas na naman ako nito sa balikat.

Agad namang inayos nito ang uniform. Nakapatong kasi ito sa upuan kaya medyo mataas ito ng unti sa'kin. Unti lang naman.

Bumalik na ito sa pagsusukat sa tutok ng ulo ko nang bigla itong ma-out of balance ito at napasubsob sa'kin. Agad ko naman itong sinalo parang hindi mahulog. Ngunit naging dahilan ito upang pumantay ang mukha ko sa dibdib nito na ikinabuhay ng nananahimik kong nuno sa baba. Napatingin na naman ulit ako sa dibdib nito bago bahagyang tumingala sa kanya.

“Ang bastos mo talaga.” Nakakunot–noong sabi nito sa'kin.

“Kasalanan ko bang palaging nakadisplay yang dibdib mo sa'kin?”

“Che!” Pagkasabi no'n ay bumaba na ito't kinuha ang bag nito sa sahig.

“San ka pupunta?” Takang tanong ko.

“Uuwi na.”

“Tapos ka na?”

“Hindi pa. Bukas na lang ulit.”

“Bakit ipagpapabukas pa, eh, pwede namang ngayon?”

“Patahanin mo muna yan.” Tinuro nito ang alaga ko sa baba na bumabakat na sa suot kong pantalon. Halata dito ang pamumula saka naglakad na palabas ng pinto. “Wag mo na akong ihatid, susunduin ako ni Kuya.” Huling sabi nito.

Agad naman akong napamura. “Fuck!”

Bakit kase tumayo pa 'to? Umalis tuloy 'yong pandak na 'yon.

That short girlfriend of mine made my pet awake. Napabuntong-hininga ako tsaka pumasok sa banyo.

“Just a minute, bud.” Kausap ko sa sarili ko.

One-Shot Stories (Couple Theory)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن