Useless Information

Start from the beginning
                                    

Bigla akong nahiya sa sarili ko samantalang maraming tao ang kailangang makipagsapalaran sa labas para lamang maghanap- buhay. Dapat akong magpasalamat sa kung anong meron ako.

Pero kung naramdaman mo kung anong naramadaman ko o higit pa, at patuloy kang lumalaban, good job sa'yo. Laban lang. Hindi biro ang pinagdadaanan natin. Kanya- kanya kung paano natin hinaharap ang kasalukuyan. We each have our own silent battle to win. Ang mahalaga huwag sumuko. Pwedeng magpahinga pero huwag bibitaw.

Ang drama ko ba? Bored ka na ba? Wala akong pakialam sabi nga ni Alex Gonzaga. LOL!

Malaking factor ang pandemic kaya nabuo ko ang kwento ni Olivia. To avoid my dark thoughts, writing Watermelon Dreams became my escape, my insanity's salvation.

Sinubukan kong magsulat ulit noong April 2020. Isang chapter kada linggo. Kaso biglang kinuha na ng may-ari ang laptop na ginagamit ko. Hindi na pwedeng gamitin ang work computer dahil 100% screenshot na siya. Mahuhuli ako ng client :P

Bumalik ako sa basic. Nagsulat ako gamit ang lapis at notebook. Bumalik ang excitement ko dahil pakiramdam ko para ulit akong high school. June 2020 ko napagpasyahang ituloy sulatin ang kwento nina Olivia at Erin. Matagal ko rin kasing pinag-isipan. Ayokong magsusulat lang ng basta fanasy lang. Kailangan may relevance pa rin sa paligid at may mapupulot na aral ang mga readers.

May mga nagsasabing baka paraan ng Inang Kalikasan ang pandemic para magreboot dahil tayong mga tao ay unti- unting sinisira ang kapaligiran. Hindi rin tayo nakaligtas last year sa mga bagyo at baha. Maraming kabuhayan ang nasira, mga nawalan ng tirahan at buhay.

Isa si Gina Lopez sa mga pinagbasehan ko sa character ni Olivia. Kahanga- hanga kasi ang advocacy nya para sa kalikasan. Sana pamarisan natin ang mga environmental advocates para protektahan ang kapaligiran.

Alam kong nakakainip ang mga sinasabi ko, pero ang pagprotekta sa kalikasan ang isa sa mga layunin ng Watermelon Dreams. Hindi lamang ito basta kwentong pag-ibig ni Olivia kundi pag-ibig na rin para kay Keithia. Sana sa isang- daang nagbasa nito, kahit may isa man lang magmahal sa kalikasan. Naks!

Sa matiyagang nagbabasa nitong chapter na ito, salamat at hindi ka nagskip. Salamat din sa pagbabasa ng Watermelon Dreams. Alam kong marami pa akong dapat matutunan sa pagsusulat ng genre na ito. Kung may napuna kayong mali or inconsistencies, feel free to let me know.

Sobrang nag-enjoy akong isulat ito. Isa sa mga pinakaayaw ko noong nag-aaral pa ako ay research pero para mapaganda ang kwentong ito ay ginawa ko. Ayokong bigyan kayo ng isang akdang basta isinulat lang. Kaya rin siguro natagalan bago ako magpublish.

Akala ko nga mga 15 Chapters lang ang aabutin noong umpisahan kong isulat ito. Para syang SM Baguio na tanaw mo mula sa Burnham Park. Akala mo malapit lang kaya imbes na sumakay ng jeep o magtaxi, naglakad ka na lang. Saka mo madidiskubre na marami pa palang pasikot- sikot ang daan papunta roon. Tagaktak na ang pawis mo, hinihingal ka na, nawala na sa paningin mo ang mall na kanina'y tanaw mo lang pero hindi ka pa rin nakakarating.

Ganoon din ang nangyari sa kwentong ito. Akala ko wala akong masyadong mailalabas ngunit nang hinuhulma at hinahabi ko na ang kwento, isa pala syang mahabang lakbayin. Kailangan nang matinding pasensya at higit sa lahat deteminasyong makarating sa destinasyon.

Bukod sa kalikasan, gusto ko ring ilapit sa inyo ang Philippine folklore. Karamihan kasi'y puro tungkol sa taong- lobo o kaya bampira ang theme. I have nothing against them. In fact, fan ako ng Vampire Chronicles. Pero sinabi ko sa sarili ko na kung susulat ako ng fantasy sa Wattpad, gusto ko yung sariling atin muna.

Lumaki akong sa mundo ng mga aswang, diwata, manananggal etc ang pinapasok ng imahinasyon ko. Kaya sila rin ang umeeksena sa kwento ni Olivia ngayon. Ang Watermelon Dreams ang pinto patungo sa Hiwaga sa Dako Pa Roon. Ang akdang ito ay lumikha ng maraming daan na pwede pang tahakin ng aking lapis at notebook.

Maraming- maraming salamat sa mga nagbasa ng kwentong ito. Ilang chapter na lang po ay mararating na natin ang SM Baguio. Salamat sa mga nagcomments, nagvotes, nag-add sa kanilang reading list at sa mga silent readers. Alam kong nandiyan kayo. Sana nag-e-enjoy kayo sa akda ko.

Sa ngayon hindi ko pa masasabi kung kailan ako ulit magpa-publish. Sa mga matagal ko ng readers, kilala nyo na ang style ko. Kapag nagpublish na ako ng unang chapter, ibig sabihin may bago na akong tsismis. Hindi ako bumabalik sa Watty hanggat wala akong natatapos na akda.

Syempre hindi ko wawakasan ang chapter na ito nang hindi nagpapasalamat kay Rome, ang Babe ko. Binilhan pa ako nyan ng Mga Nilalang na Kagila- Gilalas para magamit ko sa kwento ni Olivia. Sinusuportahan nya ako sa lahat ng bagay. She's always been there through good and bad times. In sickness and in health. Her patience over me is unwavering. Sana hindi sya mauntog. Sana matibay pa rin ang helmet na bigay ko sa kanya. Kahit madalas gusto mo akong sakalin dahil sa kasungitan ko, maniwala kang mahal na mahal kita.

Masyadong keso. Baka mas mainis pa sa'kin kaya titigilan ko na. Hahaha.

Stay safe everyone. Keep fighting. Enjoy the last few chapters pero next week na ang publishing. Haha.

Ayan tinatawag na ako ni Alexandra Trese. May meeting daw kasi kami kasama ang konseho. Inuutusan akong bumili ng Choc Nut. Give away namin.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now