Chapter 27: Confession

Magsimula sa umpisa
                                    

"Rui, I think it's the right time para ipakita natin kay Kaye yung bahay" sambit ni Lau.

"Oo nga Kaye, ano? Tara?" Excited na tanong ¡sa akin ni Rui.

"G" maikli ngunit nakangiti kong tugon. And that's what I like about Rui, he can easily change the atmosphere by just his energetic voice.

***
Nagpresinta si Lau na kotse nya nalang ang gamitin ngunit sinabi ni Rui na dala nya ang kotse nya kaya sa kanya ako sumabay.

Tahimik lang kami buong bhaye sa di ko malamang dahilan. Madalas kasi ay nagsusurahan kami sa kabuuan ng byahe. Pero nanahimik nalang ako kasi baka pagod narin sya.

"May problema ba?" Tanong ko kay Rui ng di ko na kibayang manahimik.

"Wala, may iniisip lang ako" kahit di ako kumbinsido sa sagot nya at tumango nalang ako.

Tumingin nalang ako sa labas habang nakasandal ang ulo ko sa bintana, kinakabisado ang bawat madadaanan sa pupuntahan namin.

Ilang saglit pa at bumungad na sa akin ang isang bahay. Maliit lang ito ngunit masasabing pinagkagastusan dahil sa itsura nito.

Pag-baba ko ng kotse ay narinig ko ang pag hampas ng mga alon sa  matigas na bagay. Tanda na malapit lang dito ang dagat. Lumapit pa kami ni Rui sa bahay at nakumpirma ko nasa bandang gilid ng bahay ay naroon ang dagat.

"Ang ganda"  sabi ko out of nowhere. Tumingin ako kay Rui at nagulat akong nkatingin din pala sya.

"Oo, ang ganda nga" sabi nya ng nakangiti.

"Rui, tara na sa loob" sambit ni Lau pagkarating nya.

Nauna na syang pumasok at sumunod nalang kami. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang pagkaelagante ng loob ng bahay.

"This house is made for me and Lau"  saad nya ng makapasok kami sa loob ng bahay.

"Anong taon ba kayo nagkakilala?" Tanong ko habang iniikot ang mga mata ko sa paligid.

"When we were just five, we already know each other"  sagot naman ni Rui na ikinamangha ko.

Tinour nila ako sa loob ng bahay at dahil sa pareho silang nagsasalita ay halos di ko na maintindihan ang sinasabi nila. May nakita ako kaninang sulat sa pader ng pangalan ni Lau at Rui at sabi nila yun daw ang pinakauna nilang nilagay dito sa bahay pagkatapos itong mabuo. Tumawa pa sila kasi yun din daw ang unang beses na sabay silang napagalitan.

Ilang saglit pa ng pagiikot ay napagpasyahan namin na kumain nalang at nag-presinta ang dalawa na sila nalang ang magluluto. Hinayaan ko nalang ang gusto nila habang pinapanood ko sila. Ang kalat na dito sa kusina, mali yatang hinayaan kong silang dalawa ang magluto.

Nang matapos silang magluto ay sabay silang humarap sa akin hawak ang mga potaheng niluto nila. Mukhang masarap ang mga ito ngunit di ko mapigilang di matawa dahil sa mga itsura nila.

Nagtaka sila kaya tumingin sila sa isa't isa at nagsimulang tawanan ang kaabnormalan nila.

Now, mas napapansin ko na yung connection sa kanilang dalawa. Their really close to each other, at talagang masasabi kong matagal na silang magkasama. At hindi hadlang yung mga years na naghiwalay sila para mawala ang connection na yon.

They build their friendship like a concrete and I know that this house is one of the thousand witnesses of how they built it. I wonder kung ano yung pinakamalaking bagay na hindi nila napagkasunduan.

Over And Over Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon